Online si crush!!!!!!!!!!!!!
WAAAAAAAAAAAAHH!!! Yes, yes. Yes!!!!
Oo na ako na ang OA kung makapag-react. Eh ganito talaga ako kung nakikita kong online sa Facebook ang crush kong si Aldrich Ventura.
Siya palagi ang una sa list ng ng nasa chat sidebar ko kaya agad kong nakikita kung online ba siya o hindi. Once in a bluemoon lang kami nagkakasabay mag online.
Pero wait, bakit nga ba ako ganito kasaya?? Eh kahit kailan naman na nagkasabay kaming mag-online ay hindi naman siya nakikipag-chat sa ‘kin eh.
Kahit pag like nga lang sa profile pic o ay hindi niya magawa. Ang mas masakit pa dun ay kapag nag scro-scroll ako sa news feeds ko ay lagi akong may nakikitang “Aldrich and ### friends like this” Tingin ko nga lahat ng friends niyang babae sa fb ay nila-like niya ang pic eh.Siguro kung friends sila ng lola ko ay ila-like niya rin yun..Ugsh!!! Saklap lang noh??
Ano ba kasi ang problema sa pictures ko at hindi niya magawang i-like??? Photogenic naman daw ako at marami rin namang nagla-like sa pics ko. Nilalagyan ko pa ng napaka-sweet na caption para mas madrama.Akala niya siguro mahal ang pic ko at may bayad ang mga taong magla-like??
hmmmm…
Pero kung tutuusin hindi ko rin naman nila-like ang pics niya, nahihiya ako eh baka isipin niyang crush ko siya. Well, crush ko naman talaga siya, wala lang akong planong ipaalam sa kanya kasi baka hindi mutual ang feelings namin at ma-hurt lang ako.
Buti pa ay i-change ko muna tong profile pic ko.. Ang pose ko ay yung parang nakatingin sa malayo at medyo sad face (hindi siya vain na picture, I swear!) Tapos nilagyan ko ng madramang caption “When will you notice me ?” After how many seconds ay may mga nag-like na sa pp ko but not Aldrich.
(after how many minutes)
Habang nanonood ako ng video ni Psy sa Youtube ay bigla kong narinig yung ‘BRINK!’ Yung tunog basta mayroon kang notification. May 1 notification ako. Pagbukas ko…….
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!
Si Aldrich, si Aldrich my labs… Sa sobrang saya ko sa pagkita sa mukha ni Aldrich sa notification,eh hindi ko na nabasa kung ano ba yun.. Nagtatalon muna ako sa tuwa kasi akala ko nag-like siya sa bago kong profile pic.
Sabi na nga eh, makukuha ko rin yang mahiwaga mong like ALDRICH VENTURA!!!!!!!!
Binalikan ko yung notification at binasa …..
Aldrich Ventura sent you a Baseball Heroes request.
WHAAAAAAAAAT!!!! Game request lang pala???? No way!!!!!!! Iiyak na talaga ako :’(
“Wag kang OA dyan, buti nga nagkaroon pa siya ng time na magpakita sa notifications mo diba” sabi ng ma-epal kong konsensiya.
Wait… Oo nga noh.. Waaaaaaaaaaahhhh!! Kinikilig ako….
“O,wag ka ring Oa kung kiligin diyan.Hindi lang naman siya sayo nag-game request eh.. Sinend niya to all his friends yan noh, di lang sayo, feeler ka rin te???” humirit na naman yung epal kong konsensiya >.<
Well, wala akong pakielam.. Minsan lang siya mag request kaya maglalaro ako ng game na ito :p
(Kasalukuyang naglalaro ng Baseball Heroes)
BOOGSH!!
Strike!
STRIKE!!
STRIKE OUT!!!
BINABASA MO ANG
It Started with a Game Request (One-Shot)
Short StoryIT’S SUMMERTIME!!! Oras na para magbabad sa ………beach??? Siguro para sa karamihan pero kay Darianne Delos Reyes, oras na para magbabad sa internet.. Eh paano, walang social life eh, social media lang meron.. hiks* Pero ang inaakala niyang walang mea...