Si Agnes at Juan

23 2 0
                                    

Nag-iisang anak si Juan ng mag-asawang sina Ressa at Cardo. Payak lamang ang pamumuhay nila. Nang si Juan ay nagpitong taong gulang, dumating ang isang magandang biyaya sa kanilang pamilya. Isinilang ng kanyang ina si Agnes. Lumaki si Agnes na matalino at masipag kung kaya't gustong-gusto siya ng kanyang mga magulang. Nainggit ng husto si Juan dahil nasanay siyang sa kanya lamang ang atensyon ng magulang niya.


Tumungtong ng kolehiyo si Agnes samantalang naging rebelde si Juan. Nabarkada siya at natuto ng marming bisyo. Nalungkot ng sobra ang kanilang magulang sa sinapit niya.

Kaarawan ng ama ni Agnes. Nakabili siya ng cake at munting regalo para sa kanyang ama. Lubha itong ikinaselos ni Juan. Inisip niya na sadyang sipsip lang ang nakababata niyang kapatid. Nakita niyang masaya ang mga magulang niya kasama si Agnes at naisipan niyang maglayas na lamang. Subalit mataas ang kumpiyansa niya at naisipang makipag-kompetisyon sa kapatid.

'Kung magpapakita ako ng katinuan ay siguradong ako na ang mas gusto nila Inay' isip niya.

Lumipas ang mga araw at unti-unting nagbago si Juan. Umuuwi na siya bago mag alas-diyes ng gabi at laging may dalang pasalubong. Siya rin ang minsang bumili ng gamot para sa kanilang ina na may sakit sa puso samantalang si Agnes lagi ang bumibili nito. Ikinagulat ni Agnes ang pagbabago ng kanyang kuya at ikinatuwa niya ito. Ikinatuwa din ito ng kanilang magulang.

Isang gabi ay malakas ang buhos ng ulan. Sakto din na uwian nila Agnes. Punuan na ang FX na sinasakyan niya pauwi kaya't napilitan siyang maglakad pauwi na lagi namang pinapaalalahanan siya ng kanyang ama dahil delikado iyon lalo na't gabi. Humina na ang ulan at malapit na rin siya sa bahay nila ngunitkailangan pa niyang daanan ang isang eskinita.

Matulin ang paglalakad niya ng may bigla siyang naramdamang patalim sa tagiliran niya. Kinabahan siya at inisip na sana mapadaan ang kuya niya upang mailigtas siya.

"Akin na ang wallet at cellphone mo!" utos ng holdaper.

Naglakas loob si Agnes na tignan ang holdaper at nagulat siya.

"Kuya?"


Si Agnes at JuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon