TFHAM Chapter 18- Bestie

20 2 0
                                    

Zandra's POV
Nandito ako ngayon sa mall kasama si Ann, bestfriend ko. Kakauwi niya lang galing America at napagusapan namin na maggala.

"Kamusta naman Bestie ang buhay mo sa States?" Tanong ko.BTW Bestie ang tawagan namin.

"Okay naman pero for me, mas masaya talaga dito sa Pilipinas" Sabi niya na mukhang malungkot

"Ba't ayaw mo dito? Pwede mo namang sabihin kay Tito Rene" -Ako

"Sinabi ko na yan kay Daddy, pero sabi niya, di daw pwede kasi nandoon ang company namin tsaka, wala daw magbabantay sakin dito"

"Sayang naman"

"Okay lang yan bestie, magkikita pa naman tayo." Siya

"Anong okay dun? Eh halos once a 2 year ka lang pumunta dito"

"Haha. Pwes! Ngayon. Once a year na! Hahaha"

"Loko ka talaga! Ganoon din naman yon, matagal pa rin tayong di magkikita haha"

"Haha. Basta bestie, wag ka ng malungkot."

"Sige! Para sayo, di na ko malulungkot"

"Yan! Ganyan dapat!" Sabi niya at nagpatuloy kami sa pamamasyal

Habang namamasyal kami..

"ZANDRA!!" Sigaw ng isang familiar voice. Agad naman akong lumingon para alamin kung sino ang tumawag sakin. Si Tim pala ^________^

"Tim!" Sabi ko at lumapit siya samin ni Ann

"Hi Zandra" Sabi niya. Napatingin naman sa kanya si Ann na parang nahihiwagaan kung sino siya.

"Hello Tim. Ahmm Tim, eto nga pala si Ann, bestfriend ko from America at Ann, eto nga pala si Tim, bestfriend ko and classmate" Sabi ko

"Hi, Ako nga pala si Tim, Manliligaw ni Zandra" 0_____0 WHAT THE?! Sabi ni Tim at nakipagshake hands kay Ann

"Ikaw Zandra ha. Di mo naman kinukwento sakin na may nanliligaw pala sayo" Sabi ni Ann

"Di ko naman yan manliligaw." Sabi ko kay Ann "Di ka naman nanliligaw eh, diba Tim?" Tanong ko kay Tim

"So.. Pwede na ba?" -Tim

"Huh?" -Ako

"Pwede na ba kong manligaw?" Sabi niya. Dito pa talaga sa harap ni Ann -_______-

"Ah.. Wag muna ngayon" Sabi ko

"Haha okay lang Zandra, binibiro lang naman kita. Alam ko namang di ka pa handa" Sabi niya. Hindi pa nga ba ako handa?

"Kayong dalawa ha! Kinikilig tuloy ako" -Ann

"Bestie wag kang ganyan" Sabi ko sa kanya

"Haha, di ka na mabiro" Sabi ni Ann. Ang AWKWARD tuloy ng pakiramdam ko ngayon..

"Ahmm, di pa ba kayo uuwi?" Tanong ni Tim

"Hindi pa eh" Ako

"Ah sige, alis na ko. May gagawin pa kasi ako" Sabi niya

"Oh sige, Ingat ka!" Sabi ko

"Babye Tim. Nice meeting you" Si Ann

"Nice meeting you too. Ingat kayo ha" Sabi niya at umalis na.

Nagpatuloy na kami ni Bestie sa paggagala..

****
Pauwi na kami ngayon. Nandito na kami ngayon ni Ann sa parking lot ng mall.

"Zandra una na ko ha. Ingat ka sa pagdadrive" Sabi ni Bestie ng makarating kami sa harapan ng kotse niya.

"Ingat ka din." Sabi ko at sumakay na siya sa kotse niya at umalis na.

Naglakad na ko papunta sa kotse ko. Tsk. Bakit kasi sa dulo ko pa pinark -____-. Ako lang ang tao dito kaya medyo natatakot ako.

"Hahaha" May narinig akong tawa ng isang lalaki sa di kalayuan. Sa tono ng tawa nito ay mukhang may balak na masama. Nakaramdam tuloy ako lalo ng takot. Lord! Tulungan mo po ko T__T

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero ngayon mas binilisan ko pa..

"Hanggang diyan ka nalang HAHAHAHA!" Sabi nung lalaki na sa tingin ko, mukhang nakahithit ng shabu. Natatakot na talaga ako T________T

"Kuya...w-wag..po" Sabi ko. Takot na takot na talaga ako..

"HAHAHA Hindi naman kita sasaktan. Sumama ka lang sakin HAHAHA!" Sabi nung lalaki at naglabas ng kutsilyo. Inay ko po!!

"Tulong!" Sigaw ko. Sa halip na lumayo sakin yung lalaki, mas lumapit pa siya sakin at tinutok ang kutsilyo niya..

"Wag ka ng sumigaw.." Sabi niya at agad na tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyang kamay. Ano ba yan! Isang taon ata si kuyang hindi naglinis ng kamay. Ang baho!!

"Tulong!" Sigaw ko muli habang nakatakip sa bibig ko yung kamay niya.

"Hindi ka ba tatahimik?!" Sabi niya at huhuhu. Sinuntok niya ako sa sikmura. Agad naman niya akong binuhat papaalis. Sobrang sakit ng tiyan ko ngayon!

Habang naglalakad kami sa parking lot, napapikit nalang ako. Katapusan ko na ata ngayon! T______T

"IBABA MO SI ZANDRA!" 0________0

The Four Hearthrobs and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon