2 Weeks Contract Boyfriend
(Short story)
(A/N: ) Hi everybody ! sana magustuhan nyo po yung kwentong ito. It is true to life story and ang di lang po true dito is yung mga pangalan nila sa story yun lang naman po sana magustuhan nyo.
"Boooooooooorrrrrrrriiiiiiiiing.. kainis, katamad talaga itong subject ng "A.P" " (araling pang lipunan).
Puro lang naman kwento wala namang wenta.( Di joke lang) nakakaboooorrriing lang talaga dito. Pwedeng kayang matulog?? Nag tanong pa ako sa sarili ko no! alam ko namang matutulog lang ako sa subject na to at dahil dyan Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz -_-
"Uuuuuuuuuyyyyyyy.. Raine gising na uwian na natin" poke poke Si Bea yan isa sa mga close friend ko.
"Ajdhajkshdiuoaysfh.. " sabi ko sa kanya.
"Ano?? hoyyy gumising ka ng babae ka ang tamad mo talaga! uwian na kaya! Hoyyyyy, Ano ba? bahala ka nga dyan aalis na nga ko." Aktong aalis na nga sya.
"Oo na eto na po oh," sabay tumayo na ako agad sa kinauupuan ko ay rather sa kinatutulugan ko. Kinuha ko na agad yung mga gamit ko sabay alis. Tapos tuloy-tuloy lang ako sa paglabas sa pinto at iniwan ko yung babaeng yun sa room mag isa. Nang marinig ko ang matinis nyang boses.
"Hoy Miss Wendelyn Raine Lorenzo pwedeng hintayin mo kaya ako. Nahiya naman ako sa sarili ko no, ako pa ang naiwan sa room! sapakin kaya kita dyan? Ikaw na nga ang ginising dyan, Ikaw pa ang may ganang mang iiwan." sinisigaw nya yan habang tumatakbo.
"Tsk. Tsk" huminto ako sa paglalakad para makasabay ko sya pero di ako humarap sa kanya ng biglang naramdaman akong may tumama sa likod ko.
"Boooggssss... aray!!
"Ano ba yan? Sigaw ko sakanya. Ano bang ginawa mo ha? Ang sakit tuloy ng likod ko ng dahil sayo." reklamo ko pa sa kanya.
At ang babaitang ito ay nag pout lang sa harapan ko na parang tuta na paiyak na."Kasi ikaw i... iniwanan daw ba ako doon? Ang sama mo lang din sa akin no." Tapos nauna na syang maglakad palabas ng school.
Hay nako, para talaga tong bata pang elementary level ang pag uugali. Hinabol ko sya para magkasabay na kaming lumabas.
" Para kang abnormal! Wag ka ngang magpout dyan di bagay sayo." Pang aasar ko sa kanya napaka childish kasi nitong isa na to." Ikaw kasi i.. tama bang iwan mo ako doon pagkatapos kitang gisingin para makauwi na tayo?" Pag iinarte nya pa sa akin.
"Wow, ang sweet mo! Walang ganun uyy..suntukin kaya kita, want mo? At sino bang nagsabi sayo na gisingin mo ako aber? Pwede naman kasing iwan mo ako doon at mauna ka ng umuwi." Sagot ko sa kanya. Habang naglalakad kami ng normal. Kanina kasi hindi.
" Ayoko naman kasing iwan ka dun ng mag- isa at magpapalibre pa kasi ako sayo kaya ginising kita. Tapos ngumisi sya sa akin ng bonggang bongga sabay hatak sa akin patakbo palabas ng school. "Tara na at ng makakain na ako mommy " sabay puppy eyes.
"Teka nga lang kadiri ka!" Sabay bitiw sa pag kakahawak nya. "Pwede naman tayong maglakad pang bakit pa tayo tatakbo?"
"Wala lang para exciting. Ahahaha!" Hay, baliw na ito.
" At teka nga lang saan ba tayo pupunta? Akala ko ba magpapalibre ka? Bakit tayo lalabas? Eh, doon ang papuntang canteen " sabay turo sa direksyon papuntang canteen.
"Ayoko dyan , doon nalang tayo sa labas para makauwi na din agad ako after mo akong ilibre.Tsaka masarap kaya yung tokneneng nila kuya dun oh... " sabay turo sa isang kariton sa kabilang side.