CHAPTER 4 MONDAY
"Sis bakit ganyan ang mukha mo? " tanong sakin ni diane.
"Wala lang. " sagot ko ng tinatamad. Hindi na sya muling nag tanong pa ulit sakin dahil mukhang ramdam nya na wala ako sa mood makipagkwentuhan. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si raniel.
To Raniel
(Psst.. Oy.. tigilan na natin to. May nililigawan ka na naman diba? Ayokong maging sagabal sa inyo.)
SEND..
TING!
From: Raniel
(Ha? Ayos lang naman sakin, tuloy natin!)
reply nya.
REPLY KO!
(Wag na.. ayoko na.)
Nasasaktan kasi ako at alam kong may gusto na din ako sayo.
TING! From: Raniel
(Yan ba gusto ang mo? Sorry.)
Bakit ba sya nagsosorry dapat nga ako pa ang manghingi ng sorry sa kanya di ba? At first place ako ang naginitiate ng idea na to kaya bakit sya mag sosorry. May karapatan naman kasi talaga syang manligaw ng iba kasi ng diba di naman talaga kami.
REPLY KO!
(Ano ka ba! Ako dapat ang magsorry kasi nadamay ka pa sa kalokohan ko. GOODLUCK! sa panliligaw sa kanya ha.)
Cheer ko pa sa kanya kahit na sa totoo lang ang sakit ng nararamdaman ko ang bobo ko kasi bakit ko pa kasi ito itinuloy? Kahit na alam kong ako ang talo. Bakit kasi di ko pa hininto ito nung unang naramdaman ko na may gusto na ako sa kanya? Edi sana di ako nasasaktan.
TING!
(Okay sige ingat ka nalang. )
Di na ako nag reply sa kanya. Nalulungkot kasi ako. Kainis bakit kasi na fall ako sa mokong na yun i. Ako na nga ang nag umpisa nito ako pa itong talo. Ang tanga ko lang dahil alam ko namang masasaktan din ako dito sa bandang huli. Ang sakit pala talaga nito?
"Kaya mo yan Raine strong ka di ba?" Pagpapalakas loob ko sa sarili ko.
Lumipas ang ilang buwan at naging sila na nga ng nililigawan nya sa 2nd. yr. Sino nga ba ang tatanggi sa kanya isang sikat sa school o sabihin na nating heartrob pa malabong may tumanggi sa kanya. Simula ng naging sila ng babaeng yon hindi na ako gaanong nakipag text sa kanya. Ang sakit kaya try nyo.
Dumating na yung araw ng JS FROM namin at ang nakapartner ko ay si Bradly na may gusto sakin at hindi SYA asa pa ako. Nasa section one yun at ako wala. Pero kahit ayoko sa kapartner ko wala akong magagawa sya na kasi ang lumapit sa akin at nag ayang maging partner ko alanganin naman na tangihan ko pa.
Nag umpisa na yung JS FROM namin, at nag umpisa na rin ang sayawan ng sweetdance. Naglokohan kami ng mga kabarjada ko kung sino sino ang isasayaw ng mga kaibigan kong lalaki.
Ang firstdance ko ay yung escort ng section namin. Wala trip trip lang kung baga, pag katapos nya akong isayaw may makikipagsayaw pa ulit sa akin at ayoko ng isa isahin ang hirap kaya mag type ahahaha.
Pag karaan ng mga anim na sweet dance nagpatugtug na ng pang party party music tapos kainan na. Tapos sayaw ulit until the announcement came inanounce lang nila yung mga nakuhang best chuchu nila. Tapos nagpatugtog na para sa last dance.
Nang may biglang kumalabit sa akin. Bahagyang nagulat ako at napatingin agad sa tagiliran ko.
Paglingon ko yung friend ko lang pala na nakanguso! (^o^)
" Raine si Raniel papunta dito oh.." sabay ngumuso ulit sa likod ko.
Pagtingin ko sa likuran ko ay nakita ko nga sya. Di nga? Tapos pinagmasdan kong maigi. Sya nga.
Ngumiti sya sa akin pagkalapit nya sa table namin. Yung mga kaibigan ko naman nakatingin lang sa kanya.
"Raine pwede ka bang maisayaw? " tanong nya na ikinatawa ko.
"Sure" tapos inabot ko yung kamay ko sa kanya. Sa isip-isip ko Aayaw pa ba ako e gusto ko naman din ahahah ( lande)
Kaya naman pumayag agad ako at dinala nya ako sa center. Assual nakatingin na naman ang mag tao samin. Minsan nga naiisip ko bakit sila tumitingin may dumi ba kami sa mukha?
Nagsayaw lang naman kami, nagkwentuhan at nagkamustahan. Pagkatapos ay hinatid nya na ko sa upuan ko at nagpaalam.
Natapos ang gabi na to na masaya talaga ako. Grabe kasi alam mo yung di mo expected na isasayaw ka pa nya. Na akala mo nakalimutan nya na yung usapan nyo. Pero yun pala hinanap ka nya talaga para maisayaw lang kahit na maraming nag aayang makipagsayaw sa kanya. Grabeng effort na para sa akin yun, kaya para sa akin ang js prom namin ay napakamemorable.
CHAPTER 5.. 4TH YEAR
Yehey! malapit na akong grumaduate.
Ilang araw nalang.
Kung tintanong nyo kung anong nangyari samin ni Raniel? Ayon...... FRIENDS PA DIN. Inamin ko na din sa kanya na naging crush ko din sya. Crush nga lang ba?
Ang kaso kahit sibihin ko iyon o hindi sila na naman din ni Mae kaya sabi ko wag nya nalang pansinin yung sinabi ko.
Oo masakit na nakakainis kasi pwede namang maging kami kung di ko nalang sana inimbento yung ganung set up, pero wala i. Minalas ako sa kanya ahahaha itatawa ko nalang to.
Habang nagmumuni- muni ako ay biglang nag vibrate yung phone ko kaya naman tinignan ko kung sino ang nagtext.
MESSAGE FROM RANIEL..
Hoy saan ka MAG AARAL?
REPS KO..
Hindi ko pa alam pero nag inquire na ko sa 3 university.
Sagot ko sa tanong nya. Kasi ngayon buwan na to ay dapat nag hahanap na kami ng mga universities na papasukan.
MESSAGE FROM RANIEL..
Ako nga hindi pa i. Baka mag-s** nalang o kaya basta.
REPS KO..
Ah ganon ba? Anong balak mong kuning course?
Tanong ko sa kanya.
MESSAGE FROM RANIEL...
I.T nalang nalang siguro wala kasi akong maisip na course.
REPS KO..
Ako nga nag iisip pa kung ano ang kukunin kong course. Kung accounting ba o engineering?
MESSAGE FROM RANIEL...
Wow! Astig mo talaga. Kaya mo yan ikaw pa! kayang kaya mo nga ang math.
Cheer nya sa akin.
REPS KO...
Di naman konti lang ahahaha
AFTER 1 MONTH…
Tapos na ko sa lahat requirements sa school ko. Kukunin ko nalang yung grades ko at lahat ng requirements na kailangan para sa papasukan kong university. Except sa isa ko pang document.
After ng ilang trial ay maswerte naman akong nakapasok sa isang sikat na university dito malapit sa amin kahit na di ko ito inaasahan at Engineering ang kinuha kong course.
Anong nangyari at dito ako nag-aaral? kasi po...
FLASH BACK>>>> EXAMINATION SA 3 UNIVERSITIES ...
1ST. ** UNIVERSITY
Pinagtripan ko lang ang test na ibinigay sa akin doon, wala lang trip ko lang.. ahahahaha. Nakakatamad kasing magsagot ng kung ano ano.
2ND. ** UNIVERSITY
Hunting lang ng mga pogi sa loob ng campus na yon ahahaha, ang dami kasing gwapo na naglipana doon.
Pero kung tatanungin ninyo ako kung pumasa ba ako? Ahaha secret.. di joke lang. Ang totoo di ko din alam talaga kung pumasa ako doon sa mga university na yun. Tinamad na bumalik pa doon para tiganan yung result.
END OF FLASH BACK...
At yun na nga nag-aaral na ako dito. Ang nakakatuwa pa nga rito ay para daw itong mini Trade kasi daw puro taga samin yung mga nag aaral dito.
Hindi pala ito ang main campus bali Isa itong satelite campus ng univerdity namin dahil medyo may kalayuan ang main campus sa lugar namin.( para po sa mga readers na bata pa malalaman nyo po ito pag nagcollege na kayo).
Yung course ko rito ay 2yrs. Lang dito magsstay tapos lilipat kami ng main para dun kumuha ng majors.
Makalipas ang ilang buwan ay nag kita ulit kami ni Raniel. One time sa SMF nagkulitan lang kami dun at nag hanap kami ng pwedeng pasukan ng summer Job para may magawa naman kami. Pagkatapos naming mag hanap nagwindow shopping na kami hanap lang ng mga otaku items. Tapos nung may mahanap sya ng gusto nya, ay ako daw ang gusto nyang magbayad! Ano sya sinuswerte ayon buti nga sa kanya iniwan ko nga sya doon ahahaha ( insert evil smile).
Pero hinabol nya naman ako at ang nakakainis at nakakahiya lang ay pinagtitinginan kami ng ibang tao dun. Meron pang pogi at maganda na nakatingin samin na sa tingin ko ay magkasintahan.
Nahiya naman ako sa kanila kaya huminto ako at sinabayan ko na ng lakad si raniel.
Pagkatapos nun ay balik na kami sa pagiging M.U ( malanding usapan) hahaha
(adik lang talaga ako e no. Malanding usapan talaga) tumagal yon ng ilang buwan hanggang sa nag gm sya.
From: Raniel
HI! GUYS GOOD EVE.
SALAMAT SA MAHAL KO! SA PAG SAMA SAKIN AT SA PAGGALA NATIN...
GM. 29<3
May girlfriend nanaman sya ng hindi ko alam? Kailan ko ba mababago ang tingin nya tungkol sa akin? Sa tingin ba nya ay totally na play girl ako at hindi na marunong magseryoso? Hay...Ito na nga ang masama i dapat pala hindi ko nalang binild sa utak nya na play girl ako kaya tuloy hanggang ngayon kaibigan parin nya ko. Wow, Ang saklap ng buhay pag ibig ko sa kanya no? Minsan naisip ko ayoko ko na give up na ko parati na lang ba akong aasa sa kanya? Na sana may karugtong pa yung dating kami. Yung 2 weeks Contract Boyfriend Ko... Pero malabo na yun, ngayong malapit na ang debut ko. Ang hiling ko lang ay sana pumunta sya sa araw na napaka espesyal sa akin yun lang okay na ako.
>>> Hindi sa lahat ng pag kakataon nandyan yung mga taong nag papahalaga satin. Minsan kung sino pa ang binabalewala mo yun pa yung taong mas nagpapahalaga sayo. Kailangan din nating matutong mag give up kasi may mga bagay o taong di talaga para satin tulad nalang ng nangyari sakin diba? It is a lesson na din naman satin yung story ko. You need to give a chance to your self.. marami pang iba di lang sya.
THIS IS A TRUE STORY..
(PRESENT)
Ngayon masaya na ako dahil may mga taong alam ko na nagpapahalaga sa akin at sya ay si Lance Gabrielle Alcantara. Masaya na ko sa kanya ngayon.. ahahhaha
Again I'm Wendelyn Raine Lorenzo saying "Every moment is preciouse specially when you are with the person you truly love."
- - - - - -Didyouaskedme?