"HOY! MS. JACKET NA MAY BANGS!" (One Shot)

351 14 4
                                    

Hay  nako ang init-init naman! Di pa naman summer ah! Tsk!

“Hoy Ryza!” napalingon ako

At nakita ko siya kausap ni Amy. Naman talaga eh! NAKA JACKET NAMAN SYA!? ?__? Ms. Jacket talaga. Kinausap siya ng nag-iisang kaibigan nya dito sa school namin.

Grabe talaga simula noon hanggang ngayon isa lang talaga naging kaibigan nya. Ano ba naman tong babaeng to takot yata sa lahat ng tao. Kaklase ko sya since Elementary years hanggang ngayon na Graduating students na kami ng High School.

Maganda naman sya WAIT? WHAT?! ARGHH---!

“Xyrus Ford!”

“Anak ng Unggoy!”

“Sa 'GWAPO' kong to? ANAK NG UNGGOY?”

“LANGYA KA REX!”

“Bro alam mo yung salitang 'CHILL~'?”

“Ah~ CHILL! CHILLIHAN ko yang pagmumuka mo ha?!” Asar!

“Hahaha Ikaw bro ah stalker ka na talaga niyang si Ms. JACKET of your life! Ayiiee~” siniko-siko pa ako ng mokong

“Isa pa Rex pag may naka rinig sayo papatayin talaga kitang GAGO KA!” Ano ba yan! Nakaka-inis naman!

“HAHAHA tara na nga bro” At inakbayan ako ng kumag tinabig ko nga nakakaasar eh -__-

Habang papunta kami ng classroom ni Rex tili ng tili ang mga babaeng nakakakita sa aming dumadaan sa hallway.

“KYAAAA~! H-HAIII XYRUS~” Ang Ingay!

“REX HELLO~!

“Hi Girls” At feel na feel talaga nitong si Rex oh! Ngumisi nalang ako kay Rex.

“Xyrus ito oh, chocolate  para sayo sa Canada ko pa yan binili” paki ko! Asar talaga tong mga babaeng to! Di na nga pinapansin nagpapacute pa rin!

“Oy salamat ah!”

“PG ka talaga Rex”

Nilagpasan ko nalang at pumasok na ako sa classroom ko.

Pagpasok ko sa classroom sya ang una kong tinignan. Sa hulihang bahagi at pinakadulo ako nakaupo at ganun din sya. Para mas madali ko syang makita. Hahaha. Paki nyo ba eh MAY GUSTO AKO SA KANYA! OO! may gusto ako sa kanya. Papalag kayo?

Sinandal ko ang ulo ko sa pader at ang kanan kong kamay ay nasa arm chair at ang kaliwa naman ay nasa sandalan ng upuan ko. Gets nyo ba? Basta yun na yun.

Ganito ang ginagawa ko parati pag-breaktime namin o kung late si ma’am o kung anu-ano pang circumstances na pwedeng ganito ako nakapwisto.

Pero bakit kaya ganun? Di nya napapansin. AKO?! AKO?! GWAPO NAMAN AKO AH! Ang dami ngang nagkakandarapa sa akin eh! Tapos SYA?! DEADMA? Isang Xyrus Ford ang may gusto sa kanya! ASAR! Tsk! Ang hangin ko na ata ah.

Sabagay 'PLAYBOY' ang image ko dito sa school at nakakainis kasi kahit konting 'LINGON' man lang wala?! ?_? Sakit sa dibdib naming mga lalaki yan ah!

“PRE! Baka malusaw naman si  Ms. Jacket nyan! xD” Langyang UNGGOY to!

“GAGO!”

“Mabuti ng GAGO kesa TORPE! HAHAHAHA xD”

“Hindi ako torpe!”

“Talaga?! HINDI?! Eh bakit hanggang TINGIN ka nalang  palagi sa 'LOVE OF YOUR LIFE'?! HUH?! HUH?!”

“Hoy, wag ka ngang maingay dyan.! Baka may makarinig sayo!” Luminga-linga naman ako at baka mayroon nga. Phew~ Mabuti at busy ang mga tao dito.

MS. JACKET NA MAY BANGS (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon