One

47 2 0
                                    

"Hoy ate tumabi ka nga! Laki ng ulo mo." sabi ko sa babaeng nasa harapan ko. Nakaharang kasi yung ulo nya sa akin hindi ko tuloy makita yung stage na kasalukuyang pinag pe-performan ng idol kong si Jared Damon.

"Yra grabe ka naman." sita sa akin ng kapatid kong si Yna.

Nagsimula ng kumanta ang papabol kong si Jared. Grabe! Ang ganda ng mata nya, yung mga labi nya ang sarap pang gigilan at mas lalong ang ganda ng boses nya.

Nawala lahat ng pag d-day dream ko dahil nasapok ako ng babae na kanina pa nakaharang sa mukha ko. Ginitgit ko ang sarili ko sa harapan. Nakatayo lang kasi kaming mga fans dito kaya sobra akong nahirapan makita yung idol ko. At sobrang crowded kaya ang lagkit na ng pakiramdam ko.

"Hoy babae! Ang sakit ah!"

"Ate Yra ano ba yan!" galit na sabi sa akin ni Yna. "Wag ka makipag away teh"

"Eh eto kasi eh!" sabay batok ko sa babaeng nasa harapan ko. "Kung hindi ako ginigitgit, humaharang naman sa akin! Tinamaan pa ko!"

"Hoy ateng war freak! Wag mo nga ako batukan! Ano ba gusto mo mangyari?" galit na sabi nung babae. Wala syang ipin sa harapan.

"Eh Kanina ka pa eh! Bakit may gusto ka ba mangyari?!" sigaw ko.

"Ate Yra, hayaan mo na sya!" saway sa akin ng kapatid ko.

Sasagutin ko pa sana yung babae na walang ipin ng buhatin ako ng malalaking guard pa punta kung saan. Doon ko lang napansin na nakatingin na pala sa amin lahat ng tao dahil sa kumusyon na nagawa namin. Sinundan naman ako ng kapatid ko habang buhat ako ni Kuya guard at paalis sa kinatatayuan namin kanina. Nakakahiya sobra, medyo natahimik ang lahat at nakita ko na nakatingin si Jared Damon sa direction ko. Nagka eye to eye contact kami, pero inalis nya din agad ang tingin nya at tinuloy yung pag kanta nya sa stage.

Binuhat ako palabas ng mall ni Kuya guard. "Hay nako miss! Bawal po makipag basag ulo sa mall. Baka po sa susunod pagbawalan na kayo makapasok dito." sabi ni kuya bago ako ibaba sa pag kakabuhat saakin. Ang sakit sa tyan ng buhat nya sa akin. Isinampa nya lang kasi ako sa balikat nya.

"Sinasabihan ko lang naman sya kuyang guard! Bakit ako lang yung pinalabas?" angal ko.

"Nako miss buti nga pinalabas na lang kayo kesa naman ipa office pa po kayo. At ikaw ang nagsimula ng gulo." aniya at pumasok ulit sa mall. Kung maka snob tong kuyang guard na to kala naman nya di ko na aamoy na ateng guard talaga sya. Malakas kaya pang amoy ko sa mga beki.

"Ikaw kasi ate eh! Edi sana di tayo pinaalis." sabi ni Yna nasa likod ko pala sya.

"Hayaan mo na. Umuwi na lang tayo Yna. Napaka ganda netong araw na to. September 03 2015!"

"Ikaw kasi eh ate eh kung di mo na lang pinatulan."

"Isa to sa pinaka magandang araw sa buhay ko Yna." naiiyak kong sabi sa kapatid ko.

"Okay lang yan. Marami pa naman syang mall tour." sabay hagod nya sa likod ko.

"Tears of joy to Yna! Tears of joy!" umiiyak kong sabi sa kanya.

"Ate tama na yan!" yinakap nya ako. "Sa next na lang na--"

"Tinignan nya ko Yna! Nagka eye to eye contact kami!"

"So? Hindi ka umiiyak dahil pinalabas tayo?"

"Naiinis ako pero napansin nya naman ako! Kaya parang okay na din di ba?"

Ang sarap sa pakiramdam. Ayun na ata ang pinaka masaya sa tana ng buhay ko. Yung ilang segundo na yun na naka titigan kami parang ilang libong boltahe ng kuryente at paruparo ang nasa loob ng katawan ko.

"Hay nako! Ano ba yan ate. Pag kasama talaga kita kung ano ano ngyayari na di maganda."

"Wag mo ikukwento itong ngyari kay mama ha. Patay ka sakin sige ka."

"Oo na. Libre mo na lang ako ng pagkain at pamasahe pauwe para di kita sumbong."

"Oo na sige! Basta ha."

"Oo nga ate!"

Kumain kami ni Yna sa food court sa ibang mall. Ayoko na din kasi pumasok ulit sa mall na pinag mall tour-an ni Jared Damon. Syempre kahit papano may hiya parin naman akong natitira sa katawan ko. Lalo na at ang ganda ng eksena na ginawa ko doon kanina.

Pero di pa rin maalis sa isip at puso ko yung mga titig sa akin ni Jared kanina. Sobrang saya parang titig pa lang nya gusto ko ng maghubad sa kinatatayuan ko. Hahaha! Joke! Dalagang Pilipinang chuvaness parin kaya ako.

Pagkatapos namin kumain ay nagtaxi na din kami pauwe. Hangang sa pag uwi ko di pa rin talaga matangal sa isip ko yung mga mata nya habang tinitignan nya ko.

Hindi naman sa sobrang desperada ako. Sobrang crush ko lang talaga sya. At dahil sa sobrang crush ko sya hinihiling ko sa lahat ng mga santo na sana kami ang magkatuluyan. So? Desperada nga ako.

"So ate? Hangang kelan mo paiiralin yang kabaliwan mo?" sabi ni Yna nasa taxi kami ngayon pauwi. "Naka smile ka kanina pa. Mukha ka ng baliw."

"Hangang kelan? Hangang sa tubuan na ng ipin yung babaeng lukaret kanina."

"Ay nag joke si atey." sarcastic na sagot ni Yna sabay palakpak ng mahina.

"Che!"

Ganto lang talaga kami ng kapatid ko. Close kami, mahilig lang talaga kami magbarahan. Medyo malapit lang yung agwat ng edad namin sa iisang taon lang kami pinanganak dalawa. Hindi kami kambal pero lagi kaming pinag kakamalan. Bale, January ako pinanganak at December naman sya niluwal ng mama namin.

"Kuyang driver dyan na lang sa green na gate ng mansyon ko." sabi ko sa driver ng taxi.

Pagkababa namin ng taxi nakita ko agad si mama sa may bakuran namin. Nag didilig ng halaman. Hindi kami ganun kayaman, pero may kaya naman kami. Salamat sa dugo at pawis ng papa ko nung nabubuhay pa sya at nabigyan kami ng desente na bahay.

"Oh andito na pala kayo." sabi ni mama at pinagbuksan kami ng gate.

"Parang ganun na nga Ma." sagot ko sa kanya sabay mano ganun din ang ginawa ni Yna.

"Kumain na kayo?" natatawang tanong ni mama.

"Opo Ma." sagot ni Yna.

Pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay.

TBC..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Starstruck!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon