Second Infinity ∞ (The Figuerro Clan)

60 3 6
                                    

Heyya, Second part na! Haha, Improving awa :D Sana matapos na tong thesis ko at nang tuloy tuloy na. BRRR, HIHI <3

---------------------------------------------------------------------------------

 Kasalukuyan kaming naglalakad ni Ally palabas ng Office ni Attorney Mendez. Lutang parin yung isip ko, ewan ko nga kung bakit. Masaya ako na ewan, sino kaya yung mga Figuerro na yun?

"TING! Alam kona :D" Ngiting aso ni Ally.

"Anong alam?" Bigla-biglang sisigaw. Nakakarindi lalo pa't marami akong iniisip.

“Tita Connie….Tito Niyo. I remember them, they were really your parent’s best buddies. Madalas ko silang makita noon.”

BLA-GGGG! Batok.Slash.Asar

“Anak ng?@!@!#$! Alicia, bat ngayon mo lang sinabi ha?” Ayaw na ayaw niyan kapag tinatawag ko siya sa pangalang yan. Tamang asar lang.

“Atining ka diyan! Eling! Eh, 5 years din kasi sila sa America. Halos makalimutan ko na nga mga itsura nila eh. Buti kamo naalala ko pa.” Pagdadahilan neto, naku! Kung wala lang talaga akong Amnesia.

“Ano pang alam mo tungkol sa kanila?” Pag-uusisa ko.

“Lahat.” Aba’t! Nak ng.

“Kung ako sayo, umpisahan mo na. Baka makalimutan kong bestfriend kita.”

“Oo nga’t nagkaAmnesia ka pero di parin nawala kaangasan mo. Ganito kasi yun, madalas akong nasa bahay niyo dati. At alam kong madalas ding bumisita ang mga Figuerro. Akala ko nga dati kamag-anak niyo eh.” Oww.

“Close ba ko sa kanila?”

“Sobra! Kulang na nga lang maligo kayo ng sabay sa banyo eh. Lalo na yung si Sena, crush mo pa nga yung kuya nun eh. Uii! Naaalala na niya.” Pang-aasar niya.

“Anong kuya? Di ko nga kilala diba.” Napaisip ako, magiging katulad pa kaya ng dati yung samahan namin.

“5 years din kayong nagkahiwalay. Dun na kasi sila nag-aral sa ibang bansa. Iyak ka nga ng iyak nung umalis sila. At the bright side, almost every night kayong magkachat. Kaya parang magkasama lang din.” Haay.

“Maaalala ko pa kaya lahat ng dapat? Haay,”

“Alam mo Venice, kung ako sayo I will live just like before. Na walang inaalalang PAST. Make memories, cherish your life. Wag mong isiping may kulang sayo. Just continue your life, in the end you will surely figure out kung ano man yung dapat mong malaman. God has plans. Hindi niya to gagawin sayo ng walang sapat na rason.” May katwiran siya.

"Nga naman." At dumiretso na kami ng bahay.

*** Kinabukasan 6:30 PM

All prepared, kung tinatanong niyo kung anong itsura ko ----------->YUN OH :D

Ally had it all planned and ordered. She's quite a Fashionista. Model yan eh, sabi niya model din daw ako. Pero mukhang nawala yung interes ko sa mga ganyan. Maybe some other time nalang. 

♫♪♫♪~I remember the times we spent together on those drives

We had a million questions all about our lives

And when we got to New York, everything felt right

I wish you were here with me tonight~♫♪♫♪

Calling ----- Atty. Mendez

"Hello Attorney."

"Iha, I'm on my way. You ready?"

"Sort of. Come what may nalang po." 

"Nothing to worry dear, they won't eat you." Narinig ko ang mahinang tawa sa kabilang linya. Napangiti nalang ako. Maya-maya ay dumating na si Attorney. With her Ford Mustang, ewan ko ba kung bakit hindi na ito nag-asawa. Masyadong dedicated sa trabaho, yaman-yaman na eh. But well, They do have their own valid reasons.

"Let's go?" A question, but with authory. Tumango na lamang ako. Mabilis lang ang naging byahe. Maya-maya ay may natanaw akong subdivision.

"They own this, or should I say you both own this." Oww, napansin yata nila na malalim ang iniisip ko. At least naliwanagan. Napansin ko ang pagtigil ng kotse sa tapat ng napakalaking bahay. Parang kina Ally lang pero DOME style siya. Paglapit namin sa higanteng pintuan ay pinagbuksan kami ng tatlong babae na tila Maids. Binati at nginitian nila kami. 

"This way po," Sabay turo ng isang babae sa isang magarbong pinto na cream white ang kulay. Indian ang konsepto sa paggawa ng bahay. Mula sa mga upuan, mesa at iba pang furnitures papunta sa sahig at kisame. Kamangha-mangha, halatang pagmamay-ari ng isang mayamang angkan.

"Elleah Venice Eroza" Pagpapakilala sa akin ni Attorney sa pamilyang nakaabang sa tabi ng isang Dining table. 

"Venice! Iha, We missed you." Maiyak-iyak na sambit ng isang napakagandang babae na tansya ko'y ang Ilaw ng tahanan. Sinalubong niya ako ng napakahigpit na yakap na akin namang agad na tinugunana. Ewan ko ba pero kumportable ako sa kanya. Ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Aware naman siguro kayo sa pinagdadaanan ng batang ito, kayo na ang bahala sa kanya." Sabi ni Attorney bago tuluyang umalis. 

"Ate Yeya! Kamusta ka na?" Biglang singit ng isang SOBRANG cute na bata~! Hinihila niya ang laylayan ng dress na suot ko kaya naman umupo ako para makita siya.

"Hello, ayos lang naman ako. Ikaw?" Gigil kong sabi. Sarap pisilin ng pisngi.  

"Eto po, masaya kasi nakita ulit kita. Ang aking Savior! SuperYEYA!" With matching actions pa.

"Savior?" Nalilito kong tanong, mukhang wala si Ally dito para magpaalala ng mga bagay-bagay sa akin.

"Sena baby, hayaan mo muna ang ate Venice mo. Halina't kumain na tayo ng Hapunan. Ako mismo ang naghanda ng lahat ng ito para sayo. Tiyak makakalimutan mo lahat ng problema mo :D" Sambit ng hindi katandaang lalaki na batid kong Haligi ng tahanan.

"Yan si DADDY! Ang Best chef ever!" Patalon-talong sabi ni Sena.

"Ah sige po," Nakaupo na kaming lahat at mag-uumpisa na sanang magdasal ng.....

"Sorry, I'm late" 

-------------------------------------------------------------------------------

BOOM! Haha, bitin? Well, you're hooked. Stay tuned Infinite buddies.  http://www.facebook.com/groups/330304710430868/ ∞ ♥♥♥

Is INFINITY real? (NEW and Improved Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon