SORRY PO SA TYPOS ! =))))
---------------------------------------------------------------------------
"Ughhh" yan na lang ang nasabi ko sa hirap na dinaranas ko ngayon. Ikaw ba naman kasi ang paglinisin ng toilet bowl sa isang public restroom kung saan man. At eto pa take note! Isang nang-gigitata sa dumi at panghe! Grabe talaga!
By the way I'm Julia Gatmaitan ang walang kupas na laging rank 1 sa klase na hindi mahigit higitan ni Drake na lagi lang pangalawa simula ng nagfirst year high school kami at hanggang ngayon na fourth year highschool dahil ako lagi ang first. Hahaha! Sorry minsan kasi umaandar ang kayabangan ko.
Balik na tayo sa topic natin kanina, sabi ko nga naglilinis ako ngayon sa isang public restroom at sigurado ko nagtataka kayo kung bakit ginagawa ko to ngayon.....kwento ko sa inyo...
*flashback*
Ringgggg! Yes dismissal na...kaya lang tinext ako ni mommy na hindi ako masususndo ni manong pauwi galing school. Nagkasakit daw kasi ang anak nito kaya umuwi muna sa probinsya nila.
Ang only way lang para makauwi ay magcomute! Hoy! Kung iniisip nyo na di ako sanay magcomute, nagkakamali kayo! Kahit naman mayaman ako marunong din ako sa mga ganyang bagay at di rin naman ako maselan.
Palabas ako ngayon ng campus para maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
"La la la la la lavander lemon~" kanta ko habang naglalakad sa may kalasada.Tumatawa na kayo sigurado ngayon kasi sa dami dami ng kakantahin ko e comercial pa ng Bonux! Walang pakielamanan yan ang gust--
Naputol na lang ang sasabihin ko ng biglang may mambunggo sakin na isang lalaking macho ang katawan at matangkad. Syempre papatalo pa ba ko? Kaya....
"Hoy panget pwede ba tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Ang laki laki na nga ng mata mo bakit di mo subukang gamitin!" Sabi ko na inis na inis sa parang gangster nare!
" what the fvck did you just said?!?" Sabi naman nito na seryosong seryoso ang muka at mukang papatayin ka na sa tingin.Dahan dahan nya akong Kinulong sa mga braso nya at dinikit sa pader sa pader. Napasandal tuloy ako sa pader. Oh noesss! Nakakatakot sya kasi kung titignan mo ang itsura nya, madaming piercing sa tenga,tadtad ng tatoo ang katawan plus ang muka na nakakatakot... Gangster sya!!!
"A-ako? A-ng sabi ko lang na-naman, mag-ingat at tumingin ka naman sa dinadaan mo..ka-kasi alam mo na baka may mabunggo ka ng di mo sinasyada..." Sabi ko na halatang kinakabahan.
*Julia kahit ngayon lang show your fake smile* sabi ko sa sarili ko at unti unti pinakita ang fake smile ko. Bali ganun parin ang ayos namin nakakulong parin ako sa mga braso nya at malapit ang panget nyang mukha nya sa maganda kong muka. Para na nga kaming magki-kiss e, yuck lang!
Click!
Ha? Tama ba yung narinig ko parang pagclick ng camera yun ah! Hindi baka guni guni ko lang yun!
"Get hell out of my sight! B1tch!" Sabi nya na galit na galit parin at inalis ang mga braso nya sa pagkakakulong sakin. Dali dali naman ako naglakad palayo sa gangster na yun!
Baliw din yun eh noh? ako ang ikukulong nya, tapos ako ang papaalisin niya! Parang tanga lang eh
Grabe! Nakakatakot yun ah! at sosyal ang adik na yun inglishero! Sa susunod ayoko ng magcomute kung sino sinong nilalang ang nakakabangga ko.