INSIDE MY HEART(About Three Words, Eight Letters Say It And I'm Yours)

2.1K 33 16
                                    

INSIDE MY HEART

First of all let me introduce my self, I am Christian Charles Roque a.k.a Yentruoc. 

Ito ay ginawa ko dahil para sa akin Three Words, Eight Letters Say It And I'm Yours 

is not just an ordinary story. Why????!!!!

Well let's Find Out!!!!!!!

But before that, hayaan niyo akong ikuwento kung paano ko natagpuan ang istoryang  

Three Words, Eight Letters Say It And I'm Yours by Girlinlove.

Feb. 28, 2011

Ito yung day na nalaman ko na may free internet. It lasted for almost 10 days. Dahil sa marami akong ginagawa sa umaga, nakakapaginternet lang ako tuwing 11 ng gabi hanggang 2 or 3 am. Kapag napapasarap pa ang panggamit ng internet nagtatagal ako hanggang 4 am. So mga 5 hours akong nasa harap ng computer.

Feb. 28 - March 9, 2011

Hindi ko na maalala ang exact date kung kelan ko natagpuan ang 3 words but I think its between that 10 whole days. 

Prologue pa lang ng story naging interested na agad ako. There is something about that story that caught my attention at hindi ko alam kung ano yun.

March 10, 2011

Ang free internet ay nawala na kaya nagisip na ako ng paraan para makapagbasa ng 3 words ng hindi gumagastos ng malaki. Nagloload ako ng 20 pesos at pinagkakasya ko yun. Kahit na minsan tinitipid ko ang sarili ko makapagload at makapagbasa. Hanggang ngayon ganyan ang sistema ko pero ok lang dahil napaganda ng 3 words.

Yan ang istorya kung paano ko natagpuan ang 3 words.

Reasons Why I Love Three Words

- Hindi ko man kamukha si Kean nagkapareho naman kami sa paguugali. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya na kapag nagmahal ako ganun din ang mga gagawin ko hindi dahil gusto kong gayahin si Kean kundi yun ako at yun ang gusto ko.

- Ang kulet, ang daldal ni Chanel pero maganda, mabait at talented pa rin siya.

- Laugh trip lagi ako once na bumanat na ang mga character.

- Astig ang mga kilig moments(so gay!!!)

- Last but not the least (ssshhh) atin atin lang to ah. Kapangalan po kasi ni Chanel ang babaeng mahal ko, Her name is Courtney Tajon Chua.

Yan lang muna hindi ko na kasi maipaliwanag yung iba kung bakit gusto ko talaga ang three words.

About Three Words

As I said earlier 3 words is not just an ordinary story. Hindi ko alam kung anong meron ang story na ito basta ang alam ko lang the best ito at hinding hindi masasayang ang oras at kuryente mo.

Ngayon ang Three words na lang ang nagiging dahilan kung bakit ako nagnenet. Dati kasi ang habol ko lang sa computer namin eh yung mga games. Simula ng dumating ang 3 words nagiba na, araw - araw na akong nagnenet para abangan ang update.

Dahil sa patuloy ko na pagbabasa ng 3 words, may isang bagay akong natutunan mula sa kanila lalo na kay Kean.

Natutunan ko na hindi ka dapat matakot na mainlove o masaktan. Hindi maiiwasan na mainlove ka at kapag nasaktan naman parte lang yun ksi nagmamahal ka.

Sabi nga ni Kean: "If you will never have your heart broken, you will never learn to love". 

Sabi ko naman: "Pain is just a lesson in disguise for us to learn". (itong quote na ito ay hindi applicable sa lahat ng sitwasyon, kasi kapag minsan may mga tao talagang sinadya na saktan tayo kahit wala naman tayong kasalanan sa kanila)

Nasabi ko yan dahil once na nasaktan tayo sa unang pagkakataon minsan narerealize natin na may mali din pala tayo. Minsan din kasi kailangan pa nating masaktan para maintindihan lang ang mga bagay-bagay 

Yan ay isa lang sa masasakit na katotohanan sa buhay natin na kailangan nating tanggapin kahit masakit.

Ang mga bagay na sinabi ko sa inyo ay tunay na nararamdaman ko. Kaya kung may mga paliwanag ako na medyo magulo, pasensiya na dahil may mga bagay na ang hirap ipaliwanag.

Sana magustuhan niyo itong ginawa ko lalo na dun sa mga nakabasa na ng three words. 

Sana katulad ko kayo na may natutunan din mula sa story at sana maiapply niyo yun sa mga sarili niyong buhay.

Pero paalala lang ang three words ay kathang isip lamang ng isang magaling na writer na si Girlinlove, hindi lahat ng nangyari dun ay pwede na mangyari sa tunay na buhay. Sana madistinguish pa rin natin ang reality sa fantasy.

Ako ay isa lamang fan na gusto lang na ilabas ang tunay na nararamdaman through writing. Kaya kung may mga hindi magugustuhan ang ginawa ko. PASENSYA NA!

P.S

For Girlinlove- sana makagawa ka pa ng magagandang stories katulad ng Three Words, Eight Letters Say It And I'm Yours.

There are 3 things that can describe Three Words, Eight Letters Say It And I'm Yours. 

These are:

A great writer 

Wonderful characters 

A beautiful story

Sa mga hindi pa nakakabasa at curious basahin niyo na lang ang Three Words, Eight Letters Say It And I'm Yours and I'm 100% sure you'll gonna love it.

Let's support Three Words, Eight Letters Say It And I'm Yours till the end

SO GUYS THANK YOU FOR READING

THIS IS YENTRUOC

SIGNING OFF

INSIDE MY HEART(About Three Words, Eight Letters Say It And I'm Yours)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon