Crush Confessions.

1K 6 2
                                    

Chapter One: Pag nandyan, dinededma....

Erin's POV

--6:45 am

*kriiiiiiiiiiing!*

Hay! Another busy school day ahead. Pero ayos lang. Kasi, this is another day I'm going to see my crush, Adrian. Yiee!

"Ma, alis na po ako. Bye!" paalam ko kay Mama. Alam naman niya na sa school na ako nagb-breakfast pag malapit na akong malate.

Takbo....Commute....Takbo!

Whoo. Finally nakarating din.

"Hi sisteret!" bati ng barkada ko. Sina Claire, Geraldenne at Majoy.

"Good morning mga sisterets!" bati ko din naman sa kanila. Kaso, kulang pa yung bumati sakin ngayong umaga ah.

Wala si Adrian.

"Teka, asan si Adrian?" tanong ko sa kanila. Oy wag kayo ah. Straight si Adrian no! Talagang sa lahat ng boys sa klase namin eh yun ang pinakabarkada namin especially me dahil kababata ko yun.

"Ewan nga ba namin dun!" they all said in unison.

"Pero nakita ko siya kanina! Nagmamadaling pumasok ng gate. Tapos ayun. Out of sight na lang bigla." sabi sakin ni Claire.

"Ganun ba? Osige tutal nauna na naman siya.." sabi ko sa kanila "Let's go? Malalate na din kasi tayo eh." Hindi na rin naman sila nagtanong at habang naglalakad kami ay bigla na lang may nangiliti sakin sa tagiliran ko. Pagtingin ko sa likod....

"Good Morning Erintot!" Sino pa nga ba, edi ang crush-slash-barkada-slash-kababata ko na si Adrian. Ay nako. Bahala siya! Di ko siya papansinin. Hmp!

Ikaw kasi, minsan na nga lang tayo magkita ngayon, late ka pa.

"Huyyyyy."

"Huyyyy......"

"Huy Erintot....."

Two words: Ba-ha-la ka!

Para lalo ko siyang maiwasan, mas binilisan ko pa ang lakad ko at iniwan silang apat dun. Alam naman nung tatlo na may crush ako kay Adrian. Pero sinabihan ko sila na pag lumabas bigla ang dila ng mga yan I swear, the next day wala na silang dila. Kaya yun, inaasar kami but still......

TOTAL DEDMA. Sinabi pa nga niya minsan sa barkada one time habang naglu-lunch kami sa cafeteria na, "Ano ba naman kayo! Parang kambal ko lang 'tong si Erintot. Ganyan din naman siya sakin eh!" Haynakoooo. Gusto ko sanang isumbat sa kanya na, "Anak ng tokwa?! KAMBAL? Pwes hindi tayo parehas ng tingin! Duling ka! Banlag! Duling na pogi, mabait at gentleman! Mahal ko pa!" Kaso di ko naman pedeng gawin yun. Baka dahil dun ay magalit pa siya sakin at iwasan na lang ako bigla. After nga niya sabihin yun eh nagulat yung tatlo tapos tumingin sila sakin na parang sinasabing, "Condolence, sis."

BWI-SH*T.

Is this what they call..... Friendzone?

Crush Confessions. ➵ knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon