Chapter 6: Pag aalis, nagsisisi.

161 2 0
                                    

Chapter 6: Pag aalis, nagsisisi.

[Graduation Day]

"Congratulations Graduates of Montenegro University! And now, we are going to award the 10 Outstanding Pupils of this batch..."

Ano ba yan. Kanina pa nagsisimula ang Graduation pero wala pa si Adrian at ang parents niya. Asan na ba yun? Pinuntahan ko nga kanina yung area ng klase nila kaso sabi nung tatlo di pa din nila nakikita si Adrian simula kanina. Balak ko pa naman na ipagmalaki sa kanya na salutatorian ako. Odiba? Sabi sainyo may konti naman din akong talino. Hehe :))

Nakakahiya namang tumayo lalo na at nasa unahan ako kaya itetext ko na lang kay Mama.

To: Mama (09*********)

Ma. dumatng na po b cna Adrian?

Maya-maya, nag-vibrate yung phone ko.

From: Mama

Anak, gud thing you txtd. ur tita Denny called 2 tell me that they're leaving today. papuntang US. dun na dw mag-aaral si Adrian for college. They're leaving in an hour. Kaya daw hindi makaka-attend ng grad c Adrian.

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!

"And now, this year's salutatorian. Miss Erin Lizelle Mendez!"

Patay! Turn ko na pala. Anong gagawin ko? Ugh. Aabutan ko pa ba si Adrian?

Bahala na. Bahala na.

"Uhm.....I'm sorry but I am in a hurry."

Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at pumunta dun sa seat nina Mama at dali-dali ko silang hinila palabas ng auditorium. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nagulat din yung tatlo sa ginawa ko at balak akong sundan kaso tumingin ako sa kanila at nag-stop sign.

"Ma, Pa! Tara na po sa airport! B-baka sakaling m-makapagpaalam pa tayo k-kina A-adrian!" sabi ko na may tumutulong luha sa mata ko. Haluh. Make-up ko. Hayaan na nga! Buti di ako nagpalagay ng mascara kanina.

Since close nga ang family namin kina Adrian, pumayag sila. Tapos dali-dali na kaming sumakay sa kotse at nag-drive papuntang airport. While were on the way, halos lahat sila text ng text at tawag ng tawag sa akin. Eh dahil nabwisit ako, pinatay ko na lang phone ko. Sa airport ko na lang ulit bubuhayin.

Adrian....diyan ka lang. Pag umalis ka agad, humanda ka sakin.

[After 30 minutes]

Pagdating namin dun, tinanong ko agad kay Mama kung anong number ng plane nila at oras ng flight nila. And without any word, pinayagan nila ako tumakbo sa loob ng airport mag-isa. Di naman daw nila ako mahahabol kung tatakbo kami dun kaya susunod nalang daw sila.

Pagpasok ko sa departure area,

"Calling the passengers of flight XXXXX please proceed to the blahblah..."

(I dunno what they say. Sorry!)

Teka. Yun yung kina Adrian ah! Hala. Hala!

Nagpunta ako dun sa parang loob ng Departure Area at hinanap si Adrian. Sa kasamaang palad, wala nang tao. Tapos narinig ko lumipad ang isang eroplano.

Wala na. Wala na ang bestfriend ko. Wala na ang kababatabestfriendkuyakuyahanultimatecrushFIRSTLOVE ko.

Hindi ko na alam kung ano yung mga sumunod na pangyayari kasi tuloy-tuloy na lang na umagos ang luha ko. Tapos nakaupo na ako sa sahig. At wala na akong pakialam.

Adrian naman *sniff* eh.... may balak pa sana akong *sniff* aminin sa'yo.... Bakit ka ba *sniff* umalis? Bakit kailangan mo pang *sniff* umalis?

Binaon ko yung mukha ko sa tuhod ko. The next thing I heard, hingal na hingal si Mama at Papa na lumapit sakin at niyakap ako.

Grabe ah! Nakapang-graduation dress pa ako! Buti natanggal ko yung cap and gown ko kanina. Para naman ako yung bata-na-naagawan-ng-lollipop.

"*hinga hinga* Anak... *hinga* pinapabigay ng secretary ng Tita Denny mo galing daw kay Adrian. *hinga hinga*"

Iniangat ko yung ulo ko then mom handed me out a CD. Alam niyo kung ano ang title?

Crush Confessions.

Doodle siya.Tapos dun sa gitna ng doodle, may nakadrawing. Isang babae na may letter E sa Tshirt at yung lalaki naman may A. Holding hands. Anong konek nito?

"Uhm, Ma. Sure ba kayong galing kay Adrian to?"

"Yes. Sige na. Panuorin mo na."

Dali-dali kaming bumalik sa kotse kung nasaan ang laptop ko na palagi kong bitbit kahit saan at dali-daling inilagay yung CD.

Then, PLAY.

Bumungad kaagad sakin yung picture namin nung bata pa lang kami. Sa....fifth birthday ko. Siya yung kapartner dun eh.

Tsaka yun ang first picture namin together.

Next set of photos, birthdays namin, special events like First Days in School, First Communion, Recognition Days, Graduation and family events. Kasama na dun yung mga pictures namin ngayong highschool. Paggagala namin together, tsaka ng barkada.

Eto namang sumunod na slide, pictures namin nung prom. Simula sa bahay, hanggang pagdating dun sa place, sa photobooth, pati kasama ang aking sisterets. Paano niya naman nakuha lahat ng to?

Kaso nagtaka ako, may isang slide na walang kalaman-laman na pictures pero, may title.

Graduation Day-Highschool!

Tangna. Pinapamukha niya ba sakin na di ko siya makakasama ngayon?

Nag-fade na yung blank slide at yung sumunod na slide naman ang talagang nagpahagulgol sakin. Yung message niya para sakin.

"Hi Erintot! Kung napapanood mo to ngayon, siguro nakaalis na ako. Nga pala, ako yung gumawa ng cover. Erintot ko, sorry kung di ko agad nasabi sayo na aalis ako. Alam ko kasi na iiyak ka lang ng iiyak. Eh sayang naman ang ganda, ang bait at ang pagiging salutatorian mo. Akala mo di ko alam no? Nga pala, gusto ko ding mag-sorry kasi this past few months, madalas kitang di napupuntahan sa mga meeting place ng barkada. Palagi kasi akong nagpapaturo kay Ma'am Laurice na gumawa ng video presentation sa studio para wala talagang makakaalam. At eto na nga yon. Sorry kung kornik yung napanuod mo kanina ah. Pero seryoso. Gusto kitang i-congratualate kasi, wow! Ang Erintot ko naging salutatorian pa! Eh sa pagkakaalam ko ako lang lagi laman ng utak niyan. Hahaha joke lang...." Aba't ang yabang nito ah! Joke lang, totoo naman. Hihi :DD "Oh ano, akala mo, eto na regalo ko sayo? Hindi ah! Balik ka sa auditorium para malaman mo. Mwah! I love you Erintot kooooooooooooooooo!"

--End Of Video--

Pinunasan ko yung luha ko at ngumiti. Masasabi ko na ngayon na, oo.

MAHAL KO NA SI ADRIAN JAKE FORTALEJO.

Crush Confessions. ➵ knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon