The way we were PART 1

2.8K 79 6
                                    

Ako si Pipay,pero ang totoo kong pangalan ay Effifanio,ewan sa mga magulang ko kung bakit yan pinangalan sa akin,bukod sa makaluma na eh mabaho pa :/

Ang kwentong inyong mababasa ay hindi kwento ng kahit sino sa mga kaibigan ko kundi kwento ko! Aba! Lugi ako sa kanila huh? Kaya naman patnumbay ng mga magulang ay kailangan,maaaring naglalaman ito ng Kahalayan,Droga at kung anu-ano pa! Charing Matsing Raymond Bagatsing lang ating! XD

O sya,eto na,

Dear Ate Charo,..

-----

Haaaaaayyy! Napaka unfair ng buhay!! Oo nga't biniyayaan ako ng magandang mukha ng Maykapal,ngunit ano itong kapalit? Lahat ng nagugustuhan ko hindi ako gusto!

Ang hirap naman maging bakla! Kung pinanganak lang sana akong babae edi sana wala na ako problema diba?

Gaya na lang nung elementary ako,grade six to be exact, patay na patay ako sa Escort namin teh! Si Darrien! Jusme ang gwapo gwapo ng impaktong yon! Eh that time kontento na ako sa patanaw tanaw sa kanya,pag nakita ko na sya buo na ang araw ko.

Nung mga panahong yon uso pa ang Slam note,ewan ko ba at nakijoin ako sa kabaduyang yon,ikaw? Huwag mo sabihing hindi mo alam yon at hindi ka sumagot sa ganon? Dahil kung hindi, hindi ka tao,elyen ka! Elyen!

Ayon na nga,halos lahat kaming magkaka klase eh sumagot,bago ako sumagot sa Slam note na yon ay hinanap ko pa yung kay Darrien,dahil mahadera ako pinareha ko sa mga sagot nya ang mga sagot ko,pasensya na assumera lang ^o^

Ng lahat ay matapos ng sumagot pinag pasapasahan ang kawawang slam notebook,dun ko lang narealize na nakakahiya ang mga sagot ko,talagang nilagay ko sa Who is your Crush ay Darrien. Ang ending nabasa nya at hanggang maka graduate kami ay deadmaru na sa beauty ko ang lolo mo,but it passed,I moved on kahit yon ang una kong kabiguan sa pag ibig.

High School came,may nakilala ako,probably mga kaklase ko na naging bestfriends ko, sina Ikhai,Ira,Honey at nag iisang lalaki sa tropa,si Arvin. Naging instant ang samahan namin,patok talaga! Nag jive ang mga ugali namin.

Sa aming lima ako ang pinaka madaldal,ako ang bumubuhay sa samahan namin,ayoko may nakikita na isa sa kanila na malungkot,dinadaan ko agad sa pang o-okray o pagpapatawa.

Ganun lang ang buhay ko,bahay school,tropa, wala naman kasi ako problema dahil okay ang pamilya ko,mahal at tanggap ako ng mga magulang ko.

Dumating ang fourth year,madami ako naging crush, lalo na yung sa kabilang section si Prinzz. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya,tumitibok ng walang humpay ang puso ko pag nakikita sya. Yun nga lang hindi kami close,pero may mga times na nagkakasalubong kami,simpleng tanguan lang,doon pa lang neng masaya na ako.

Hanggang isang araw, nasa labas ako ng bahay namin habang palakad lakad. Nagulat na lang ako ng may bike na tumigil sa harap ko.

Pagtingin ko si Prinzz! Kumalampag ang puso ko.Parang batingaw,parang kampana! Parang gong! Basta ganun ang pakiramdam!

"Dito ka pala nakatira sa subdivisiong ito? Taga dito din ako eh,sa may north side" naka ngiti nyang sabi.

Shit! Ang gwapo kahit pawisan na!

"Ah eh..Uhm oo,ganun ba? Ayos yon" sabi ko na utal utal. Ganito talaga siguro pag kaharap mo na yung taong mahal mo.

"Bakit parang hindi ka mapakali? Huwag ka mag alala hindi kita kakainin,ikaw ang kakain sa akin" naka ngising sabi nito saka kumindat

O_O

Waaaahhhshet! Totoo ba yung sinabi nya? Oh my God! Oh my God!

"Hahahaha! Nagbablush ka,Joke lang yon,nga pala kanina pa kita kinakausap hindi pa kita nakikilala kahit magkatabi lang room natin at lagi kita nakikita"

The Way We Were [TWO SHOTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon