Untitled Part 1

7 0 0
                                    


Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa campus, hindi ko talaga makita si Ginny. Nasan na kaya yung babaitang yon? Halos malibot ko na ang buong Campus ng CIT. Central Institute of Technology.


Kainis naman. Nagmamadali pa akong umuwi ngayon dahil may gagawin pa ako sa bahay, bakit ngayon pa sya nawala. Pumunta muna ako sa College Canteen ng campus, bumili muna ako ng ice tea para ma refresh ako. Umiinit na ang dugo ko, wala na akong panahon para hanapin yung maharot na bestfriend ko. 



Lumapit ako sa isang bakanteng table atsaka umupo sa upuan, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Nagmessage si daddy, hala! baka pagalitan na naman ako. 



From: Dadz



Umuwi ka na sa bahay, may importante kaming sasabihin sa'yo. May pasalubong ka din samin kaya umuwi kana.



Tumayo naman ako at uuwi na. Bahala na yon si Ginny, malaki na yon. Lumabas na ako sa campus at naglakad, may nakita akong bato. Wala naman akong magawa, sinipa ko yon, bored ako. Bumuntong hinga ako at tumawid sa ilalim ng fly-over ng Mambaling. 



"Bye babes. See you tomorrow" 



Wait, familiar yong nagsalita. Lumingon ako sa aking kanan at nakita si Ginny, may ka-kiss. Hay talaga tong babaeng to. Hindi ko nakita yung mukha ng lalaki kasi natabunan ni Ginny, umusisa ako at lumapit sakanila ng palihim. Laking gulat ko ay literal na lumaki yung mata ko. Si Jameson, ang notorious playboy ng CIT. Akala ko ayaw ni Ginny sakanya, pero ano tong nakita ko.. Kahit kailan talaga. Bakit ang hilig magpakatanga ng ibang babae? Alam nilang playboy yung lalaki, pinapatulan pa rin. 



Umiling nalang ako at nagpatuloy sa aking paglakad. So, may tinatago sakin ang bestfriend ko? 



Napasinghap ako sa kawalan, at sinipa yung bato na kanina ko pa sinisipa. I feel bad for the rock, pero okay lang kasi ang bato matigas.. hindi mawawasak at hindi madaling masira. Anghugot ko ngayon, umiling ako at tumakbo nalang, tumakbo lang ako kasi bored ako. Meh.



By the way, My name's Patricia, pero I prefer to be called 'Ishy'. Hindi ako kagaya ng mga ibang babae na nagpapakatanga sa isang lalaking na ang alam ay maglaro ng feelings ng iba. Hindi ako madaling mauto. Mas okay na maging ganito ako, kasi ayaw kong maranasan or ayaw ko talagang mawasak ang aking puso na matagal ko nang prinotektahan. 



***

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon