P1

7 0 0
                                    


Bestfriend



Walang gana akong pumasok sa campus ngayon dahil sa nangyari kahapon. I just caught my bestfriend lying to me, muntik na akong i fixed marriage kahapon sa anak ng isang sikat na business man dito sa Cebu. Aish! Ayaw kong pumasok sa paaralan ngayon, nakakatamad.. pero kailangan. 


Matamlay akong pumasok sa room, 11th grade student ako dito. Hinagilap ng mga mata ang titig ni Jameson sakin, oo, classmates kami. Inirapan ko lang sya at umupo sa aking upuan, inayos ko ang aking mga gamit. 


"Uy, bakit ka wala kahapon? Hinintay kita a!" ani Ginny. Hindi ko namalayan na malamig ko syang tinitigan, her faced was confused and tensed. Y u lyin?


"B-bakit ka ganyan m-makatitig?" tanong nya sakin, ganun pa rin ang kanyang ekspresyon. 


I want to confront her, I want to be straightforward. "I don't get it. Why do you need to lie?" malaing kong tanong sakanya. Nakita ko ang pag iba ng kanyang ekspresyon parang takot ang nagingibabaw sakanya ngayon. Ako, tinitigan ko lang sya, poker face. "A-anong pinasasabi mo?" napalunok pa sya.


"Wala. Baka nainip ka nang tumayo dyan, umupo ka na sa upuan mo." ani ko. I really don't get it, I thought she's different, pero parehas lang pala siya sa ibang mga babaeng nagkandarapa sa Jameson na yun. Pangit naman yon, ew lang.


For the whole day hindi ko pinansin si Ginny, ayaw kong magsalita muna ngayon baka masabihan ko pa ng masama si Ginny. I'm not that mean. Pumunta ako sa College canteen at bumili ng isang Panini at ice tea, nagugutom kasi ako eh. Nabigla ako nung may biglang umubo sa harapan ko, lumingon ako kung sino yun.


"Can I sit here? wala na kasing space e." tanong ng isang lalaki. College student sya, tumango nalang ako at hinayaan syang umupo sa harapan ko. Nagpatuloy pa rin akong kumain, sumulyap ako sakanya at nakita kong nakatingin sya sakin. Suminghap ako at nagpatuloy nalang kumain.


Sumulyap ulit ako sa lalaki na kanina pa ako tinititigan. Biglang uminit yung pisngi ko, at nag iwas ng tingin. Ano kaya problema nya sakin? Kung makatitig parang alam nya lahat ng mga kasalanan kong nagawa. "Hi--" hindi natapos nagsalita yung lalaki nang may biglang sumulpot.


"Ishy, may problema ba tayo?" Umirap ako sa kawalan nung nalaman ko kung sino yung nagsalita. Hindi ko sya sinagot, hindi ko kasi maintindihan kung bakit nya pa kaylangan magsinungaling sakin. I really thought she was different kaya ko sya kinaibigan, pero nagkamali pala ako. May ibang rason pa ako kung bakit ako galit sakanya, hindi ako ganyan kababaw magalit dahil nagsinungaling sya sakin. 


"Wala naman. O, bakit ka pala nandito? Punta ka na dun sa boyfriend mong hot." Sarkastiko kong sambit, biglang umiba ang kanyang ekspresyon. Parang may nakita syang multo, hindi sya makagalaw sakanyang kinatatayuan. Tumayo na ako at nagwalk out, lumingon ako sa lalaki na kanina pa nakikinig sakin. Lumaki ang kanyang mata at parang inaabsorb ang mga nangyari sakanyang harapan. Umiling nalang ako at umuwi na.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon