Day 1

17 2 3
                                    

"Sana tama ang desisyong pinili mo" Yaan lang ang huling salitang nasabi ko sakanya. Tulala parin akong nag lalakad pauwi ng bahay namin

"Bakit ? Bakit kailangang mangyari to lahat sakin ? " paulit ulit na tanong ko sa sarili kahit alam ko na wala namang sasagot sakin. Habang nag lalakad ako pauwi paulit ulit parin ko paring naririnig ang mga salitang yan, tulala lang ako wala akong pake sa mga nakikita ko kahit may makasalubong akong baliw sa daan tuloy parin ako sa pag lalakad. Hanngang sa makarating ako sa bahay namin walang tao ? Napaka tahimik. Napaka lungkot. Araw ko ba talaga ngayon ? Parang lahat ng nangyayari ngayong araw sumasang-ayon sa mood ko

Wala sila mama at papa may trabaho mamaya pa ang uwi nila, si James naman nasa school nya may program kasi sila sa school nila kaya mamaya pa ang uwi nya, wala naman kaming katulong kasi hindi naman masyadong malaki ang bahay namin, simple lang sya pero eleganta tignan at malinis.

Umakyat ako sa kwarto ko para humiga at makapag isip, tatlong taon natapos lang sa ilang minuto ? Hindi ako makapaniwala. Ano bang ginawa ko ? Minahal ko sya ? Kulang pa ba yun ? Nag tiwala ako sa maling tao at tangina talaga kasi hindi ko sya pinigilan. Hinayaan ko lang sya umalis sa tabi ko, diba kapag mahal mo ipaglalaban mo ? Tangina. Napaka bobo ko talaga. Tumingin ako sa kaliwang bahagi ng kwarto ko at nakita ko ang pictures na mag kasama pa kami. Masaya. Biglang pumatak ang luha ko sa hindi inaasahang pag kakataon, pinilit kong maging masaya nung mga panahong sumusuko kana. Pinilit kong ayusin lahat pero bumitaw ka. Yung dating langit na minsan nating nilipad dalawa ngayon naging kulungan na, nakakulong ako sa isang kulungan at ikaw nakalaya na masaya sa piling ng iba, eh paano naman ako ? Nakakulong parin ako dito. Dito sa kulungan may mga masayang aalaala at maraming masasaklap na alaala. Dapat ko bang ikulong ang sarili ko pa rito ?

*Knock, Knock*

Isang malakas na katok ang nag patigil sa pag iisip ko. Bumaba ako para tignan kung sino yung putanginang sumira sa pag eemote ko. Sa bawat hakbang ko may lungkot na nakabaon dito sa little cute heart ko. Pag bukas ko ng pinto sya pala hays

"Tangina ka eh no! Kanina pa kaya ako dito sa baba. kanina pa kami dito. Letche papasok nga! Ang init sa labas eh" tinulak nya ako para makapasok sya sa bahay namin

"Ano yan annika tulala ka na naman! Ang panget mo" napaka supportive talaga nilang kaibigan. Pumasok na rin si Patrica sa bahay para sundan ni Fathy. Sinara ko ang gate at sinundan ko sila

" Ang init dito annika! Aircon nga!" Reklamong sabi ni Fathy (Best friend ko) binato ko sya ng unan at sinabing

"Maganda ka ? Arte mo letche haha"

"Masyado kang realtalk annika hahaha" sabat ni Patricia

"Annika! Mag kwento kana dali! Sayang yung pag-punta namin dito oh" pag iiba ng usapan ni Fathy

"Change topic tong si panget haha" pag aasar ko sakanya

"Gago. Mag kwento kana kasi tangina mo lang" sabi ko

"Tska wala naman akong ikukwento eh, masaya kaya ako " sabay ngiti na labas ang ipin na kunyari masaya ka talaga kahit deep inside durog na durog kana at gusto mo nang umiyak. Ayoko kasing nakikita nila akong umiiyak o mahina ayoko talaga nun, madalas kasi ako ang Source of happy thoughts nila haha pero ngayon parang iba na talaga.

Dahil sa sobrang kulit nung dalawa napilit nila ako mag kwento. Kinuwento ko lahat hanggang sa sumapit ang Gabi at kinailangan na nilang umuwi, hinihintay ko na lang sila mama at james para sabay sabay na kaming kumain

***
Itutuloy :) thank you sa mga nag babasa and sa nag vote you really made my day :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon