Summer Violin: Part1

1.5K 20 1
                                    

Ang dahilan lang kung bat gustong gusto kong magbakasyon kina Lola ay para makita ko yung crush ko. Sya yung binatang anak nung mag-asawang doctor na nakatira sa tabi ng bahay nina Lola. Minsan lang din sya umuwi dahil nagaaral sya sa Manila. Yun lang ang alam ko tungkol sa kanya, kahit nga pangalan hindi ko alam.

Ngayong bakasyon, excited na talaga akong makita yung crush ko, Syempre naman kasi halos one year ko na syang hindi nakikita. Ganunpa rin kaya ang itsura niya? Matangkad na di gaano mataba, maputi at gwapo?... tumugtugtog pa rin kaya sya ng violin? Tuwing pumupunta ako dun, lagi ko siyang naririning na tumutugtog, ang galing nga nya eh.. hayy..

Pinayagan ako nina mama at papa na pumunta kina Lola ng maaga kasama si Kuya Ran. Naiinis nga si Kuya sa akin kasi ayaw na ayaw nyang nagbabakasyon doon. Wala naman syang choice kasi hindi nya pwedeng pabayaan ang nakababata niyang kapatid na babae.

Pagkadating namin sa probinsya, tiningnan ko agad kung nandon na yung crush ko sa bahay nila. Parang kakaiba na yung itsura ng magarang bahay na yun. parang may nagbago pero bukod dun napansin ko rin na wala pang tao, siguro nga napaaga ako.

Ayoko namang itanong kay Lola kung dumating na yung mga tao sa kabilang bahay.. naka kurutin ako nun, masungit yun eh, Si kuya Ran naman ayaw akong kibuin. Imbes daw na maghapon syang nagcocomputer ay maghapon na syang nakikinig sa mga kwento ni Lola. Ako naman, laging inaabangan ang pagdating ng crush ko. Minsan, Sinusubukan kong makapasok kahit sa bakuran lang kaso nakakatakot baka isipin ng makakita sa akin magnanakaw ako. kahit papaano tinatanong ko yung mga kasambahay nina Lola tungkol sa crush ko. Ang alam lang daw nila "Sanders" ang apelyido, Amerikano kasi ang Daddy nya. Hindi lang daw nila sure kung AJ, TJ, BJ o kung ano mang letra ang tawag dun sa anak.

Hindi rin naman nagtagal gumising na lang ako isang araw at nakita ko mula sa bintana na may kotse nang nakaparada sa garahe sa kabilang bahay. Ang saya saya ko, sa wakas, makikita ko na sya. SInabi pa sa akin nung isnag kasambahay ni Lola na nakikita daw nya yung anak na binata dati, sumangayon pa nga siya saking gwapo talaga yun. SInabi rin nya na pumayat raw.

Nung gabi, narining kong may tumutugtog ng violin. Gumaan ang pakiramdam ko tuwing naririninig ko siyang tumutugtog. Malungkot pero masarap pakinggan..

Kinabukasan, nakita ko na wala na naman yung kotse at parang wala na namang tao sa bahay nila. Nalungkot ako. Hindi ko man lang siya nakita. Gaya ng dati, sinubukan ko uling dumaan sa bakod baka sakaling may mga bagay syang iniwan, remembrance man lang, Sa unang pagkakataon, nakatawid ako sa bakod at sinigurado kong walang nakakita.

Ang ganda talaga ng bahay, syemre naman mayaman eh, kaya nga ba iniisip ko napakaswerte ko kung ako ang mapangasawa nya, nagiisa kasing anak.

Wala naman akong balak na pumasok sa loob ng bahay pero nung napansin kong bukas/hindi nakalock ang pinto, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pumasok ako a parang doon ako nakatira.

Mas maganda pala sa loob, parang hotel... parang yung lounge area sa mga hotel.. basta. May mga pictures pa nga niya.. maraming maraming pictures.

"Bat ka nandito?"

Lagot. Nahuli ako.

Summer Violin (FInished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon