CHAPTER 4: Crush Ni Crush

123 9 11
                                    

Xarmin's P.O.V.

Naglalakad ako papunta sa classroom namin. Tingin ko nga ang aga ko. Maaga akong nagising este hindi talaga ako nakatulog. Iniisip ko kasi kung anong mangyayari ngayon. Kaya ko na ba talaga? Naiiyak ko na ba lahat ng sakit?

Ang weird lang kasi ngayon lang ako umiyak nang dahil sa lalaki---kay Jerick. Matagal ko na siyang crush mula pa elementary at ngayon ko lang siya nakitang nagkagusto sa isang babae. Kaya naman nung nalaman ko, iyak talaga ako nang iyak.

Habang papalapit ako sa classroom namin, parang may iba akong nafifeel. Yung tipong mabilis ang tibok ng puso ko. Parang nagkakarera sa bilis. Kinakabahan?

Nasalubong ko ang isa naming kaklaseng lalaki, may hawak-hawak na daisy. Lumapit siya sakin at binigay ang hawak na bulaklak.

Wait what the hell is happening? May lihim na pagtingin ba sakin si classmate?

"Kurt, para saan 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Basta. Dumiretso ka lang." Sabay kindat niya. Eh?

Dumiretso naman ako gaya ng sabi niya. May nakita ulit akong kaklase namin na may hawak na gumamela. Don't tell me ibibigay pa sakin yan ah?

Lumapit nga siya at inabot ang bulaklak. Ano ba talagang kababalaghan ang nangyayari?

"Uy Warren! Bakit mo ko binigyan nito? Bakit binigyan din ako ni Kurt?"

Naguguluhan na ko! Sobra!

"Ah maglakad ka nalang papunta sa room."

Naglakad naman ako at biglang sumulpot si Nico galing sa may pinto ng katabi naming room. May hawak naman siyang tulip.

Nginitian niya ko ng nakakaloko.

Ngayon ko naman napansin no pinagtitinginan na ko ng mga estudyanteng maaga rin pumasok sa mga classrooms nila. Syete! Naeexpose masyado ang fes ko!

"Ano ba kasi to Nico? Bakit niyo binibigyan nito? Huwag mo kong sagutin ng maglakad nalang ako ah!"

"May nagpapabigay lang Xarmin."

Nagpapabigay? Sino namang tanga ang magbibigay ng bulaklak sa tulad ko?

"H-huh? S-sino?"

"This way Ma'am." Sinamahan niya ko diretso sa classroom namin.

Naagaw ng atensyon ko ang basahan na nasa may pinto namin. May nakasulat na 'Hindi sapat ang tatlong bulaklak para sa magandang dilag na katulad mo.' Maglalakad na sana ko nang mapansin ko naman ang mga bulaklak na nasa sahig. Sa pelikula lang to ah!

Takte! Kinikilig ako! Sino ba kasi ang lalaking nagplano nito?

Lumingon ako sa teacher's table at nakita ko si Tonet doon habang nagcecellphone.

"Panget!" Tawag ko sa kanya at agad siyang lumingon.

"Chubby!" Naglakad ako papunta sa kanya.

"Ano bang nangyayari? Bakit nila ko binibigyan ng ganito? Jusko naman eh! Kinikilig na ko dito! Sino bang may pakana nito?"

"Ako." Napalingon ako sa lalaking nagsalita.

Yung mala anghel niyang pagmumukha ang bumungad sakin.

Totoo ba 'to? Nanaginip lang naman ako hindi ba?

May hawak-hawak siyang bouquet at lumalakad na siya papunta saakin. Nanginginig ang tuhod ko. Yung kamay ko parang konti nalang eh titigas na. Yung puso ko namang kanina eh parang nagkakarera ngayon eh para nagwawala na at gusto nang lumabas sa katawan ko.

Hindi kaya ako talaga ang susurpresahin niya at hindi naman si Tonet?

Papalapit na siya nang papalapit, pakiramdam kong nagsoslowmotion ang lahat ng nasa paligid ko.

Nakatitig ako sa mga mata niya at ganon din siya sakin.

Malapit na malapit na siya pero bigla siyang lumiko. Napatitig ako sa pinagbigyan niya ng bouquet-- si Tonet.

Napahawak ako sa mga bulaklak na nasa palad ko. Naihulog ko ito sa sahig at dali-dali akong tumakbo palabas sa classroom.

Kanina, tibok ng puso ko ang nagkakarera ngayon naman, luha.

Hinanda ko na yung sarili ko eh! Sinabi ko nang haharapin ko na to! Pero ang duwag duwag ko pa rin! Hindi ko pa rin nagawa!

Akala ko kaya ko nang makita ang pagtatapat ni Jerick kay Tonet. Leche naman! Akala ko lang pala!

Ang bigat sa pakiramdam. Akala ko ako. Eto nanaman ako sa pag-aasume. Eto nanaman ako sa pag-eexpect na ako yung isusurprise ni Jerick. Kung sabagay, obvious namang si Tonet yung gusto niya eh. Assumera lang talaga ako nang sobra-sobra.

Sa gitna ng pagtakbo ko, narinig ko ang boses niya na tinatawag ako. Anong gagawin ko? Haharap ba ko at ipapakita sa kanya ang luhang bumubuhos dahil sa kanya? Bakit niya iniwan ang taong mahal niya doon?

Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko at napaluhod nalang ako sa gitna. Shit! Parang binibilid, dinudurog, minamartilyo at sinasaksak ang puso ko.

Bakit ba ganito nalang ang epekto mo sakin? Bakit ba mahal na mahal kita? Bakit ba hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko? Bakit ba kahit tumungtong na tayo ng highschool at nakakilala na tayo ng ibang tao, ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko?

Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko habang itinatayo ako. "Xarmin! Tumayo ka dyan nadudumihan ka!"

Tumayo ako at pilit na pinunas ang luha sa mata ko para hindi niya mahalata na umiiyak ako. Humarap ako sa kanya nang nakangiti.

"Hmm bakit Jerick?" Nakangiti kong sabi. Napansin kong nasa likod ang isang kamay niya. May hawak siya?

"Xarmin..."

"Oo."

"Huh?"

"Oo. Boto ako sayo para kay Tonet. Alam mo naman yun! Haha!" Pagpipilit kong tumawa kahit sa totoo lang eh nagpupumilit na ang mga luha ko na tumakas sa mga mata ko.

Napakunot siya ng noo. "Hindi naman siya---"

*kriiiiiingggggg kriiiiingggggg*

"Sige Jerick bye!" Agad akong tumakbo pabalik ng classroom. Muntik pa akong mahuli ng teacher namin na late ako, buti nalang sa likod ang upuan ko.

Laking pasalamat ko nalang talaga dahil sa bell na yun! Ayoko nang marinig ang sasabihin niya. Masasaktan lang ako ulit. Nakakapagod na kayang umiyak.

Mas mabuti na 'tong lumayo na muna ako sa kanya. Saka lalayo narin yan sakin kapag naging sila na ni Tonet. Pinansin niya lang naman ako ulit dahil gusto niya ang bestfriend ko eh.

Sana lang. Sana lang talaga makuha ko nang maging masaya para sa kanila. Sana.

Kapag mahal mo, handa kang magsakripisyo para sa ikasasaya niya.

-.-.-

A/N: Hello readers! Gusto ko lang pong malaman niyo na ang sunod na update ay ang LAST CHAPTER na ng Message Not Sent. Short Story lang po kasi ito. Maraming salamat po sa mga nagbabasa. I love you so much! Mwaaa

Message Not SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon