Thoughts 2

9 1 0
                                    

May mga tao talagang umiiwas sa isang tao pag nagkakagusto na ito sa kanila. Malamang marami sa atin ang hindi makaintindi kung bakit nila ito ginagawa. Pero kaya siguro nila ito ginagawa dahil na rin sa kadahilanang hindi tapaga pwede. Hindi dahil sa ayaw nila sa tao, pero dahil sila mismo ay nahuhulog na para dito. Nakakatanga isipin diba? May gusto sya sayo, may gusto ka rin sa kanya, pero hindi pwede. Papakiligin ka, tapos pag nahulog ka na, saka ka iiwanan nalang mag isa. Nakakainis minsan ang tadhana. Akala mo okay na. Pero yun pala dadaan lang sya. Magiging parte lamang sya ng buhay mo. Makikiepal lang kumbaga. Pero kahit na ganun, magpasalamat ka nalang kasi may isang taong nakapagpadama sayo kung pano kiligin, mainis, maiyak, matawa kahit na panandalian lamang.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon