Chapter 4

326 12 12
                                    

Roses. Red roses. A huge boquet of red roses greeted Boodetski as she entered her office that morning, assaulting her senses as she caught a whiff of the strong scent of the flowers. The aromatic perfume made her dizzy for a second.

"Kaye! Kaye!" Tinawag niya ang kanyang secretary.

Dali-dali namang bahagyang tumakbo si Kaye at napreno sa may gilid niya.

"Boss! Good morning!" Bati ng secretarya. "Gusto mo ba simulan ko na ang itenerary mo for today?"

Pero hindi ito binalingan ng tingin ni Boodetski, bagkus ay nakangiwi pa ito habang sa ibang direksyon nakatingin.

Sinundan naman ni Kaye ng tingin iyun at nakita ang isang magarbong arrangement ng mapupulang rosas na asa gitna ng desk ni Boodetski.

"Ah, eh ma'am...." Pagpapaliwanag sana ni Kaye kaso natigilan siya ng taasan siya ng kamay ni Boodetski, hudyat na pinatatahimik siya ng amo.

Nagdahan-dahang lumapit si Boodetski sa desk habang nakatitig parin sa boquet at akmang kukunin ang nakasabit na maliit na card doon ng magsimulang magsalitang muli si Kaye.

"Eh, ma'am, kase po, ano...." Balisang paliwanag muli ni Kaye, ".... Ano po kase, mapilit eh...."

Ibinuklat ni Boodetski ang card at binasa ito:

Dearest Boo,

Pls give me another chance. Hear me out. Call me or text me if u changed ur mind, pls. I still care for u, Boo.

Love,
Mathis

Hindi alam ni Boodetski kung matatawa ba siya o magwawala sa inis na dulot ng mensaheng ito sa kanya ni Mathis.

Nakakainis talaga tong lalaking 'to! Napabuntong hininga siya. Ang kulit talaga!

Kunga makabakod naman kasi tong si Mathis ay aakalain ng lahat na either may namamagitan sa kanila ni Boodetski or may namagitan na, noon pa. Which is, WALA naman talaga. Isa lang naman itong makulit na binata na matagal ng nanliligaw sa kanya; two years younger than her, at anak ng nagmamay-ari ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuan bilang isa sa mga head of marketing ng advertising company ng ama nito.

Last week kase ay napagbigyan niya ito na sumama mag-dinner, dahil narin sa sobrang pagpupumilit nito, kaya wala nalang siyang nagawa kundi ang pumayag.

But she should have known. All they ever did the whole night through was to talk about himself, only! As in! Walang ibang topic! Di lang siya na-bored, inis na inis pa siya! Sira ang buong gabi niya ng dahil lamang sa kayabangan ng binata, na kesyo chuma-champion daw ito sa mga sports events na sinasalihan, kung gaano kadami ang humahanga rito, mapa lalaki man o babae, at kung gaano ito kagaling sa larangan ng sports.

As if I'd care! Buwiset na alala ni Boodetski.

Pagkahatid na pagkahatid sa kanya nito sa kanya condo, ay walang pakundangan na binasted na niya ito, agad-agad.

Pero kita mo nga naman, nanliligaw parin!

"Makulit talaga tong isang 'to, eh!" Bulalas ni Kaye sa tabi niya.

Napatingin siya bigla sa sekretarya niya. "At ikaw hindi?!" Inis na sambit niya. "Ilang beses ko ng sinabi sayo na huwag na huwag ka ng tatanggap ng kahit na ano galing sa kanya, diba?! Ba't ang kulit mo rin?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon