Bonjour! Hey, its me! Beanca Maine Sanchez.I'm 16 years old. Only daughter lang ako sa family namin. I'm a student of Ridgeview University. I took the course AB Film and Media since mahilig ako mag-edit ng videos and pictures. Meron kasi akong secret dream, ito ay maging artista. Wala naman sigurong masama kung mangagarap ka diba? Yung Mommy ko na ubod ng ganda (yes naman) ay isang CEO ngayon sa Smalltown 21 Hotel na pagmamay-ari namin. Siya ay si Minnie Mendoza Sanchez. Si Daddy ang CEO noon, but he passed away. Nagkaroon siya ng tumor sa spinal cord niya. He died when I was still 8 years old. Kaya nung nawala si Daddy, si Mommy ang pumalit sa posisyon niya. Good thing at si Mommy ay isang HRM graduate nung college kaya mas madali lang sakanya maghandle nang business namin.
Beanca: Hi Mom! Good Morning!
Mrs. Sanchez: Hi Sweetie, How's your sleep?
Beanca: Okay lang naman Mom, ikaw po? nakapagpahinga ka po ba? Late ka na po umuwi kagabi ah!
Mrs. Sanchez: Oo nga eh, okay naman yung tulog ko. Andami kasi dapat asikasuhin sa office eh.
Beanca: Basta Mom huwag kalimutan magpahinga okay?
Mrs. Sanchez: Yes Sweetie, sige na mag-ready ka na at baka ma-late ka pa sa class mo.
Beanca: Okay po. Bye na Mommy. I'll go ahead na. Love you!
Mrs. Sanchez: Love you too! Ingat ka! Have Fun!
Nagmamadali ako kunin ang gamit ko at pumasok sa kotse. Si Mang Jun ay nagmamaneho pansamantala dahil di pa ako pwede. Siya din ang nagtuturo sakin paminsan pag may libreng oras kami pareho.
Mang Jun: Oh! Dali-an mo at baka ma-late ka pa. First day mo pa naman sa school mo.
Beanca: Oo nga po eh, Medyo nakakakaba po pala.
Mang Jun: Haha! Nako tong batang to! Huwag ka mag-alala, sigurado akong pagpasok ng pagpasok mo sa classroom niyo, may magiging kaibigan ka na!
Beanca: Ikaw po talaga Mang Jun! Agad-agad! Haha
Mang Jun: Haha! Sa wakas at ngumiti ka na rin. Okay na ba lahat? Wala ka nang nakalimutan? At aalis na tayo.
Beanca: Wala na po. Sige na po! Sugod na po tayo!
At nagmaneho na nga si Mang Jun papunta sa Ridgeview University. Dumating na kami at kitang-kita sa labas ng paaralan ang mga estudyanteng naglalaro, nagchichikahan at nagtatakbuhan. Agad akong lumabas sa kotse at pumasok sa loob ng University. Hinanap ko yung room ko nang pagbukas ko sa pinto, bumungad ang isang babae.
Unknown: Oy!! Buti naman at may kasama na ako dito! Hello!
Beanca: Hi! Ako nga pala si Beanca Maine Sanchez, ikaw?
Unknown: Hi Beanca! Ako si Louise Adrianne Reyes. Nice meeting you!
Tingnan mo nga naman, tama nga yung sinabi ni Mang Jun sa akin, may magiging kaibigan agad ako.
Beanca: Nice meeting you! Tayo pa lang ba ang nandito?
Louise: Actually hindi. May mga ibang boys na at girls na nandito kanina.
Beanca: Ah. *smiles* San ka ba nakaupo?
Louise: Ah! Dito! Dito! Tabi ka na sa akin.
Beanca: Sige!
*Bell rings*
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionBased on a true life story. A story of romance, drama and comedy.