"PU-SO! HRM! PU-SO HRM!""Sobrang intense na po ng laban natin ngayong gabi mga kaibigan! DYOS KO! 68-68 tabla na naman po ang HRM at ang BA! ..."
For the first time ay naging sobra-sobrang intense ng isang basketball game para sakin. I know. I know. Dahil sa kanya. Dahil kay kuyang walang jersey. Potchi! Ang galing kasi eh! Sure ball! Ang bilis pa! sa buong La Salle College Antipolo eh sya na talaga ang magaling. Kanina pa nga kami mapaos paos kakasigaw. Kahit hindi namin ka-course eh pusong HRM na rin kami. Kanina pa rin may sumisigaw na MVP na daw si KUYANG WALANG JERSEY.
Nakikita ko na sya sa school. Malamang. pero minsan kasi, nakaka eyecontact ko pa. kamukha nya kasi yung naging 'kaibigan' ko dati kaya parang may iba sa kanya. Para sakin hindi sya gwapo. Nagkasundo pa nga kami nung classmate ko na gwapo lang sya maglaro. Oo na bully na kami.
"BOOO! WALA YAN! HINDI YAN SHOOT! ANG PANGIT MO!" may isang sumigaw na HRM nang mag free throw ang isang player ng BA. Mayayabang kasi ang mga taga Business Ad eh. Hindi naman lahat pero halos lahat ng naglalaro.
So, ayun nga, kanina lang eh nasa bleachers lang kami nakaupo, eh ayun, semi finals na kasi kaya lahat kami dito ay nakatayo na.
"NUMBER 7 DINIDRIBOL ANG BOLA, PINASA KAY NUMBER 12, NUMBER 12 FOR 3 POINT SHOT---- WOOAAHHH! A STEAL BY NUMBER 15!"
"Ay! 15 pala number ni kuya!" sabay sabay naming sabi.
"sheet. Ang galing nya talaga!" sa isip isip ko habang pinapanuod ko syang naghahanap ng pwesto para maka shoot.
Nang bigla syang umatras ng kaunti sabay taas ng bola at initsa ito.
"NUMBER 15 FOR 3 POINT SHOOTTTT---BOOOMM!"
"AAAAACCCKKKKK!"
"HOOOO!!!! PUU-SOO HRM! PUU-SOO HRM!"
"WAAAAHHHH!"
"ANG GALING MO KUYA PAKSHEETTT!"
"HOO! MGA KAIBIGAN-- 3 NA PO ANG LAMANG NG HRM SA B.A. NAPAKA INTENSE NA PO ITO MGA KAIBIGAN!"
I died. Nakita ko kasi syang sumulyap ng tingin sa banda namin.
WAAAHHH! OO NA! ako na ang assuming! Pero di ba? BAKIT NAGWAGWAPUHAN NA AKO SA KANYA?!
Potchi ka KUYANG WALANG JERSEY!
"Hindi ako maka- move on."
"ako rin."
"anong nangyari ba kasi."
"kaya nga. Sayang"
Oo. POTCHI YAN! TALO SILA! Hamakan mo yon!? Lamang na sila eh! Nahabol pa! tapos na foul pa sila, edi may free throw yung B.A. tapos yun.
;3 waaaahhhh! Mangingiyak ngiyak tuloy kami ngayon pauwi. Hindi ko na pa naman sya nakita kanina kasi nagtumpukan na silang mga HRM at hinila na rin ako ng mga classmate ko pa C.R.
Hanggang pagsakay ko ng dyip e hindi pa rin talaga mawala-wala ang himutok ko sa nangyari. BUSET eh. Dapat talaga sila! Alam mo yung sayang! Yung sila talaga dapat yung nanalo eh! At dahil sa feel ko magdrama, hinintay ko yung panibagong dyip at umupo sa pinakadulong upuan nito sabay pasak ng headset at yeah. Feel the misery with Maroon 5. Nakatingin lang ako sa baba ng may mahagip ang mata na kulay pula.
PULA- kulay ng HRM.
AY POTCHING INA PUSANG GALA! SERYOSO TO!?
K U Y A N G W A L A N G J E R S E Y!????
HUMIGAD! HUMIGAD! SHEEETTT! KALMA Je! KALMA! HOO!
Okay. Okay.
Binaba ko na yung tingin ko at pakunwaring tumingin sa cellphone ko. At sa hinabahaba ng pinagsamahan namin eh ngayon pa talaga bumitaw etong si Cellphone. Maraming maraming salamat sa iyong napaka habang kooperasyon selpon. Salamat.
Tinggal ko na lamang ang aking headset at umusog dahil napupuno na ang dyip.
At si my labs-- este si KUYANG WALANG JERSEY ay nakaupo sa harap ko! DA FEELS!
Tiningnan ko ang bawat tao na umaakyat ng dyip ng biglang--------------------------------------------------
"taga antipolo hills ka rin pala?"
A-ANO D-DAW?
"h-ha? A-ah, O-oo. Hehe."
Opo, ang isang estudyanteng tulad ko na hinahangaan pagdating sa reporting eh ayun, nautal.
"Hmmm. Ngayon lang kita nakita dito. Nakasabay pala."
*LUNOK.* "haha. Ako rin eh."
BAKIT KASI NGAYON LANG! POTCHI!
"salamat sa suporta pala. Haha."
"a-aww. Hahaha. w-wala yon. C-congrats n-nga p-pla."
"talo nga eh."
"o-okay lang y-yon. Ang galing mo---nyo kaya." TUMIGIL KA NGA JE!
NGUMITI NAMAN SYA at sabay sabing "Salamat."
Ayun, sa trenta minuto na byahe eh hindi ko alam kung saan pipirmi ang mata ko. Kung sa katabi nya ba kuno, o sa rubber shoes nya o sa kung saang magkabilang gilid ng ulo ko o sa labas ng dyip,
YAN TAYO KUYANG WALANG JERSEY EH! PAASA KA! BAKIT FEELING KO TINITINGNAN MO KO!?
ENEBE! WEG KENG GENYEN. KENEKELEG EKE.
Nagkakatinginan pa kami minsan like POTCHING WALANG KULAY PINK NA NAKABALOT SA MENTOS! NGININGITIAN NYA AKO MEN! NGININGITIAN! REJOICE NATALAGA AKO FORVER!
At sa kanta nga ni Yeng, kahit na ayoko ko pang bumaba eh kailangan na.
At pamura ulit ng isang beses pa. POTCHING TRIANGLE NA KASING TIGAS NG FLATOPS! Kasabay ko syang bumaba!
At yung nasa likod mo sya habang papasok ka sa street nyo ay isang gabing ewan ko kung sino ang makakalimot. Basta hindi ako.
"ummm, je?"
NAPAHINTO AKO NG WALA SA ORAS. MUNDO KO, PUSO KO, HININGA KO. LITERAL ATA NA HUMINTO.
Pa slow effect akong lumingon habang nakahawak sa strap ng bag ko.
"b-bakit?" sabay tipid na ngumiti. Sana kasing cute ako ni Yaya Dub.
Nag jog naman sya para magkasing lapit kami. KUYE, WEG MESYEDENG MELEPET BAKE MAUWE KETE.
"ahh, wala ka bang kasabay umuwi palagi?"
"h-ha? m-meron n-naman. Classmate ke-ahem- ko."
"aww. Sige, pero okay lang ba kung
kunin ko number mo? Para naman may kasabay ka pag wala yung classmate mo?"
AND WITH A SMILE, I DIED.
Pero joke lang yon syempre!
Eto na si lablayp oh, aarte pa ba ako?
Konting pakipot lang siguro. Tama na yon. ;)
![](https://img.wattpad.com/cover/51012905-288-k448675.jpg)