Chapter 2
After ng oh-so-well na pagkikita namin ng KC na yun, nanood na kami ng PBA. Naguusap naman kami, medyo awkward nga lang yung feeling ko. pero siya, parang wala lang, actually friendly siya. Andami nga niyang kinukwento eh, about sa aso siya, exes and so much more.
Hinatid din niya ako sa bahay after ng game.
~
"Oy. BRIAN BASUEL. ANTAGAL MO PO. KANINA PA PO KAMI NAGHIHINTAY OH." yan si Andrea Rivera. Andi for short. bestfriend ko yan. at ngayon, nambubulabog sa kwarto ko.
pupunta kasi kami sa resort nila Paul, remember? yung cousin ko. May na kasi, last chance for an out of town tsaka para na rin sa bday ni paul. 3 days daw kami dun.
"Ayan na. Ayan na." Pano ba naman ako hindi matataglan eh kaninang midnight lang nila ako sinabihan, mga 1:00am ata tapos pupunta sa bahay 4:00am. Oha! wala pa 'kong tulog niyan.
dalawa yung sasakyan namin. Sila Paul tsaka yung ibang lalaki dun sa kabilang sasakyan. Bale ang kasama ko ngayon ay sina Andi (bff ko. friend din siya ni Paul), si Ate Shai (gf ni Paul), Mitch (close friend ni Paul and also his first love), si Trish (pinsan namin) at yung ibang classmates ni Paul.
At dahil nga wala pa akong tulog, tinulugan ko sila habang nabyahe. Hindi naman nila ako ginigising o wala naman silang ginagawang kalokohan para magising ako, sana nga.
Ansarap na ng tulog ko nang..
"Aahhh. Andi, anchakit. ><" May pumisil ng ilong ko. At sino pa bang gagawa nun kundi ang katabi kong si Andrea.
Hindi ko nalang ulit pinansin. Matutulog nalang ulit ako. Z.Z
"Wake up princess. We're here."
-.- -.O -.- O.- -.- O.O
"Oh. Bat para kang nakakita ng mumu jan?! Oh baka naman masyado kang nagulantang sa kagwapuhan ko?! *smirk*"
"Mas masahol pa sa mumu nakita ko."
Joke lang yun, eh mala-anghel nga sa katunayan eh. Err. At ayun nga, pagmulat ko nakasandal ako sa balikat ni KC. So ibig sabihin siya yung pumisil sa ilong ko? Waaaa. Sa balikat ba niya ako natulog buong byahe? Eh? Pero di ba nasa kabilang sasakyan sila??? And guess what, kami nalang yung nandito sa van. Whuuut. Nakakahiya ka naman Bree. -///-
"Tsss. Mas masahol sa mumu ka jan! Pagkatapos mong gawing sandalan yung balikat ko? tulo laway pa. eeww"
Err. As if naman noh! pero waaaa. ancute niya ^///^ para siyang batang namaktol nung sinabi na yun. Pweh. Ano ba yang iniisip ko.
"Pasensya. Tsaka tulo laway? H.LL NO!" inismidan ko nga. hihi
"Psh. ikaw pa nagtataray jan." sabay kurot niya ng pisngi ko, pero di naman yung sobrang diin.
"Asan nga pala sila?" Change topic na nga. para maka-alis na rin dito. baka mamaya mabalita pa na 'ISANG GWAPONG NILALANG NA-RAPE NG DYOSA SA ISANG VAN'. wahahaha poor KC. XD
"Nandun na sa loob. Baka nga nags-swimming na eh." Ayweh? Bat nandito pa kami? Malamang kakagising mo lang kaya Bree. -__-
"Eh bat nandito ka pa? Tsaka bat di niyo agad ako ginising?"
"Oy. Para sabihin ko sayo, kanina ka pa namin ginigising. Nakainom ka ata ng isang bote ng sleeping pills eh, tulog mantika ka. At kung di ko pa pinisil yang ilong mo, baka nakabalik na sa manila tulog ka pa. tsk"
Nahiya naman ako sa sinabi niya.
"Oh! Salamat sa pagpisil ng ilong ko kaya nagising ako bago pa makabalik sa manila. *fake smile*" Sarcastic na sabi ko. Akala ko nun magagalit siya at sisigawan ako okaya naman magwo-walk out at mage-evaporate somewhere pero hindi...
he smiled. A genuine and sweet smile. waaaa. naa-attract ako sa kanya. Pero DUH. AKO ANG FOUNDER NG SAMAHAN NG MGA SINGLE SINCE BIRTH 'TIL DEATH, AT WALA PA AKONG BALAK MAG-RESIGN. :DD
"Sure princess. Tara na, baka hinihintay na nila tayo." at mas lalo kong ikinagulantang ang sunod niyang ginawa.
He kissed the tip of my nose at lumabas na siya ng van, leaving me dumbfounded.
~Day 1~
After naming magbreakfast eh nagsipag-tulugan ang mga kasama ko, at dahil nga natulog ako habang nabyahe eh mulat na mulat ako ngayon. 8:30am palang. Hindi mainit dito kaya napagpasyahan kong maggala muna.
"Sunrise Resort and Golf Club." bulong ko sa sarili ko.
Naglilibot-libot ako ngayon sa resort nila Paul. Sobrang laki at andaming nagalang fafabol, I mean mga turista yung iba foreigner. Exclusive ang lugar na 'to kaya im pretty sure mga rich kids ang nandito.
Hindi ito ang first time kong makapunta dito. Actually madalas, kasi maraming business meetings si dad na dito ang venue.
Memorable din sakin ang place na to dahil dito ako unang nakapanood ng fashion show ni mom, yun ang nag encourage sakin to engaged in fashion industry.-- i really love it ^.^
Wala pa pala akong nasasabi about sa family background ko. h'm Let me share some.
Im the eldest child of Mr. Sergio and Ms. Nel Basuel. I have a younger sister, she's Alexsa. I used to call her Lexie. She's 10 years young.
Ang dad ko, CEO ng The Well Goup of Companies, next in line to be the president. Ang grandparents ko ang may-ari ng kompanyang yun.
Pero wala akong balak sumunod sa yapak nila, maybe Lexie. As Ive said awhile ago, fashion ang gusto ko mana sa mommy eh, unlike my sis kay dad nagmana.
Ang mom ko ay isang kilalang fashion designer. She dressed alot of artists and high personalities. Even hollywood stars. She owned a well-known botique.
And me, at my young age is starting to make my name in fashion industry. Im also good in doing make-ups and prosthetics.
So yan and onting details about me and my family. You'll now more further. wag excited ha? kidding. ;))
Well back to reality na.
Andaming nagbago dito sa resort. Sa paglalakad ko, may nahagilap akong mini park or should I say playground. At dahil pagod na rin ako, naupo muna ako sa may swing doon.
>>End of Chapter 2<<
Maikli ba ulit? Or korni? Or kulang sa kilig moments? hoho comment lang kayo, daliiiii ^^
I am pleased to know your feedbacks about sa starting ng story.
Continue reading fellas :** :))
~isang maikling kwento ng author~
Hiii. May ich-chika lang ako senyo. hihi watta term XD
Nung una ko pong tinype ang chapter2 sa notepad, matiwasay ko naman po itong natapos pero may in-edit lang ako tapos *booom* nawala yung tinype ko.
waaaa. nakaka-iyak diba? kahit sa mga projects natin nangyayari yun diba? at sobrang nakaka-depressed. kasi uulitin mo na naman yung lahat ng tinype moooo TT3TT
pero buti may sapi ang author at naitype ulit ang chapter2 and *tadaaa* ayan nabasa niyo na. sana na-appreciate niyo ang chapter na ito dahil doble ang pasakit nito sa akin.
osya sige na, e-exit na ako. hoho byieeee.
