Paalala : Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga salita na di angkop sa bata. At kung di mo alam ang larong basketball wag mo nang basahin ito.Enjoy reading . . . .
.
.
.
.
.
" tenorio sumalaksak sa loob nagreverse layup kaBoOoommmm may kasama pang foul!!!! " ani ng commentator sa telebisyon
Nanunuod ang magkapatid na Luis at Alfred , kapwa sila mahilig sa larong basketball. At sila ngayon ay nagtaralo sa pinapanuod nilang palabas , anu pa kundi ang Pba, basketball na naman.
" hindi na kayang habulin ng baklang gaynebra mo ang alaska ko !! Hahahahaha " sabi ni alfred.
" ulol mo kita mo may oras pa yan kaya pa yan never say die kAmi !!! " galit na usal ni Luis.
" hahaha kahit makahabol pa yan di uubra yan kay abueva tigasin yata to " sabay pakita ng matipunong katawan ni alfred.
" Bobo ! Tignan na lng ntn " usal ni luis na umaasa pang mahahabol ng idolong koponan ang lamang ng kalaban.
Palaging ganito ang sitwasyon ng magkapatid, asaran at pikunan pero kung pagdating sa court nagiiba ang timpla nila walang makaubra.
Dito magsisimula ang laro ng buhay ni luis hindi lamang ang laro nakataya kung hindi pati ang Puso..
.
.
.
.
.
.
Chapter 1 : Ang simula
Si Luis karaniwang binatilyo, lumaki sa masasabi nating middle life hindi mayaman at hindi din naman mahirap basta middle yun na yun. Siya ay 19 years old pangalawa sa 4 na magkakapatid. Si alfred ang panganay nasa 20, si mae nasa 15 at ang bunso si ella nasa 10 taong gulang. Sila ay mapalad dahil sila ay may mabubuting magulang na sina sonny at leah na palaging gumagabay sa kanila, kahit na may kalokohang taglay ang magkakapatid.
"Alex gising naaaahhh " usal ni leah
Alas 7 na ng umaga at lunes, sabay sabay silang kakain dahil bakasyon ngayon at malayo pa ang pasukan.
" Wow sayap naman ng ulam hotdog yiee" bulol na sabi ng bunso na si ella.
" Anu ba yan bunso nabubulol ka na naman hahaha " usal ni mae sa kapatid
" ohh siya tama na yan at kumain na kayo gayahin niyo mga kuya niyo tahimik lang sa pagkain ng almusal " sabi ni leah sa mga anak.
" eh mga patay guton sina kuya eh mukang may mga lakad na naman yang mga yan kaya nagmamadaling kumain haha" usal ni mae.
" nagsalita ang di baboy hahaha " sabi ni luis.
" che!! Whatever !! " galit na sabi ni mae
At nagtawanan ang lahat at masayang kumain. At nang matapos na sila biglang tumayo si alfred.
" Ma punta ako sa court lalaro lang kami nina billy at mark " sabi alfred sa ina
" Oh siya sige balik ka ng tanghali ha ? Sabay sabay tayong kakain"
" Ma ako din sama ako kay alfred ! " sabay tayong bungad ni luis sa ina
". Hayy o sige umalis na nga kayo mabubuwisit lang ako "
" haha loveyou ma hahaha " oi baboy di ka pa tapos diyan haha " pabirong sabi ni luis sa kapatid
" leche ka kuya matalo sana kau hmmpp!!! " galit na sabi ni mae
At umalis na ang magkapatid. Habang naglalakad di maiwasang mag asaran ang magkapatid.
" sana nandun si isay para ganahan ako maglaro hahaha " sabi ni luis. Si isay o yasi ang matagal ng girlfriend ni luis. Mga 3 taon na silang magkasintahan simula 4th year sila sa highschool.
" nakuu asa ka naman tol wala yun dun! Anu gagawin niya sa court mag isip ka nga! Isip isip din pag may time bro! " giit ni alfred sa kapatid.
" ehh paki mo malay mo nandun !! " giit ni luis sa kapatid at sila ay nakarating na sa court ng barangay nila sa sitiong bola.
" maglaro na nga lang tayo ! Tignan mo yung mga unggo naglalaro na hahaha" giit ni alfred sa kapatid at sila ay dahan dahang nakalapit sa kanilang tropa sina billy at mark kay alfred at chris , dirk , at empoy naman kay luis. Masaya silang nagbatian dahil magkakakilala naman sila.
" Oii mga tol may dayo dito sa kabilang barangay hinahanap kayo, lalabanan yata kayo " giit ni billy kay alfred at luis.
" aba dumayo pa talaga dito ha! Sino ba mga mayayabang na yan! " pagmamayabang ni alfred
Biglang may lumapit sa kanila mga limang lalake ung dalawa matatangkad tantya na nasa 5'11 ang height at malalaki ang katawan habang ang dalawa nasa 5'8 at ung isa 5'5 ang tangkad at payat.
" OO !! boy kami ang dumayo dito at aalisin namin ang yabang niyong magkapatid.! " pagbabanta ng pinakamalaki sa kanila at leader na si bruno.
" lakas mo din maghamon baka umuwi kayong luhaan diyan haha " pagyayabang ni luis
" makikita natin " tipid na sagot ni gary ang pinakamaliit sa grupo.
At nagsimula ang laro, halfcourt game lang ang laban nila para mabilis na resulta.Tatluhan ang laban , sina Luis , alfred at billy ang magkakakampi at sa kabilang panig ang katunggali nila ay sina bruno, gary at isang kasama na katamtaman lang ang tangkad na nasa 5'8 si tonyo.
" kung sino ang unang makapuntos ng labing dalawa ay siya ang panalo " aniya ng tambay na kinuhang reperi.
Nag toss coin upang malaman kung kanino ang bola at napunta ito sa grupo nina luis.Si gary ang may bantay kay luis na hamak na mas maliit habang si bruno ay kay alfred na mas lamang sa laki at tangkad.Hawak ni luis ang bola ,nagdidribol biglang pumihit sa kanan . . . Nakalusot kay gary pagpasok sa loob sabay sumalubong si bruno nakataas ang mga kamay . . dali daling pinasa ni luis ang bola kay alfred na libre sa ilalim ng basket para sa isang libreng undergoal stab . . . . .
. . . . . . . .
" PLAAAAKKKKKK " pagtama ng bola sa board at nakuha ni bruno ang bola
Nagulat ang lahat sa di inaasahan nabutata ni gary si alfred.Hindi akalain na mahahabol pa at sa taas ng talon ng katunggali.
" ayos ba boyy " pangaasar ni gary
"sus tsamba lang yan " sabay talikod
" haha makikita natin " sabi ni gary
At nagsimula ang laro na kay gary ang bola ng dribol sa kaliwa . . . tumalon . . sumabay si luis . . pero huli na dahil quick release ang ginawa ng kalaban . . pasokkk sa basket . .hiyawan ang mga nanunuod . .
" 1-0 " aniya ng repering pulpol
"tsamba lang yan,sa susunod di mo na magagawa yan " pangaalaska ni luis sa kalaban
" talaga lang ha patunayan nio " balik tugon ni gary
At nagpatuloy ang laro . kinalabaw ni bruno ang ilalim . . nakailang bagsak si alfred . . . samantalang si luis naman ay hinihingal na di niya akalain na parang naglaro na siya ng fullcourt sa nararamdaman niya , sa pagod na nakuha sa katunggali na si gary sa bilis at liksi at lakas ng katawan.7-1 ang iskor pabor sa kalaban nina luis di nila alam ang gagawin.
Habang sa kalagitnaan ng laro ay may matang nagmamasid sino kaya ang taong ito? kaaway kaya o kakampi ?
BINABASA MO ANG
"Laro ng Puso "(ongoing)
Teen FictionSi luis ay pangkaraniwang binata,gwapo ,magaling maglaro ng basketball pero paano kung dumating sa puntong ang laro na kanyang kinahihiligan ay siyang magdidikta pala para sa puso niya . .