Same

730 13 4
                                    

A/N: Lagi..

Maine's POV

"HAPPY BIRTHDAY MENG AND ALDEEEEN!" Bati ng kaibigan namin.

Oo. Sabay kami ng birthday. Sabay din ng oras. Pero, magkaibang nanay ha.

"Salamat guys!" Sabay naming sabi ni Alden.

"Ayieeee!" Asar nila.

"Mga baliw." Sabay ulit na sabi namin ni Alden. Kaya nagkatinginan kami.

"Ayieee! Sabay ulit!" Asar ulit nila.

Napailing nalang ako at kumuha ng foods na dala nila.

"Aba. Sabay ulit." Sabi nila.

**

"Meng/Deng." Sabay naming tawag ni Alden sa isa't isa.

Napatawa naman kami. "Ikaw muna." Sabay naming sabi.

Natawa ulit kami.

"Lagi nalang tayong pareho ha." Sabi ko. Tinignan ko yung damit niya. Pati sapatos niya. "Pareho pa din tayo. Matinde."

"Hindi naman lahat e. May kulang pa nga e."

"Ha? Ano namang kulang? Pareho na nga tayo sa lahat e."

"Hindi ngaaa..~" Sabi niya. "..may kulang pa. Sa huli mo."

Sa huli ko?

"Ha? Anong..sa huli ko?" Tanong ko.

Anong meron sa huli ko?

"..Sa huli ng pangalan mo." Sabi ni Alden. Napakamot pa siya ng ulo.

"Sa huli ng pangalan ko? Oh, Mendoza? Sa'yo Richards..oh magkai...ba.." Sabi ko.

Napatahimik naman ako ng magets ko ang sinabi niya.

Nilagay niya yung kamay niya sa batok niya.

"Diba..hindi magkapareho?" Sabi niya pa.

-----

Ang corny ko putspa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shots [AlDub]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon