Chapter 13 >>>> Banyo

61K 1.2K 47
  • Dedicated kay rooftop
                                    

MJ's POV

Baog na baog na ako dito sa condo, tinext ko kanina si Andrea sabi niya maaga daw siya uuwi pero anong oras na wala pa rin siya. Tinry ko siyang tawagan pero nakapatay phone niya. Tatayo na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan at niluwa nun si Andrea

"Bat ngayon ka lang? Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya. 

"Chineck ko lang yung mga furnitures na idedeliver bukas sa Cebu" Sabi nya tapos hapung-hapo siyang umupo sa tabi ko

"Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya

"Hindi pa nga eh ikaw ba?" Sabi naman niya

"Hindi pa rin, inaantay kita eh" Sabi ko lang tapos nagpadeliver na lang kami ng Chinese food, wala pang 30 minutes eh dumating na agad yung pagkain.

"Ako na diyan, magpahinga ka na lang" Sabi ko sa kanya nung akmang nililigpit niya yung mga pinagkainan namin. After ko magligpit at maghugas ng mga plato sinilip ko si Andrea sa kwarto niya nakita kong himbing na himbing siya sa pagtulog, nilapitan ko siya at inayos yung kumot niya tapos hinalikan ko siy sa noo. Lumabas na din ako at dumiretso na sa kwarto ko para matulog na din

Alas singko pa lang ng umaga gising nako, nagjogging muna ako tapos nagluto ng almusal namin pagbalik ko. Nagpahinga muna ako tapos pumunta ako sa kwarto ko para maligo

ANDREA's POV

Seducing My Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon