Chapter 1: Meet the Team

54 3 0
                                    

Note: courtesy kay purpleyhan sa pagmention ng story nya dito.

Karen's POV

Ako si Karen. Pangarap kong maging isang sikat na detective tulad ng mga paborito ko. Sherlock Holmes, Detective Conan at Tantei High.

Grabeng implowensya ang nagawa nila para pangarapin kong maging detective. At sa tingin ko matutupad ko na ang pangarap ko.

Nandito ako sa harap ng police headquarter ng Grimsborough. Sikat ang mga nagtatrabaho dito dahil magagaling silang detective. Sapagkakaalam ko marami na silang nalulutas na kaso.

"Hoy Jones! Ibalik mo yang cellphone ko!" Papasok palang ako bumungad agad sa akin ang dalawang lalakeng naghahabulan.

"Palaro lang sabi eh."

"Wala ngang laro sabi yan eh.!"

"Tumigil nga kayong dalawa. May kliyente ata tayo oh." awat sa kanila ng kadarating lang na lalake. Ang gwapo nya huh. Ang tangkad pa. At dahil magkatabi lng kami, napatingin tuloy yung dalawang naghahabulan sa direksyon ko.

"Sinong pinatay?" sabay nilang tanong sa akin.

"Ahh... Wala. Ako si Karen. Ako yung..."

"Ikaw yung bagong recrute." sabat nong lalakeng bagong dating.

"Ahh... Oo." sagot ko nalang. Ang lapit nya sa akin. Nakakahiya naman.

"Wow! Maybago pala tayong kasama? Welcome. Ako nga pala si Jones. Ang pinaka gwapo dito." sya yung nang agaw ng celphone.

"Asa! Ako si Alex. Ang pinakamagaling na technician dito." inabot nya ang kamay nya sa akin. Nung iabot ko na sana ang aking kamay ko, sumabat agad si Jones.

"Ikaw lng naman talaga ang technician dito kaya hindi ka pinakamagaling."

"Aba't..." at nag habulan ulit sila.

"Pagpasensyahan mo na ang dalawang yun. Ang kulit lng." yung bagong dating.

"Ayos lang..." Ngumiti nalang ako. Nakakahiya naman. Hindi ko pa alam ang pangalan nya.

"Ayy.. Ako nga pala si Samuel King. Ang hari dito." ngumiti pa sya. Ang kyut nya ngumiti.

"ASA!" sabay na sigaw nina Jones at Alex.

"hahaha... Head lng naman ako dito." nakitawa narin ako sa kanila.

"Oh... Ang saya nyo ata ah." may bagong dating ulit. At ngumunguya pa sya ng pagkain habang sinasabi yun.

"Ui Ramirez, pahingi naman nyan." si Jones na balak ring agawin ang mga pagkaing dala nung bagong dating.

"Oh? Bagong kliyente?" tanong nya ng nakaturo sa akin.

"Hindi. Bagong kasamahan. Si Karen." sabi ni Samuel na umakbay pa sa akin. Nagulat tuloy ako. Pero ang bango nya huh. "Karen si Ramirez."

Nagtaka naman ako. "Yun ang pangalan nya?" hindi ko namalayan na nasabi ko napala yung nasa isip ko.

"Hindi. Apelyedo nya yun. Yun kasi ang gusto nyang itawag namin sa kanya eh." sagot ni Samuel.

"Ayaw ko kasing tinatawag ako sa pangalan ko. Nagmumukha akong matanda." patuloy ni Ramirez. "Kaya Ramirez narin ang itawag mo sa akin."

"Ano bang pangalan mo?"

"EDWARDO!" sabay na sabi nina Jones at Alex at tumawa pa. Nagulat ako kasi kumasa ng baril si Ramirez.

"Alex, takbo na tayo." si Jones. At nag habulan nga sila.

Nakakatakot namang galitin si Ramirez. Pero itong si Samuel, tumatawa lang.

CRIMINAL CASEWhere stories live. Discover now