Karen's POV
Nag babasa ako ng mga files ng mga kaso sa Grimsborough. Ang pinakamalaking kaso na tinutugis ng team ngayon matukoy ang leader ng gang na "Viper". Isang organisadong gang na gumagamit at nagbebenta ng droga dahil sa tumataas na drug rate dito.
"Hoy Alex! Tirhan mo naman ako ng Piattos!" Si Jones.
As usual, naghahabulan nanamsn sila ni Alex. Habang si Ramirez, walang pakealam nanaglilinis ng kanyang baril sa gilid. Ang lovebird naman may sariling mundo at naglalambingan.
Kami lang ata ng mahal kong si Samuel ang seryoso sa ginagawa namin eh. Ang landi ko rin eh noh. XD
-KRINGGGGG KRINGGGG-
Napahinto agad kami sa aming ginagawa nang may tumawag. Si Samuel na ang sumagot dahil sya naman ang malapit.
"Mukhang seryoso ata si Sam. May kliyente kaya?" Si Jones ang nag tanong.
"Guys, tayo na! May pinatay daw sa isang warehouse." Sabi ni Sam matapos ang tawag.
Lumabas na nga kami.
"Teka, tayong lahat ang aalis?" Ako.
"Syempre. Isang team tayo. Dapat sama-sama." Sabi ng mahal kong si Sam at inakbayan pa ako. Pinpakilig naman ako ng mahal ko eh. >.<
"Gusto rin naming makita ang crime scene no." Si Jones.
"Sang warehouse raw?" Si Ramirez. Sya ang nagdrive ng sasakyan namin.
"Kay Mr. Colleti. Isang butcher."
-------------
Nang makarating kami sa crime scene, bumungad agad sa amin ang masangsang na amoy ng dugo ng mga kinatay na baboy.
"Officer!" Bungad ng lalakeng medyo may matabaan nakafit na yellow ang t-shirt. Ito sigiro ang may-ari. "Nandito po ang bilktima!" Tinuro nya ang......
BABAENG NAKASABIT NA KATABI NG MGA BABOY!
Kawawang babae. Nakaunderware lang at puno ng dugo.
"Buuuaaag!!" Si Jones na tumakbo sa trashbin.
"Jones, wag mong sukahan!Nanjan ang murder weapon.!" Si Alex.
"Pasensya na. Hindi sya kinuha. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin." Si Mr. Colleti.
Habang pinapanood nila na binababa ni Ramirez at ng dalawang pulis ang babae, nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng warehouse. Napansin ko ang isang footprint na binalot ng dugo sa gilid ni Mr. Colleti. Kasing size ng paa nya.
"Ayos lang. Alam mo ba ang pangalan ng biktima?" Si Sam.
"Jennifer Carter. Kakilala sya ng anak ko. Ang katunayan, ang anak ko ang nakakita sa biktima. Sandali, tatawagin ko."
Sinadya kong ihulug ang panyo ko eksakto sa footprint.
"Ay! Karen, bat mo hinulog?" Si Grace habang pinupulot ang panyo ko. Nilagay nya sa isang plastic ito. "Nadumihan tuloy."
"Ayos lang. Lalabhan ko nlng." Sabi ko at kinuha ang plastic.
Nang maibaba ang kawawang biktima, dinala agad sya sa sasakyan.
"Nathan, mauna na kayo ni Grace sa headquarter. I-autopsy nyo agad si Jennifer." Si Sam.
"Sige. dadalhin ko narin tong satingin natin ay murder weapon." Isang yong malaking kutsilyong pakatay ng baboy.
"Para namang ginawang baboy ang kawawang babaeng into." Si Grace ang nagkomento habang papalabas sila.
"Ahh.. Grace. Paki sabay naman nito. Paki analyze narin kung match ang dugo sa biktima." Binigay ko kay Grace ang plastic na nilagyan ko ng panyo ko.
"Officer! Eto na po ang anak ko si Trish." papalapit sa amin si Mr. Colleti kasama ang isang babaeng naka yellow blouse.
Favorite color ata ng mag amang to ang yellow. :)
Kahit kasi apron ni Mr. Colleti ay yellow rin."Papa naman. Diba sabi ko ayokong padistorbo sa kwarto ko. May trauma pa ako nung nakita ko si Jennifer."
"Anak naman kaylangan kasi nila ng impormasyon kung sino ang may gawa nun kay Jennifer."
Maganda ang anak ni Mr. Colleti. Slim ang katawan. Ang kaso nga lng. Maypaka laki ang paa nito.
"Wala na dapat tayong pakealam sa kanya noh.! Mabuti nga nangyari sa kanya yun. Malandi kasi. She's a whore.!"
"Mas lalong kaylangan ka namin iinterogate. May motibo ka para patayin si Jennifer." Si Jones ang sumabat sa usapan ng mag ama. "Sa warehouse nyo pinatay ang biktima. Natural na kayo ang primary suspects."
"Ofcourse not! Hindi ko gusto ang babaeng yun. Pero wala akong motibo para patayin sya." Si Trish.
"Anak, kaylangan lng nating makipag cooperate sa kanila para mapatunayan nating inosente tayo. Lalo pat sa warehouse natin nangyari to. Alam mo bang pwedeng maapektohan ang negosyo natin sa nangyari." Paliwanag ng ama.
"Hmmp! Ano bang gusto nyong malaman?" Si Trish.
"Anong size ng paa mo?" Unconsciously na tanong ko sa kanya.
Biglang sumama ang tingin nya sa akin.
"Iniinsulto mo ba ako?" Galit na tanong ni Trish.
"Pasenaya na. Nacurious lng naman ako." Kaylangan ko lng rin kasi ng information.
Sahalip na sagutin ang tanong ko, medyo lumayo pa sya sa akin.
"Pag pasensyahan mo na ang anak ko huh. Ayaw lng talaga nyang pinapansin ang paa nya. Sa lahat kasi ng minana nya sa akin. Pinakaayaw nya na parehas kami ng size ng paa." Paliwanag ni Mr. Colleti. "10ft. Size ng paa namin."
"Mr. Colleti. May iba pa ba kayong kasamahan dito sa warehouse?" Si Sam.
"Oo. Si Raphael Soza. Apprentice ko sya. Nakatira sya sa Cooperville."
"Kung ganoon, kaylangan din natin syang ma interogate." Si Jones. "Ano pang hinihintay nyo? Tayo na" Nauna na si Jones lumabas ng warehouse.
"Sige ho. Mr. Colleti, ang mga pulis na muna ang mag babantay sa warehouse nyo. Mag iiwan din ako ng kasama ko para ma check ang buong warehouse at makahanap ng clue." Paalam ni Sam.
"Puntahan nyo rin ang ina ni Jennifer. Si Vannesa Carter."
"Salamat ho."
Nang makalabas na kami,
"HUH! Nakalanghap rin ng sariwang hangin." Si Jones na naparang nag eexersice kasi nag iinhale exhale pa.
"Lul ka Jones. Polluted na ang hangin sa mundo." Si Alex.
Nag simula nanaman sila. -.-
"Hindi ka pwedeng umalis dito Jones, sasamahan mo si Ramirez mag bantay dito."
"Sam?! Si Alex nalng. Ayoko dito noh. Nakakasuka. Tsaka. Kilala ko ang mayor ng Cooperville. Mas madali kung kami ni Karen ang kakausap kay Raphael Soza." Inakbayan pa ako ni Jones.
Haay Jones, nangdamay ka pa. Kung sabagay, putlang putla na rin si sya. Baka nahimatay pa sya kung magtatagal dito. Hahaha
"O sige. Alex, Ramirez. Kayo muna dito. Ako na ang pupunta kay Mrs. Carter." Sam.Lumawak naman ang ngiti ni Jones. "Hali ka na Karen."
Ano pa nga bang magagawa ko eh, hilahila na nya ako.
-------------------------------------------------------
1st case.
clue: cellphone--------------------------------------------------------
YOU ARE READING
CRIMINAL CASE
AdventureDahil naadik ako sa paglalaro ng criminal case, sinubukan kong gawan ng sarili kong story. Note: courtesy to the maker of the game