MAIN CHARACTERS:
Joshua Segistro (Artist, 21yo)
Andrea Morales (Lower Class, 19yo, Boyish)
Robert Montero (Kaibigan ni Andrea hanggang sa paglaki, 19yo)
Shirley Solomon (Kaibigan ni Joshua hanggang sa paglaki, 21yo)
1st Chapter
Nagsimula ang lahat nung mga bata palang sila ……
Si Joshua ay 9 years old at si Andrea naman ay 7 years old.
Galing sila pareho sa pamilyang may kaya sa buhay.
Magkapitbahay lang si Joshua at Andrea, may mga kaibigan silang iba na sila Robert at Shirley.
Masaya ang magbabarkada, dahil lagi silang magkakalaro.
Bata man nating ituring sila pero si Andrea ay may pagtingin kay Joshua,
Ganun din si Shirley,
Si Robert naman ay may pagtingin kay Andrea ...
Isang araw naglalaro silang apat sa PLAYGROUND .. habang nasa SLIDES si ANDREA naaksidente itong nahulog at nagkasugat.
Agad namang lumapit si Robert kay Andrea at sinabing
ROBERT: Shirley sabihin mo sa magulang ni Andrea yung nangyari
SHIRLEY: Sige! (agad na umalis)
ROBERT: Ikaw naman Joshua, tulungan mo kong buhatin si Andrea!
ANDREA: Huwag na, kaya ko na ito, nasugatan lang ako.
JOSHUA: Huwag ka nang magreklamo halika na iuuwi ka na namin.
Nang maiuwi na si Andrea sa bahay, Sabi nang nanay ni Andrea na umuwi na sila para makapagpahinga.
Umuwi na si Robert and Shirly at ayaw umuwi ni Joshua.
NANAY NI ANDREA: Oh? Bakit hindi ka pa umuuwi.
JOSHUA: Ok na po ba si Andrea?
NANAY NI ANDREA: OO! Ok na siya, kaya huwag ka nang mag-alala
JOSHUA: Pwede ko po ba siya makausap?
NANAY NI ANDREA: Bukas na lang
JOSHUA: Hindi po pwede eh!
NANAY NI ANDREA: Bakit naman?
JOSHUA: Kasi po bukas aalis na kami, isasama na daw po ako ni Daddy sa States.
NANAY NI ANDREA: Ganun ba? Di bale ako na lang ang magsasabi, nagpapahinga na kasi si Andrea eh.
JOSHUA: Hmm.. sige po! Salamat.
KINABUKASAN!
Pumunta si Joshua sa bahay ni Robert at Shirley upang makapagpaalam sa kanyang mga kalaro.
Nalungkot ang dalawa dahil mawawalan na sila nang isang kaibigan,
SHIRLEY: Kailan ka babalik?
JOSHUA: Hindi ko alam eh, doon na kasi ako pag-aaralin ng Daddy ko!
SHIRLEY: Huwag mo kaming kakalimutan ah!
JOSHUA: Oo naman kayo pa!
SHIRLEY: Hintayin mo ko dun sasabihin ko kay Mommy punta din ako ng states!
JOSHUA: Talaga? Sana payagan ka para naman kahit papaano may kasama ako doon.
Pinuntahan ni SHIRLEY ang mga magulang niya at sinabing gusto niya rin daw mag-aral sa states, dahil may kaya naman sila pumayag ang mga magulang nito.