Chapter 6: The Lost Son

1.5K 50 11
                                    

-0O0O0-

Aelvin Cruz

Nang nalaman ko mula kay Tyrone ang nangyari kay Felix ay agad kong tinungo ang opisina ni Prof. Mendez. Buti na lang at nakita ni Tyrone si Felix na nakahandusay sa may kalsada, walang malay, duguan kasama ng isa pang istudyate na mistulang pinipigilan ang pag-dugrugo ng kanyang mga sugat. Di niya kilala kung sino ang studyanteng iyon pero base sa suot niya ay taga Archi. department ito.

Habang papunta ako sa opisina ni Prof. Mendez ay tinawagan ko rin si Anton, mejo nag hihinala na kasi ako na si Felix ang anak ni Anton kay Serina. Di naman kasi ginusto kahit kanino sa kanila ang magka-anak kaya nag desisyon si Serina na iiwan ang bata sa isang ampunan na malapit daw sa kanilang probinsya. Simula nang nalaman iyon ni Anton ay iyon agad ang kanyang unang ginawa ni di na nga niya nabibigyan pa ng pansin ang sarili niyang buhay noon dahil sa pag hahanap sa bata hanggang sa nawalan na siya ng pag-asa na mahahanap pa niya ito. Ang tanging katibayan lang niya ay ang kapirasong papel na iniwan ni serina sa kanya na nagsasabi ng "patawarin mo ako anton kung di ko agad sayo sinabi ang tingkol sa bata, alam ko kasing ayaw mo rin sa bata pero di ko kasi talaga kayang kumitil ng buhay ng isang batang walang kinalaman sa ating naging kasalanan. Iniwan ko ang bata sa isang ampunan na malapit dito sa amin. Muli akong humihingi ng tawad sa nagawa ko... Serina De Guzman" 3 araw mula nang matanggap naming ang sulat na iyon ni serina ay agad naming sinuyod ang lahat ng ampunan na malapit sa kanilang probinsya, pero bigo kami dahil sa wala kaming kahit na anu mang bagay na pwede naming masabi para sa pagkakakilan-lan ng bata. Umabot ng 5 taon ang paghahanap namin sa bata pero lagi kaming nabibigo. Nawalan na lang ng pag-asa si Anton at ako na lang ang nagpapatuloy sa paghahanap sa bata hanggang ngayon. Kung tama ang pagkaka-alam ko ay kasing edad na siya ngayon ni Felix.

Nang nakilala ko si Felix ay para akong nabuhayan ng loob tungkol sa paghahanap sa nawawalang anak ni Anton, kasi sa tuwing tinititigan ko sa mata si Felix ay parang si Anton din ang kaharap ko dahil sa Metal Grey niyang mata. Palihim kong inimbistigahan ang lahat ng bagay tungkol ay Felix at una kong tinanong doon ay si Prof. Mendez, ang alam ko ay para na rin kasing anak ang turing niya dito tulad ng pag trato niya sa aming magbabarkada noon.

Hanggang ngayon ay di ko pa tapos ang aking pag iimbistega sa katauhan ni Felix pero unti-unti ko nang nabubuo ang puzzle. Ang tanging kailangan ko na lang ngayon ay ang katibayan na magpapatunay na si Anton nga ang ama ni Felix.

Noong una ay pina-alam ko pa kay Anton ang tungkol sa bagay na ito pero sa halip na matuwa siya ay nagalit pa siya sa akin at pinagsabihan pa akong itigil ko na daw ang paghahanap sa isang tao na kalian man ay di na naming mahahanap pa.

oO0-Memory Flashback-0Oo

"beh... may sasabihin ako sayo.." ang panimula kong sabi sa kanya, sabay yakap sa kanyang leeg mula sa likod.

"hmm.. anu yun... bat parang may gusto kananamang gawing kakaiba ha?" ang naging sagot niya habang patuloy parin sa pagbabasa ng dyaryo .

"beh... ang tunkol kasi ito sa anak mo.... may bagong clue akong nakuha kung saan siya mahahanap at kung anu ang posbileng pangalan niya..." ang diretcho kong sabi sa kanya, di parin ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya dahil sa alam kong wala siyang magagawa pag nasa ganito kaming ayos. Di siya basta-basta magkakapag react.

"ohh.. ayan nanaman... diba ang sabi ko sayo tigilan mo na ang paghahanap sa taong ayaw magpahanap... beh... kung merong dapat gumawa niyan eh ako yun dahil ako ang ama, pero beh naman... 20 taon na simula nang iniwan siya sa ampunan, sa tingin mo ba eh nasa-ampunan pa yun... kaya please beh.. huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo... please.. itigil mo nay an.... ako na nakiki-usap sayo.... masasaktan lang kasi ako pag nalaman kong napapabayaan mo na sarili mo dahil diyan... kaya please... Itigil mo na yan" ang sunod-sunod niyang sabi at paki-usap sa akin, alam ko kahit na halos magpakumbaba na ang kanyang mga boses ay ma bahid parin ito ng pagkainis dahil sa ilang beses na naming itong pinagtalunan.

HILING (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon