Tahan Na.

35 0 0
                                    

This story is inspired by the song Wag Ka Ng Umiyak by sugarfree. 

****

"Shh. Tahan na, he's not worth it." yan ang mga katagang inuulit-ulit ko sa tuwing napapadaan ako sa playground. Sa duyan, doon ko sya palaging nakikitang umiiyak. Umupo ako sa duyan na malapit sa kinauupuan nya.

Tumitig lang sya sakin at biglang nagtanong, "Sino ka ba? Ba't lagi ka nalang sumasaba't sa tuwing umiiyak ako? Sinusundan mo ba ako? Wala akong pera." ang ganda nya talaga, kahit umiiyak. Sinong gago kaya ang nagpapaiyak sa mga anghel na katulad nya?

"Ako si Dante. Hindi kita sinusundan at mas lalong hindi ako magnanakaw." Nagtagpo ang mga mata namin. Nagtitigan, bago sya muling nagtanong.

"Ba't kailangan mo pang sumabat? Tsaka ano bang pakealam mo kung umiiyak ako?" kumunot ang noo nya.

"Wala lang, di kasi bagay sa mga katulad mo yung umiyak. Dapat sa'yo laging nakangiti." nginitian ko sya, ngumiti rin sya pero pilit.

"Ba't pag umiiyak ako dito sa playground e, bigla bigla ka nalang susulpot?" andami namang tanong neto. "Dito kasi ako tumatambay kapag masama ang loob ko o pag badtrip ako. Malay ko ba kung nagkataon na sabay tayong mabadtrip lagi." nawala ang nakakunot nyang noo at bumalik ang lungkot na bumabalot sa kanya.

"Pwedeng ako naman ang magtanong? Anong pangalan mo?" dagdag ko. Ngayon lang kasi kami nagka-imikan sa dinamirami ng beses na nagkakatagpo kami sa duyan na kinauupuan namin ngayon.

"I'm Elle, by the way. Sorry if natarayan kita ha. Galit lang kasi talaga ako sa.. sa mga lalaki ngayon." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ha? Ba't, anong ginawa namin?" tanong ko.

"Napaka babaero nyo kasi. Di kayo marunong makuntento, akala nyo biro lang ang magmahal at masaktan kaya okay lang sa inyo kapag may nasasaktan kayong babae." sabi nya habang nakatingin dun sa litratong hawak nya.

"Miss, hindi naman porket nasaktan ka ng isang lalaki e ganon na kaming lahat. Sadyang sa maling lalaki kalang nagmahal kaya ka nasaktan." hindi sya sumagot. Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos kong sabihin yun. Nakarinig ako ng mahinang paghikbi mula sa kanya. Sht, baka masyado na akong straightforward. Tumayo ako agad at lumapit sa kanya. Mahina kong tinutulak yung duyan kung saan sya nakaupo. "Shh tahan na, Elle. Darating rin ang lalaking magmamahal sayo ng tunay, aalagaan ka, at higit sa lahat... hindi ka paluluhain." hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang syang niyakap galing sa likod. Pagkatapos nun ay kinuha ko na ang bag ko't naglakad paalis.

**

Wag ka ng umiyak

Sa mundong pabago-bago

Pag-ibig ko ay totoo

Ako ang iyong bangka

Kung magalit man ang alon

Ng panahon, sabay tayong aahon

**

Isang linggo na 'kong pabalik-balik sa lugar kung saan kami nagkakatagpo ni Elle at hindi ko pa din sya nakikita hanggang ngayon. Di ko alam pero, there's a part of me that wants to see and talk to her again... before I get married. Oo, ikakasal ako. Isang arranged marriage na matagal na palang pinag-planuhan nila mama't papa pero ngayon lang nila sinabi sa'kin. Wala naman akong magagawa dahil kailangan nilang gawin ito. Nalulugi na ang company namin and this marriage is the only option to save our company. Anak ng company-partner ni mama ang papakasalan ko. Ikakasal ako sa babaeng hindi ko naman kilala para lang sa pera.

Ramdam kong may pumatak na tubig sa balikat ko na naghuhudyat na may paparating na ulan. Di nagtagal, umulan ng napakalakas na para bang galit ang mga ulap ngayon. Basang basa na ang buong katawan ko pero hindi parin ako kumikibo. Hindi ako aalis, hihintayin kita. Naghintay ako ng matagal, pinagtitinginan na nga ako ng mga matatandang tao sa playground. Bakit ba nandito pa ako? Bat di nalang ako umalis? Bakit gustong gusto ko syang makita? "Mukhang di ko na talaga sya makikita ulit," sinabi ko sa sarili ko na may halong panghihinayang. Tatayo na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tahan Na (one shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon