Ako'y nakatingin sa maliwanag at kumikinang na araw. Kay gandang pagmasdan ang mga bulaklak sa hardin. Kay sarap ng simoy ng hangin. Kay gandang pagmasdan ang ibong lumilipad. Hay, kay sarap sa pakiramdam ang aking nakikita at nadarama. Ito ang pakiramdam ng isang masayang tao na nabubuhay sa mundo.
"Yan nga Lori Deocampo! Ipagpatuloy mo ang iyong pagiging isang masayahing tao" ito ang nasasabi ko sa sarili ko. Ako'y naglalakad patungo sa tindahan ni aling Cherry upang bumili ng shampoo at makapagligo na ako. Lakad ako ng lakad hanggang sa nakarating ako sa kanyang tindahan.
"Mr. Dj can I make a request? Pwede ba yung love song ko? Mr. Dj para sakin ito. Sana ay okay sayo?
Hihintayin ko na patugtugin mo, thank you uli sayo..."
At iyon ang una kong narinig sa munting radyo sa tindahan ni aling Cherry. May Sumagi bigla sa isip ko. "Sino kaya ang mag-aalaga at magmamahal sakin ng tunay? Ang ibibigay ba ng panginoon sakin ay sya na ba talaga? Sino kaya ang Mr. Dj ng buhay ko?" Yan bigla ang natanong ko sa sarili ko
"Aling cherry? Pabili." Habang ako'y naghihintay
"Oh! Lori! Naparito ka, may bibilhin ka ba?"
Mahanihanon nyang sagot.
"Opo aling Cherry. Pabili nga po ng shampoo." Mahinahon ko ring sagot sa kanya at ibinigay ko ang aking perang dala para pambayad sa aking mahalimuyak at mabangong shampoo.
"Oh, eto. Salamat!"
Magandang bati nya.
"oh sige aling Cherry alis na po ako."
"Oh sige! Ingat!"
At ako'y lumakad na pabalik sa munti naming bahay. Lakad ako ng lakad na nakayuko ng biglang may dumaan sa harapan ako. Ang bango nya. Ang gwapo. Ang kanyang mga labi ay kay pula. Ang puti ng kanyang balat. Kaso ang pumangit sa kanya ay ang kanyang nakasimangot na itsura. May problema yata to. Bigla syang bumaling sakin at bumalik ulit na parang may gustong hingin. At bigla akong napahinto sa kakalakad.
" Magandang umaga magandang binibini. Ako nga pala si Francis!Francis Lopez. Sino ang pangalan mo magandang binibini? Paumanhin po kung biglaan ang tanong ko sa inyo."
Maganda nyang sagot at tanong nya sakin. Ang kanyang boses ay kay lamig. Ang kanyang malungkot na itsura ay napalitan ng saya at matatamis na ngiti. At napakagalang nyang binata.
"Magandang umaga rin po señior. Ako nga po pala si Lori Deocampo. Ano po ba ang maiilingkod ko po sa inyo?"
Mahinahon ko ring sabat sa kanya sabay ngiti .
"Wala naman binibini. Nais ko lang naman magpakilala sa isang magandang dilag na kausap ko sa harapan ko. At wag mo na akong tawaging señior,parang matanda na ako kapag tinatawag ako ng ganyan,Francis nalang itawag mo sakin magandang binibini. "
Habang sya ngumingiti sa akin.
"O-oh sige F-Francis. Lori narin ang itawag mo sakin."sabi ko rin sa kanya
"Lori. Kay gandang pangalan, pareho sayong kagandahan na nakatingin ngayon sa aking harapan." Bola nya sakin. Kay sarap nyang kasama. Parang magkapareho sila ng itay kong namatay. Namatay sya sa cancer nung nakaraang taon. Kay sakit mawalan ng magulang, pero nangyari na talaga ang kanyang takdang oras para dun na tumira sa kaharian ng diyos.
"Hehe" tawa ko sa kanya.
"Saan ba ang bahay nyo? Hatid na kita Lori." Sabay ngiti nyang matatamis.
" Dun po." Sabay turo sa munting kubo na nababalutan ng mga masusustansyang halaman na nakatanim sa bakuran namin at ang mga bulaklak na mababango na kay sarap amuyin.
BINABASA MO ANG
Aldub in Tandem
Short StoryHay,harana, at pagasulat ng tula. Ito pa ay mga kapanahunan ng ating mga ina,lola,lolo,itay ng sumikat ang mga ito. Luma na at hindi na uso sa ating ngayon kapanahunan pero kung marealize mo kung yan din ang dinandaan na panligaw ng kasintahan mo,ha...