Michelle's POV
Days passed…hindi ko pa rin nasasabi kay James ang nararamdaman ko
Natatakot lang kasi ako mareject tsaka isa pa baka sabihin niya pang napakagwapo niya talagang lalaki kasi pati ako na inlove sa kanya…the worse is kung ipagkakalat niya pa sa school na nagtapat ang isang enemy niya sa kanya na may gusto siya dito…mahangin pa naman yung masyado….
So ano ang gagawin ko? Magtatapat ba ako o hindi?
“Aish!!!Ano ba!??” – sabi ko at ginulo ang buhok ko
“Ms. Alcantara…what’s the problem?” – tanong sa akin ng science teacher namin
“Ahmm…nothing sir…I’m sorry…” – sabi ko
“Okay class, so as I was saying…before I was RUDELY interrupted…blah…blah…blah…” – grabe si sir….talagang pinagdiinan yung rudely?
“So that’s only our lesson for today…see you tomorrow class and GOODBYE MS. ALCANTARA…” – sabi ni sir at nakipag-eye contact sa akin
“Ahmm…goodbye sir…” – pagkasabi ko nun lumabas na rin si sir
“Uy babae…ano tong sinasabi ni Ruth na may pinoproblema ka daw na lalaki?” – huling huli talaga palagi sa balita
“Ah oo meron nga..” – sabi ko
“So…sino ang lucky boy?” – sabi niya sa akin na parang kinikilig
“Si James…ahehehe…” – sabi ko sa kanya at tumawa pero halatang awkward
“WHAT!? Si JAMES!?” – sigaw ni Ros
“Bakit anong meron sa akin?” – nagulat kami pareho ni Ros ng biglang magsalita si James
“Ah…oo nga pala MJ nagtext sa akin si Ruth may pag-uusapan daw kaming importante maiwan na kita ha?” – sabi ni Ros at kumaripas na ng takbo
“Anyareh dun?” – tanong ni James sa akin
“E-Ewan ko…” – sabi ko at akmang aalis na sana ng hawakan ni James ang braso ko
“Uhmm…Michelle…pwede ba tayong mag-usap?” – tanong ni James habang nakayuko
“Ah…s-sorry ah…m-may gagawin pa kasi ako eh…” – aalis na sana ako ng hilahin ako ulit ni James
“Please?” – pagmamakaawa ni James
“S-saan ba tayo mag-uusap?” – tanong ko sa kanya
“Halika, sama ka sa akin…” – hinila ako ni James papunta sa school garden
Nang makarating kami run…ni isa sa amin walang nagsasalita…mga 15 minuto na yata ang nakalipas pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa kaya nagsalita na ako dahil masyado ng nakakabingi ang katahimikan…
“So…anong pag-uusapan natin?” – tanong ko
“Ahmm…kasi Michelle…ano…may itatapat sana ako sayo eh…” – sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin
Bigla kong nakaramdam ng kaba…hindi ko alam…pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya…
“A-ano yun, James?”- tanong ko
“Ano…kasi…n-nung una pa lang kasi kitang nakita nagkagusto na kaagad ako sayo…k-kaya madalas kitang iniinis dahil gusto kong palagi akong nasa tabi mo…hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa…sa tingin..ay hindi mahal na pala kita…araw, gabi ikaw palagi ang nasa isip ko..ano bang meron sayo na wala sa ibang babae?” – this time tumingin na siya sa akin
“James…” – wala akong masabi hindi ko akalain na ganun rin pala ang pagtingin sa akin ni James pero paano si Patricia?
“Mahal mo rin ba ako gaya ng pagmamahal ko sayo?” – tanong niya sa akin
“J-james…ano….k-kasi…” – di ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko
“Okay lang Michelle…” – ngumiti siya ng malungkot
“Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako…sapat ng nalaman mo na mahal kita…” – pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya…
Di talaga ako makapaniwala…may gusto na pala siya sa akin…nung magtransfer pa lang ako dito? Ba’t di ko napansin yun? Sasabihin ko ba na may gusto rin ako sa kanya? Kaya lang kapag sinabi ko naman may magbabago ba? Paano si Patricia? Ayoko namang masira yung friendship namin…baka sabihin niya pa kaya nakipagkaibigan ako sa kanya dahil may gusto pala ako kay James…hay ano ba ito…nakakakonsensiya na ah…
“Huy! Okay ka lang?” – tanong ni Ros
“Ah? Oo….yata?” – sabi ko
“Ang gulo mo! Problema?” – tanong niya
“Wala na, okay na” – ngumiti ako yung totoong ngiti…marunong kasi akong magtago ng feelings ko…
“Mabuti naman…anong sabi niya?” – tanong niya ulit
“Ahmm…na shock lang?” – sabi ko
“I don’t believe you…” – sabi niya at naningkit ang mga mata niya
“Ewan ko sayo…” – sabi ko na lang
1st UD ko yan ngayon ha
VOTE, COMMENT and be a FAN
BINABASA MO ANG
Gorgeous Girls VS. Hot Boys (Slow Update)
Teen FictionIto ay isang kuwento ng dalawang grupong pilit na nagpapatunay kung sino ang pinakamagaling sa kanila....Ngunit habang tumatagal, mukhang mas nagiging malapit na sila sa isa't-isa....Abangan natin ang mga pagbabagong mangyayari sa kanilang buhay....