Mica's POV
Paglabas ni Cassy ay halatang halata ang Panibagong tensyon ang nabubuo.
"Nakita mo na Charles! Nakita mo na ang natututunan ng anak natin sa babaeng yan." Sabi ni Auntie Peia.
"Tumigil ka na, Cassiopeia! Tama naman ang sinasabi ng anak natin. Bakit mo pa kasi ipapakasal yang sila Mica at Cassandra kila...." naputol ang sinasabi ni Uncle Charles dahil inihagis ni Auntie Peia ang Baso nya.
"Miya, yang anak mo! ay sobrang masamang ehemplo!!! Kung hindi dahil sa anak mo. Edi sana ang ganda pa ng ugali ng anak ko!! Ang tanga tanga mo kasing magpalaki ng anak. Kaya namatay ng...." di ko na pinatapos si Auntie Peia. Di ko na mapigilan.
"Reyna ka pa naman po! Tinitingala ka po nang buong mundo. Dahil sa taglay mo pong kabaitan at kagandahan! Tapos ganyan ka. Baka po nakakalimutan nyo? Kapatid nyo po ang nanay ko. At asawa kayo ng kapatid ng Tatay ko! Ibig pong sabihin, magkadugtong ang dugo natin! Wala ho kayong karapatan magdikta sa sasabihin at gagawim namin ni Cassy. Yes, Anak at Pamangkin nyo po kami. Pero hindi ibig sabihin may karapatan kayong diktahan ang bawat kilos at pangyayari o mang yayari sa buhay namin!" Pinipigilan na ko ni Mommy.
Masyado kasing takot si Mommy kay Auntie Peia. Pero ako hindi!
Nakita kong sobrang nanlilisik na ang mata ni Auntie Peia, As if I care. Yes, Auntie ko sya. Pero ang sabihan nya na TANGA ang Nanay ko!
Ibang usapan na yun. Tapos dinamay pa ang Tatay ko, na wala na sa mundo!
"Look! Ang ugali nya. Sobra pa sa mababang uri. Nakakahiya sya! Hindi sya dapat maging Prinsesa!! Isa lang syang kahihiyan sa....." nagulat ako ng sinampal ni Mommy si Auntie Peia.
"Lait laitin mo na ako Ate! Pero wag ang anak ko. Pumayag na nga ako sa plano mo na ipakasal sya sa gusto mong ipakasal sa kanya. Pero ang gantuhin ang anak ko! Hindi ako makakapayag. Tara na Mica!" hinila ako ni Mommy palabas ng mansyon nila Auntie Peia.
Pagkadating namin sa Mansyon namin.
*Pakkk!* sinampal ako ni Mommy.
"Kaya ka nasasabihan ng walang modo eh! Ganyan ang pinapakita mong ugali." Sabi ni Mommy habang umiiyak
"Yan! Mommy, Kaya ka nasasabihan ng masama ni Auntie Peia nang kung anu-ano! Dahil pumapayag ka." Sabi ko kay Momny.
"Micaella! Umakyat ka sa kwarto mo. Tama lang pala na pumayag ako sa kasunduan namin ng Auntie mo!" Naiiyak na ako sa mga sinasabi ni Mommy.
"ano pa nga ba magagawa ko? Kayo na nagsulat ng buhay namin!" sabi ko at tinalikuran si Mommy.
I hate this! Ayokong sinasagot si Mommy. But, Damn!
Ang ipakasal ako kung kanino! Di ko kaya yun.
Pagpasok ko sa kwarto ay humiga ako agad sa kama at umiyak ng umiyak.
Buong buhay namin, nilaan namin sa kanila! Tapos eto lang pala ang kahahantungan namin.
Umiyak ako ng umiyak! Hanggang sa wala na akong maiiyak. Natuyo na ata?!
Anong oras na ba? 10:30pm na. Ang tagal ko din palang umiyak!
Ano kayang gagawin namin?!
Nababasa ko sa Wattpad pag naka Arrange Marriage yung babae, sasama sya sa Boyfriend nya.
Tama, tatawagan ko boyfriend ko!! Kinuha ko yung phone at magddial na sana.
*Krooo! Krooo!*
Wala nga pala akong Boyfriend xD Hahahaha!
*TING!!!*
Wala nga akong BOYFRIEND.
Pero may GIRLFRIEND na pinsan Ko din!!! :)
----
Bad si Prinsesa Mica xD Go! Go! Go!!!!! :D
BINABASA MO ANG
The Two Missing Princesses
FanfictionFirst story ko po ito :) i hope you like it mga Bebe Ko. Kathang isip ko lang ang lahat dito ah. Kung may mabanggit man akong Pangyayari at Pangalan. Pakisisi sa Imahinasyon ko salamat! :)