Sa Likod ng Aking Maskara

283 2 9
                                    

Ikaw? Naranasan mo nabang magsuot ng maskara?

Mga maskarang kay ganda na naghahatid ng ligaya, may mga labi na naka ngiti, mga mata na nakatawa at may maaliwalas na aura.

Maskara man kung ituring pero ito ay nagging bahagi saakin, mula paggising hanggang pagdating saamin.

Pero ni sino man ay walang nag atubiling ako ay tanungin kung itong pagkataong pinapakita ay totoo pa ba sa iyong paningin.

Ang gusto ko lang tanungin ay kung may pakialam kaba saakin o sadyang kinaibigan lang para iyong gamitin.

Kaibigan! Isa ka sa mga dahilan kung bakit maskara'y di ko maiwan-iwan sapagkat ikaw ay itinuturing na yaman at ang taong pinaka-iingatan kaya ayaw kitang maapektohan sa aking mga nararamdaman na lungkot, pangungulila at hinagpis pero lahat ng ito ay iyong binalewala at tinapakan na parang ipis.

Bakit? Alam mo bang masakit tuwing ika'y lalapit na sobrang bait pero may hinihinging kapalit?

Hingin ko lang sana ika'y tumingin sa aking mga mata at iyong makita na sa likod ng aking maskara mga mata ko ay lumuluha at nagmamakaawa.

Pero ulo mo'y naging matigas at pagkakaibigan natin ay iyong winakas, ako'y nasaktan pero pinilit ding kalimutan ang ginawa mong pag-iwan, aking kaibigan.

Dumating ang panahon at ikaw ay humingi ng isa pang pagkakataon "Patawad, pero alam kong ikaw ay mabait at akoy pagbibigyan mo ulit", hindi ka parin pala nagbago, "Ako'y tao din nasasaktan at nahihirapan pero salamat sayo dahil ako ay may natutunan pero sa ngayon paalam muna kaibigan."

Sa ngayon aking mas pipiliin maging mapag-isa at kung magkaroon man ng kaibigan sisiguraduhin ko muna ako'y papahalagahan at yung di ako iiwan .

Dahil sa likod ng aking maskara ay mga tuyong mata at takot na parang bata.


Sa Likod ng Aking MaskaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon