I feel so lost. Kaya ko ba? Bakit...parang...hindi na? Ang sakit kasi, eh. Gusto ko na lang lunurin ang sakit pero mamamatay ba ito? Hindi naman 'di ba? Bakit naman kasi minahal kita? Bakit kasi ikaw? Kahit ganito ang sitwasyon, kahit kailan, hindi ko ito magawang pagsisihan dahil aminado akong naging masaya ako kahit panandalian lamang.
Nagsimula ang lahat dahil sa isang biro, isang sandali na akala ko, normal lang. "Ang cute mo kaya," sabi niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko, nakapagpapula ng mga pisngi ko at kahit pilit kong itago, lumilitaw pa rin ang ngiti sa mga labi ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na narinig ko ito pero iba nung siya ang nagsabi. Parang ang ganda ganda ko talaga.
Nung bago ko siya makilala, iniisip ko lang kung papaano matapos ang OJT ko. Hindi ko alam na, kahit ayokong aminin, gusto kong mapansin niya 'ko. Sa bawat biro niya, nagagawa niyang palundagin ang puso ko mula sa dibdib ko. Sa bawat ngiti niya, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Parang pang-PBB teens naman itong pakiramdam ko. Hindi naman siya ang una lalaking nagustuhan ko pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na parang nag-uumpisa palang akong umibig.
Sa t'wing magkikita kami sa station niya, lagi niya 'kong nginingitian. Minsan nga, naiisip ko, ilang babae na kaya ang naloko niya sa mga ngiti niyang iyan? Nasa trenta na siya kaya imposibleng wala pa siyang nabibiktima sa pakulo niyang iyan. Napaisip tuloy ako. May asawa't anak na kaya siya? Baka sa huli, masaktan lang ako dahil gagawin niya 'kong kerida.
Nagawang matapos ng training ko, hindi pa rin mawala ang nararamdaman ko. Hindi ko man inasahan pero inalok niya 'ko na tutulungan niya 'kong makapagtrabaho sa hotel. Natuwa naman ako dahil maganda naman ang naging experience ko nung training at hindi mawawala sa akin ang maisip na madalas kaming magkakaroon kami ng bonding time nang dahil dito. Iniisip ko rin kung gaano kahirap maghanap ng trabaho kaya tinanggap ko na rin ito.
Magpapasko noon. Sobrang excited ang lahat na maghanda para sa Christmas Party. Maging ako, sobrang excited dahil first time kong ma-experience ito kasama sila. Hindi lang naman siya ang ka-close ko dito dahil madali naman silang pakitunguhan at dahil shifting kami rito, magagawa mo talagang maka-close halos lahat ng staff dito. Nagkaroon nga ako ng bestfriend dito, eh. Siya ang nakakaalam ng nararamdaman ko para kay Mico.
"Sir Mico, darating po ba kayo sa Christmas party natin?" rinig kong tanong ni Julian, isa sa mga staff. Senior ko siya pero dahil sanay na rin ako sa hindi pagtawag sa kanya ng 'sir', hindi ko na ginagawa.
"Hindi, eh. May lakad kami ng asawa't anak ko," sagot niya at halos hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. May asawa't anak siya? Bakit hindi niya sinabi? Bakit ang sweet niya sa 'kin? Pinapaasa lang ba niya 'ko? Nung maabsorb ko na lahat, tumakbo ako papuntang banyo at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Ilang beses kong sinabihan ang sarili ko sa harap ng salamin na hindi ako pwedeng umiyak. Ano na lang ang isasagot ko kung may magtatanong kung napa'no ako? Sasabihin ko bang, ngayon lang nagsink in sa utak ko kung gaano ako katanga?
Pinili kong lumayo. Alam ko kasing mali na magmahal ako ng isang taong nakatali na sa iba. Bakit kasi, kung kailan hulog na hulog na 'ko sa kanya, dun ko pa nalaman? Bakit hindi na lang nung oras na natutuwa pa lang ako sa mga kalokohan niya? Bakit hindi na lang nung hindi ko makita kung saan banda ang kagwapuhan niya at hindi ngayon na parang siya na ang pinakagwapong lalaki sa paningin ko? Sana una palang, nalaman ko na para hindi na lang ako umasa at nahulog sa kanya ng tuluyan.
Kaya lang, kahit anong gawin kong pag-iwas, wala rin. Lagi rin kaming nagkikita dahil hindi naman niya alam kung ano'ng nalaman ko tungkol sa kanya. Pinayuhan na rin ako ng bestfriend ko na 'wag ng lumapit pa sa kanya, na kung magkikita kami, ngitian ko na lang siya. Tapos. Pero, ako 'tong matigas ang ulo, eh. Hindi ko magawang tuluyang lumayo sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/50365976-288-k985052.jpg)