//2//

1.2K 31 9
                                    



Nakapangalumbaba ko silang tinitignan habang halos mangiyak-iyak sila sa pagtawa.


"HAHAHA"


'Tss. Nak ng. Bakit ba nakwento ko pa?'


"Si Paolo? Na-snob? Woah. Woah. Woah." Sabi ni Moca, isa ko pang barkada. Myembro ng banda, bass guitarist/second vocalist.


'Wala na. Di na ko titigilan ng mga ugok.'


"HAHA Transferee pa, take note mga utol." Dagdag pa ni Kimbies. Dahilan para mas tumawa pa sila. Sya ang drummer ng banda.


'Tss. See?'


"Gugulo nyo. Uwian na mga boy!" Tumayo na ko at kinuha na ang bag kong walang laman kundi ballpen at isang notebook. Nagsimula na din ako maglakad palabas ng room. Wala na kasing ibang tao sa room kundi kame.


"Anong uwian? Boy, may practice pa tayo." Rinig kong sabi ni Geofrey. Naramdaman ko din ang pag-akbay nito.


'Oo, tama kayo ng iniisip. Member din ng band si Geo. Guitarist din yan. Di lang halata.'


Alam kong nakasunod na ang dalawa pang ugok dahil naririnig ko pa ang pagtawa nila.


'Tss.'


"Oo na." tipid kong sagot


'Nakakabadtrip talaga.'


"Pikon mo boy!" anito sabay suntok sa braso ko.


'Aw!'


"Hindi ako pikon." Sabi ko sabay suntok sa braso nito.


I made sure na mas malakas ang suntok ko kesa sa kanya.


"Aray! Sakit nun ah." Nakangusong sabi nito habang hawak-hawak ang braso nya. Hinayaan nya akong maglakad mag-isa para makasabay nya sila Moca at Kimbies.


"Problema nun?" rinig kong tanong ni Moca. Hindi ko na lang inintindi pero alam ko na kung anu-ano na naman ang sinasabi ni Geofrey sa dalawa.


'Nawala na ko sa mood magpractice.'


Naisip kong tumakas sa practice. Tatakbo na sana ako nung may marinig akong tumawag saken.


"Pao!" anito kaya naman tumigil ako.


"Hey Lea." Bati ko sa kanya nung makalapit ito sa akin.


'ang ganda nya talaga.'

Let's break up (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon