Your Forever...

197 15 10
                                    

And I thought your forever is different.

--

Second year pa lang tayo crush na kita. Ako yung laging nasa gym tuwing may practice kang basketball. Pigil na pigil nga ako sa pagsigaw sa tuwing makaka-shoot ka ng bola sa ring. Ako yung tipong makita ka lang, lumulundag na ang puso ko. Masaya na ko. 

Dumating pa nga sa punto na sumali ako sa cheering club. Sa tingin ko kasi yun na lang ang tanging paraan para makita kita ng mas malapit. Siguro para mapansin mo din ako.

Who would have thought that my plan will be successful? Alam mo yung time na parehas tayong  nasa gym? We're both practicing for the upcoming intramurals. You with your jersey and I with my cheering uniform. Napagalitan pa nga ako ng instructor dahil hindi ako nagco-concentrate sa practice. Pa'no hindi ko akalaing makikita kita ng malapitan. 

Gustong-gusto kitang lapitan ng mga oras na 'yon. Kamustahin ka.. at kausapin ng mga bagay-bagay. Kaya lang parang ang odd tignan kung babae ang lumalapit. 

Pauwi na ko nun... nagpalit na 'ko ng damit, inayos ko na din ang mga gamit ko nang marinig ko ang boses mo sa may locker room. You were shouting. May kung anong p'wersa ang tumutulak sakin para puntahan ka. 

And then I saw you.. with your cellphone on your left ear and a blue towel on your right shoulder. You were shirtless. And in that very moment, I hear my heart throbbing on my chest. Buti na lang, tayong dalawa lang ang nasa loob ng locker room.

Nakatingin lang ako sa'yo na para bang kinakabisado ang iyong mukha. You ended the call... and when you're about to take off your shorts, the mineral water slipped on my right hand which immediately made noise. 

Humarap ka sa side ko, nanlaki ang mga singkit mong mata.

"S-sorry.. A-akala ko lang k-kasi may kaaway ka." I managed to uttered while stammering.

You just flashed that smie and you stared at me. Those deep eyes met mine... you're melting me.

Bago pa man ako mapaluhod sa kinatatayuan ko, nagpaalam na ko sayo. Tumalikod na ko at akmang aalis.

"Wait!" 

My feet promptly nailed on the ground and my ears twitched. Nakatalikod pa din ako sayo.. at narinig ko ang mga tunog ng 'yong mga paa habang papalapit sa'kin. 

Lalo pang bumibilis ang tibok ng aking puso.. 'di ko akalaing makakaharap kita ng ganoong kalapit. I just hope you won't hear my heart as it palpitates.

"Rommel" sabi mo habang nakangiti at inilahad mo ang iyong kanang kamay.

"Me-anne" We shook hands and electricity disseminated throughout my body. 

---

Third year came. Siguro nga tadhana na ang naglapit sa'tin. Biruin mong naging classmate kita? To think na mas matalino ka sa akin. Pero sinabi ng aking kaibigan na napapabayaan mo na daw ang pag-aaral mo.

Unti-unti ko na ding nalalaman ang mga ugali mo. You're kind. You even volunteered to be a temporary president when no one raised their hands. 

Palabiro ka din. Pero minsan masungit. Still, my feelings for you grew deeper. 

Third grading. Sobrang swerte ko nun.. pa'no naging seatmate kita kahit na random ang seating arrangement. Since then, we became closer. You shared your most embarassing moment. You help me when our teachers surprisingly call me. We tease each other.. I call you 'payatot' when obviously you're not maybe because you call me 'tabachoy'.

You even invited me to watch your practice. 

At dahil sa lahat ng 'yon, nawala ang hiya ko sayo. 

Fourth grading was the most memorable. You confessed your feelings to me in front of our classmates. You kneeled with one foot and handed me a bouquet of roses. I remember how mushy you are and how you're face turned red. I won't deny, even my face was also reddish as yours. Thereafter, you asked that easiest question. Kung tutuusin p'wede na kitang sagutin nang mga oras na 'yon, pero pinili kong magpakipot at mas kilalanin pa natin ang isa't isa.

--

Graduation came.. and that's the time we graduated as a highschool student and my simple like for you also graduated. That was the time I've decided to love you, the time when I oficially labelled you as my boyfriend and I as your girlfriend. 

"I love you." I blissfully said to you.

"I love you too.. always and forever." You replied and then you kissed my cheeks. 

Since then, I'm the happiest and the luckiest person on Earth.

--

We were still together on college. We both enrolled on the same university. You joined the varsity team. Too bad, there's no cheering club anymore, pero palagi pa din akong nanonood sa 'yo tuwing may practice ka. Ang saya-saya natin. I just hope it (love)  will last forever. 

Little did I know that you were slowly drifting apart from me.. from our relationship. May mga pagkakataon na hindi mo ko pinapanood ng practice mo, ang dahilan mo hindi ka nakakapagconcentrate. Itetext mo lang ako, pero hindi na yung ordinaryong tatawagan mo pa ko na minsan umaabot pa ng dalawang oras. 

Na-miss ko din yung asaran natin. Pero sa tuwing inaasar kita na 'payatot' , nagagalit ka. Siguro nga nao-offend ka. Hindi ko na din alam kung ano ang nararamdamanan ko sa tuwing titingin ako sa mga mata mo. 

But, I still love you.

Kaya nga sobra ang tuwa ko nung sinabi mo na sa June 14 which is our third monthsary, na magkita tayo at sabi mo aayusin natin ang relasyon natin. Hindi nga ako nakatulog the night before 14 eh. Iniisip ko kasi na may dala ka ulit na bulaklak, tapos pupunta tayo ng park, magmo-mall, manonood ng movie, kakain... o kung hindi man ganun okay lang sa'kin basta magkasama tayo.

Hindi nga ako nagkamali, sinundo mo ko sa bahay at may dala kang bouquet of roses. Ang gwapo mong tignan sa blue polo mo. Kahit ano naman atang isuot mo gwapo ka pa din.

Nagpunta tayo sa Star City. Halos lahat na ata ng rides nasakyan natin maliban na lang sa Star Flyer na kahit anong pilit mo sa'kin bigo ka pa din. 

Then we went to our favourite park. We sat on the grass. 

You glanced at me and that was the time I figured out that there's sadness behind those eyes. I held your hand and you squeezed mine.

Nanatiili akong tahimik ng mga oras na 'yon. Alam kong may gusto kang sabihin.

You heavily sighed before words started to come out from your mouth. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot, parang biglang bumigat ang pakiramdam ko.

"Me-anne, yung binigay kong bulaklak sa'yo kanina.., last na 'yon." 

Diretso lang ang tingin ko nun. Ni-sulyapan ka hindi ko magawa. Naramdaman ko din ang paghigpit ng hawak mo sa kamay ko. Unti-unti na ding lumalabo ang paningin ko.

"I'm sorry. Let's break up... I already have someone else." 

Tears started to fall from my eyes. 

You loosen your grip from my hand and you eventually let it go. 

----

Isang taon na ang nakakalipas, pero masakit pa din para sa'kin na makita kayong magkasama. Magtatawanan. Magkahawak kamay. Tuwing nakikita ko kayo, pawang kasiyahan ang nakapinta sa iyong mukha. 

Minsan nga napapaisip ako; ganyan ka din ba kasaya nung naging tayo? 

Your aura seems so different compare to those times when you're with me.

Minahal mo ba talaga ako?

Sana hindi mo na lang ako niligawan. Sana nung sinagot kita, nakipag-break ka agad. Hindi sana ako nahulog ng mas malalim sa'yo. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.

Is this how you define your 'FOREVER'?

--------------------------------------------------------x

Road To Love (One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon