The Captivity Of Third Herera
Prologue~
"Taas ang kamay!" Napapitlag ako sa kinauupuan ko.
"Third Herera, inaaresto ka namin sa salang pagpatay sa iyong Ina." at itinapat niya sa mukha ko ang isang papel.
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo. Wala akong Ina!" sigaw ko.
"Sa prisinto ka magpaliwanag!" at ipinosas nila ako sa likod.
Agad na nagtagis ang galit sa puso't isip ko.
Paano niya ako nagagawang guluhin kahit patay na siya, Sinira niya ang buhay ko dati, pati ba naman ngayon?!
Napatingin ako sa likod ko para lang makita na umiiyak siya.
"Third." Banggit niya sa pangalan ko. Parang binasag ang puso ko sa sakit na naramdaman ko.
Nakita ko ang mga luha sa kaniyang pisngi.
Napayuko na lang ako. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa kaniya na nakikita akong ganito.
Nanlabo ang mata ko sa mga luha ko. Ni-hindi ko magawang punasan dahil nakagapos ako. Napakalaki kong tanga. Isang masamang tao. Hindi ako karapat dapat sa babaeng ito.
Bakit? Bakit ako pinapahirapan ng ganito?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~