Copyright 2013 © KiraRY
- - -
Sabi nila wag na daw ako magdala ng maraming notebook pero heto ako dala padin ng dala. BAKIT. Bakit nga ba? Dito ko lang kasi naisusulat lahat ng damdamin ko. Lahat ng hindi ko mai-share sa mga kaibigan, kapatid at lalo na sa parents ko. Bakit din nga ba madaming notebook ang dadalhin ko kung ang pinagsusulat ko lang naman ang mga damdamin ko? Isa lang ang dahilan. Sa sobrang dami ng hindi ko maikwento sa kanila kulang pa ang mga isang daang notebook. OA diba? Pero yun ang totoo. Hahaha. Ako nga pala si Axel. Axel Mendoza. Isang babaeng walang ginawa kundi magsulat at tumahimik. Isa din naman akong sikat sa school namin pero hindi dahil sa bitch, maarte at kung anu-ano pang negative na pwede mong sabihin sa isang babae, kundi dahil ako ay isang friendly. Tama. Palakaibigan ako pero syempre namimili parin ako ng mga kakaibiganin ko. Sa ngayon, tatlo lang ang lagi kong kasama pero di parin ako yung laging share ng share ng mga sikreto. Sabi nga nila “Lahat tayo ay may sikretong sarili lang natin ang nakakaalam.” Naniniwala ako dyan. Malamang, nabasa nyo naman diba?
“ Hoy Axel! Tulaley ka na naman diyan? Ikaw di na talaga nags-share sa amin ah! “ Si Vince. Pero Veronica ang gusto nyang itawag namin sakanya. Arte diba? Pinakamagulo sa aming tatlo pero mapagkakatiwalaan. Kung iniisip nyong bakla sya.. Hindi kayo nagkakamali.
“ H-ha? Wala. Ano ulit pinag-uusapan nyo? “
“ Ano bayan Xel. Utak mo po? Sabi namin baka matunaw na si Cedric, kanina ka pa nakatingin dyan oh! Ay wait—naka-titig pala! Ikaw aaaaah! Yieeeeeeeh~ “ Si Aira. Isa naming kaibigan. Ganun rin, magulo pero di naman kagaya ni Vince—Veronica. Magaling rin pala ‘to mang-asar. Di ba halata?
“ Ai Ai! Hahahahahaha! Wag mo ng asarin si Axel. Baka mainis na naman sayo. Ikaw din kawawa. Hahahahaha! Peace lang Xel. Love you atey! “
“ H-hindi naman ah! Mga pauso nyo. Anong oras na ba? Tara balik na tayo sa room. “
“ Maya na. Titigan mo muna si Cedric. Yieeeh~ Buti nalang dito tayo pumwesto kitang kita nya si fafa Cedric nya, bwiset sa room ang layo ng agwat. HAHAHA. Titigan mo muna ah? Eto na pagkakataon mo Xelxel namin ni Verver :”> “ Haaaaaaay nako. Si RaRa (Aira, pang-asar lang sakanya ang AiAi) kung anu-ano pinag-sasabi.. pero totoo naman di ko lang talaga inaamin. Mwahaha.
“ Ah. Okay? Bahala kayo. Punta muna ko sa locker’s room. May kukunin lang ako. “ Tumayo na ako pagkatapos kong sabihin ‘yon. Narinig ko pa nga si VerVer na sinabi “Susundan nyo si fafa Cedric. Yieh. HAHAHA!” pero di ko nalang pinansin.. pero pumunta sya don? Hay ano ba Axel! Wag kang papahahata okay?
“ ASDFGHJKL. NASAAN NA BA YUNG NOTEBOOK KO?! “ Naiiyak na ako promise! IMPORTANTE YUN. ASDFGHJKLQWWERTYUIOPZXCVBNM!!!!!
“ A-ah.. A-axel? E-eto ba y-yung hinahanap m-mo..? “ H-ha? Bakit parang familiar yung boses? … Pag lingon ko.. Tama.. Siya nga..
“ A-ay! T-thankyou! M-may n-nabasa ka b-ba? “ AXEL AXEL AXEL! WAG KA PAPAHALATA. SASABUNUTAN KITA!!!! Sasabunutan sarili? Ay. Kaloka yata yun.
“ W-wala ah. Sige, alis na ko.. “ Si Cedric nga yon. Hahaha. Buti na lang di nya nabasa.
“ Uy girl! Bakit ang tagal mo? “ Nandito na nga pala kami sa room. Walang teacher pero nakakatamad lumabas kaya sari-sarili kaming kwentuhan ng mga kaklase ko. Feeling ko nga hindi na ako mapakali simula ‘nung nangyari kanina eh. “ UY! AXEL! TULALEY NA LANG FOREVER TE?! “
“ Ha? W-wala. Natagalan lang hanapin yung notebook kaya ganon. “ NAKAKAHIYA! Ang daming tumingin! Pati sila Cedric napatingin samin.. WAAAAAAAAAAAAAH. Nahihiya ako :(
“ Ingay mo Vince! “
“ Sinong Vince?! AI AI KA TALAGA! “
Ayan na naman po sila, nag-aasaran mamaya magiging sweet na naman pagkatapos mag away tapos asaran na naman. Hay nakooooooo—bat biglang lumabas mga barkada ni Cedric at sya…? San kaya yon pupunta? Nuba Xel! Wala kang pakielam. Malay mo pupunta lang palang CR? Yuck! Ew.
“ Bakit ba walang teacher?! 5 hours na tayong naghihintay oh! 2 hours na lang uwian na oh. Bwiset! “ Sino ba naming hindi maiinis diba?! Ang sakit na ng pwet ko kanina pang nakaupo!
“ Chillax lang XelXel namin. Ayaw mo nun? “ Si VerVer at RaRa. Ganda ng mga pangalan naming no? Triplets lang kami. Aweweweh :”>
“ Aish! “
“ Tara. Canteen na lang tayo. “ RaRa
Habang naglalakad kami ang daming nakatingin sa amin… sa akin? Tapos nag-bubulungan. Bahala na nga sila.
* STUDENTS, PLEASE PROCEED TO THE SCHOOL GYMNASIUM RIGHT NOW. AGAIN, STUDENTS PLEASE PROCEED TO THE SCHOOL GYMNASIUM RIGHT NOW. *
“ Leggo babeeeeeeeh~ “ Sabay hila sakin nila VerVer at RaRa. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang.. WOW. WOW. WOW. Ang dami ng tao.. pero bakit? Bakit kami pinapupunta dito? Alam ko naman walang activity ah. Okay, bahala na nga. Sa dami nga ng tao dun kami sa pinaka-harap pumunta. Ewan. Dami na naka-upo sa likod eh.
“ Ehem. Ehem. “ C-cedric? “ U-uh. H-hi? Sorry sa istorbo pero kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para umamin sa taong espesyal sa akin, ang taong nagpatibok ng puso ko, sa taong mahal ko. “
“ Yiehhhhhh! “
“ Hindi ka na torpe tol! Pa-party ka naman! “
“ Swerte naman ng girl! “
Yan. Yan yung kadalasang maririnig mo sa gym.. Pero bakit ang sakit..? Nuba Axel! Malamang mahal mo eh, kaya ka masasaktan. MASAYA KA DAPAT. Dapat..
“ A-axel? “
“ H-ha? “
“ Makinig ka muna sa akin ah? Wag kang magsasalita hanggang hindi pa ako tapos. U-uh.. Mahal kita. Nakakabigla diba? Pero eto yung nararamdaman ko eh, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko din alam kung kailan nagsimula. Pero alam mo ba yung nabasa ko yung notebook mo? Ang saya ko. Wala nang mas hihigit sa saya ko. Yung malaman kong mahal mo rin pala ako? Pwede na akong mamatay.. pero naisip kong baka maagaw ka sa akin ng iba kaya umamin na lang ako. Haha. Pero eto lang naman tanong ko eh.. Pwede ba kitang maging WAKO? Yung maging asaWAKO? “
“ Naks tol! “
“ Hindi na talaga torpe! HAHAHA! “
“ Ang sweet! “
“ Sana ganyan rin yung love story ko~ Waaaaaah~ “
Sa dami kong naririnig.. HINDI PARIN AKO MAKAPANIWALA LIKE ASDFGHJKLQWERTYUIOPZXCVBNM DUUUUUUH!!!!!!!!!!!!!!!! MYGHAD. OMG OMG OMG. TOTOO BA TO?!?!?!! I’m so kinikilig :””””””””> (Kelan pa to naging maarte? -_- XD)
“ H-hahahaha! Asawa agad? Hindi ba pwedeng girlfriend muna? Joke lang! Manligaw ka muna uy, ano ka chiks?! “
Nagtawanan naman yung mga tao sa Gym pero napangiti si Cedric. Hahaha. Ang pogi nya. :')
At yung nakasulat sa notebook ko? Sa amin na lang ni Cedric yun. Hihihihi ♥
THE END