I'm Officially Missing.. My Cellphone? [one shot]

629 24 17
                                    

*RIIIIIIIING*

"You may now take your lunch."

Lahat ng nasa room ay nagdiwang at nagsaya. 

Well. Lunch time na eh.

Laging ganyan dito sa section namin.

"Toricaaaaaaaa!!!!"

Hingal na hingal si Tiffany na lumapit sakin.

"Oh? Bakit? May riot?"

"Hindi....wala.... Tara kain na tayo." Yan si Sunny. Saksakan ng kulit. Akala mo grade 1. To think na we're already junior, she doesn't act like one.

"Sus akala ko naman kung ano na. Sige."

Bumaba na kami sa canteen.

"Hanap ka muna ng table. Bibili pa ako eh."

"Sige sige."

May baon naman kasi yun si Sunny, gusto lang laging nasa canteen. Inaabangan crush niya.

Si Kuya Luke. Member ng banda na Zee Chasers. Yung bandang nagchampion sa battle of the bands nung freshmen palang sila. 

Nung nakuha ko na yung binili ko. Pinuntahan ko na kagad si Sunny.

"Tagal mo." pambungad niya sakin

"Ba eh malamang naman ang haba ng pila."

"Ang gwapo niya talaga..." Tumalikod ako para tingnan kung sino yung sinasabi ni Sunny na gwapo.

Oo nga gwapo talaga sila. Ang ganda pa ng dalawa nilang members na babae.

Napatingin ako kay Kuya Kit. Member din ng bandang Zee Chasers.

Lagi akong napapatingin sa kanya. Sino ba naman hindi? Eh pula buhok niya. Nakakaagaw atensyon. =_=

 Tsaka ang gwapo eh. Hahaha. 

Maraming nagsisilapitan sakanila pag nakikita sila. Well.. Sikat eh. Though yung iba naman hindi na nakikigulo. Dahil sanay nang schoolmate namin sila.

"Tara na Sunny. Baka andun na si Ma'am Cruz."

Bumalik sa mundo si Sunny at dali-daling inubos yung natitirang pagkain sa baunan niya.

Nung tumayo na kame....

"OH-EM-GEE. Tori palapit sila satin. lalapit sila satin. Oh shep oh shep oh shep."

Nag ayos si Sunny ng buhok..

Ngumiti si Kuya Luke. Nako... Masama yang ngiti na yan.

Tumabi sakin si Sunny.

"Miss...Pwede ba mahingi number mo?"

Nakatulala lang si Sunny..

"Victorique Jung? Ms. Junior?" Nginitian niya ako.

Binigay niya sakin yung cellphone niya para ilagay ko number ko.

Tumingin ako kay Sunny... She looks very disappointed.

"Ahh.. Eh... Kuya.. Yung kanya nalang. Wala akong sim."

Inabot ko kay Sunny yung cellphone ni Kuya Luke.

Dahan dahan akong nagninja moves.

Nakatingin parin ako sakanila para tingnan kung anong nangyayare...

I'm Officially Missing.. My Cellphone? [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon