Her POV
"BETTY FAYE." Tawag ako ng best friend ko. At ang serious niya ah? Eh? Hindi bagay sa kanya. Hahaha.
"What's with the face, Mary?" Sabi ko sa kanya na natatawa at naiiling.
"Hmp. Sige tawa pa. Seryosong usapan 'to noh! Hindi man lang napansin." Sabi ni Mary na naka- pout pa.
"Oy! 'Wag ka ngang mag- pout. Hindi bagay sa'yo! Hahaha. And for your information hindi bagay sa'yo ang seryoso." At talaga namang nag- pout pa lalo. Tsk tsk. Don't get me wrong, ganito lang talaga kami ni Mary. Nag- aasaran or nag- tatarayan. Ganyan kami magmahalan. Bumalik ulit ako sa pagbabasa ng libro. Si Mary kasi eh, istorbo.
"Ewan ko sa'yo! Nakakatampo ka na nga eh tapos ganyan ka pa. Sige kayo na mag- best friend ng libro mo." Napaangat ako ng tingin at kilay sa sinabi niya.
"Huh? At ano naman ang ginawa ko sa'yo? Hmm? 'Di ka pa nasanay sa akin na mahilig magbasa ng libro." I love reading books, fiction stories especially.
"Hay. Nerd ka talaga! Mali, bookworm pala. Ay pareho lang yata yun ah? Ewan!" Nerd? Ah yes? No? I don't know. I do have an eyeglass pero walang grado. I just use it for protection. My eyes easily irritate sa pollution ng Pilipinas. I also have braces. So can you call me a nerd? I think so. But I don't dress like one. Masyado ng modern ang mundo para sa ganun.
I am not the usual, hiding myself in front of many people and stammers when talking to them. OA na 'pag nangyari 'yun. E 'di sana nagtago na lang ako sa lugar na walang tao. At walang mangyayari sa akin kapag anti- social life ako. Sayang laway kung hindi gagamitin. Hahaha. And especially I'm not the attention of bullies out there. Subukan lang nila akong i- bully I will love to return the favor from them in a nice but karma way.
"Anyway, anong ginawa mo? Well, hindi mo man lang sinabihan na magka- partner kayo ni Kevin sa project niyo." Dagdag pa niya.
"Eh ano naman sa'yo? Teka. 'Wag mong sabihinng crush mo rin 'yon? 'Wag ganun best friend."
"Baliw! Sa iyo na siya noh! Alam ko naman na mahal mo 'yun. Ang gusto kong sabihin sa'yo eh kapag naging friends or lovers na kayo ni Kevin dahil sa project niyo eh 'di may pag- asa pala ako sa best friend 'nun! Ikaw kasi eh! Kung sinabi mo sa akin ng maaga eh 'di nasabihan kita ng mga plans ko kung paano kami magtatagpo ni John syempre through you and Kevin. Hihihi."
"Alam mo 'wag mo nang pangarapin na magiging friends kami ni Kevin. Malabo. Lalo na ang maging lovers."
"Why best friend, why? Hello! Abot kamay mo na oh! Konting kembot na lang, friends na kayo. Tapos konting gamit ng charms at mga five tumbling kayo na! Tapos 'pag nangyari 'yun, tulungan niyo naman ako kay John my loves."
"Alam mo masyadong hambog 'yung lalaking 'yun at higit sa lahat tamad! Nakakainis! Dapat kahapon pa namin tapos ang brainstorming pero wala eh. Tapos nandito ako ngayon, nganga sa mini park ng school." Sabi ko ng nakasimangot.
"Eh ano ba kasing nangyari? 'Di ba one week lang ang binigay para sa project na 'yan? Kami nga sinimulan agad namin kahapon pagkabigay. Buti na lang may idea na ako sa project namin kahit absent ngayon 'yung partner ko dahil may emergency lang daw sa kanila. Bukas na namin sisimulan. Eh kayo mukhang wala pa kayong nagagawa ah. Sige ka, kayo din ang mahihirapan."
"Aish! Talagang mahihirapan! Bwiset. Mas inuna pa ang basketball kaysa sa project na 'to! Sarap ingudngod sa bola ang mukha!"
"Hahaha. 'Wag sayang mukha! Hahaha."
Flashback:
"Okay. Since malapit na ang one hundred year ng university na ito, we decided to have a fair. Each course will be given different tasks. Ang napunta sa inyo ay ang food stall. Ang mga stall ay may iba't ibang pagkain. Magbibigay ako ng categories ng mga gagawin niyong pagkain. Dapat maraming stocks, okay? May mga pupuntang ibang universities dito. By partners ang paggawa ng project na ito. Ang arrangement ay by class number." Mahabang litanya ng professor namin.
BINABASA MO ANG
The Project and the Rain.
Teen FictionBakit siya pa? Naiinis ako sa kanya. At sana pareho kami ng nararamdaman.