Chapter 3

36 0 0
                                    

"Baby are you ready?..."

"Baby?... Let's go?"

"Anak!? Cheska! Do you hear me??" nagulat ako sa sigaw ni mama. Kanina pa ata nya ako tinatawag. Di ko namalayan nandito na pala kami sa harap ng simbahan. Kanina pa din siguro lumilipad ang utak ko. Wala palang nagsasalita samin along the way.

"Ah! Yes mom!?" gulat kong sabi.

"We're here na anak. Tara na? " sagot ni mama habang hinihimas ang braso ko pang comfort. Hindi na ako nagsalita at yumuko na lang ako bilang hudyat na I'm ready at papasok na ako sa loob. Sobrang kinakabahan at nasasaktan ako hindi ko maexplain ang nararamdaman ko basta ang alam ko ang sakit at di ko gusto ang mga nangyayari.

Bago pa man bumukas ang pinto, napakapit agad ako ng mahigpit sa braso ni mama dahil sa kaba. Kung sa normal na kasal dapat ako lang mag isang papasok sa simbahan at nag aantay ang groom ko tapos aalalayan ako ni papa papalapit sakanya sa aisle pero ito hindi e, hindi kase normal tong kasal na to. Kung may request man ako natupad ngayong araw yun ay yung makasama ko si mama pagpasok sa loob ng simbahan dahil kung hindi baka tumumba na talaga ako. Sino kaya ang lalaking papakasalan ko ngayon? Ano kaya itsura nya? tanong ko sa sarili ko. Ay hindi na to mahalaga, kanina pa ako tanong ng tanong wala din naman sasagot sakin para lang akong tanga. Si Nick? Ano kaya ginagawa nya ngayon? Ano kaya mangyayari pag malaman nya? Ano gagawin nya? Ito na naman ako si tanong. Napatingin ako sa harap ng marinig ko bumukas ang pinto ng simbahan. Grabe di ko napansin ang laki at ganda ng simbahan na to dahil sa nararamdaman ko.



Habang naglalakad papasok ng simbahan nakita ko si papa na lumapit at inalalayan ako papunta sa aisle at si mama umalis na para iwan kami ni papa. Naiiyak na ko sa mga nangyayari, actually kanina pa tinitiis ko lang kahit ang bigat bigat na. Buti na lang may namana ako kay lolo at yun ay ang pagiging tough sa mahirap na sitwasyon. I saw their teary eyes and again it kills me. Pakiramdam ko nakalutang lang ako at di ko maramdaman ang talampakan ko sa bawat hakbang ng mga paa ko. Nakatingin lang ako sa harap ng altar kung nasaan ang pari. Di ako makapaniwalang ito na to, totoo nang ikakasal na ako.



Dapat kiligin ako sa sitwasyon na to e lalo na't kasal ko. It supposed to be the most romantic event of my life pero hindi e. Hindi ko na rin kinayang ilibot pa ang paningin ko dahil baka hindi ko kayanin kaya pinokus ko na lang ang attensyon ko sa harap pero habang papalapit sa altar at tinutogtog ang wedding march di ko napigilang tignan ang lalaking nilalapitan ko ngayon at pag aalyan ko ng sumpang pang habang buhay. Habang papalapit sakanya hindi ko alam kung bakit hindi maalis ang tingin ko sakanya at ganun din naman sya, oo nagkakatitigan kami, ang kapal ng kilay nya na bumagay naman sa cute nyang mata, ang matangos nyang ilong na lalong nagpadagdag ng kagwapuhan nya sinabayan pa ng magandang kutis nya at mapula nyang labi. To sum it all he's almost have the perfect look. Habang pinapatansya sya ng mata ko yung puso ko naman nagwawala dahil sa katotohanang dapat si Nick ang ang nasa lugar nya. Si Nick ang inaasahan kong kasama ko at naghihintay sa akin sa harap ng altar at hindi ang lalaking ito. Di ko mabasa ang emosyon na meron sya parehas ba kami ng nararamdaman? Ewan wala akong pakialam.



Binaling ko na lang ang mata ko sa pari at nagpatuloy maglakad at tumigil sa harap ng altar.

"Who gives this woman to be married to this man? " sabi nung pari na kinagulat ko nagumpisa na pala ang seremonya without knowing na inaabot na pala ako ni papa sa lalaking papakasalan ko. "Her Mother & I" Nakita ko namang kinamayan ni papa ang groom ko at inilaad nya sakin ang braso nya bilang hudyat na sumama ako sakanya. Wala akong magawa kundi sumunod sa mga nangyayari. Naiisip ko tuloy paano kung nandito si Nick? Ano gagawin nya habang nakikita ako na may pinapakasalan akong iba. Pero okay na din na hindi nya alam kase natatakot ako sa pwedeng mangyari pag humadlang sya. Nag uumipsa na ang seremonya at nag umpisa na din magsalita ang pari.

"We are gathered together on this beautiful afternoon to share with Cheska and Kurt Andrew as they exchange vows of their everlasting love..." nag echo ang boses ng pari sa loob ng simbahan. Everlasting love? As if may love sa kasal na to. Napangisi ako. Kurt Andrew pala ang pangalan nya, ang pangalan ng magiging asawa ko. So pathetic na ngayon ko lang nalaman. Ang alam ko marami pang sinabi yung pari pero wala ako narinig na anuman.



((Let us pray . . .))

"At this time, I'll ask you, Kurt Andrew, and you,Cheska, to face each other & take each other's hands." ayoko sanang humarap pero hinawakan ni Andrew ang kamay ko paharap sakanya. He stares at me.

Kurt Andrew, will you take Cheska , to be your partner in life and your one true love? Will you cherish her friendship and love her today, tomorrow and forever? Will you trust and honor her, laugh with her and cry with her? Will you be faithful through good times and bad, in sickness and in health as long as you both shall live?" tanong nung pari.

" I will." sagot ni Kurt napatingin ako sakanya dahil at nakita ko syang nakatingin din sakin. Bakit ang bilis nyang sumagot?

"Cheska, will you take Kurt Andrew to be your husband, your partner in life and your one true love? Will you cherish his friendship and love him today, tomorrow and forever? Will you trust and honor him, laugh with him and cry with him? Will you be faithful through good times and bad, in sickness and in health as long as you both shall live?" ako na pala ang tinatanong. Alam kaya ng paring to na kahit isang segundo wala kaming pinagsamahan nitong lalaking to? Ngayon pa lang. Akala ko mga tanong lang sa exam ang magpapahirap sakin meron pa pala at mas mahirap pa. At nakakatawa pa kasi dapat excited ako sumagot sa tanong na to pero natatakot ako at ayoko. Eto yung tanong na gusto ko lang sagutin sa tabi ng taong mahal ko. Pakiramdam ko may kung ano sa tanong yun at hindi ako makapagsalita siguro dahil pag sumagot ako magbabago na ang lahat, ang lahat lahat. Ilang saglit ako nag isip ng kung ano ano, ng makaramdam ako na may nakatingin sakin ng masama, si lolo, yung tingin nyang pakiramdam ko pinapalo na ako,yung tingin na may pagbabanta. Nakakatakot.

"Ms. Cheska, I repeat.." pari

"Ye.. Ye.. Yes I will!" sagot ko hindi ko alam kung saan ko hinila at nahugot yung mga salitang yun basta ang alam ko kailangan ko sabihin ang mga salitang yun ngayon.

"FOR AS MUCH AS GROOM & BRIDE HAVE CONSENTED TOGETHER IN WEDLOCK, AND HAVE PLEDGED TO BE BETROTHED, ONE TO THE OTHER, BY THE POWER VESTED IN ME, I NOW PRONOUNCE YOU

HUSBAND & WIFE."

===================

Swear it AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon