Tadhanang Hatred.

31 3 0
                                    

" Aray ko naman ! " Bwiset naman oh di nagdadadahan-dahan man lang, mga atat eh.

           *Chuckles (hehe wag na kayo)*

Ugh. That freak, ano nanaman ba yung ginawa ko sakanya? He is really starting on my nerves.

" Kainis yung unggoy na yun may patawa tawa pang nalalaman. Magsama sila ng mga minions niya " Naglakad na lang ako papuntang room nasa pangatlong palapag pa naman yun.

Nakakatamad naman umakyat pataas ng building sana naman may ilagay na silang elevator dito sa University na eskwelahan kulang sa pasilidad haay naku.

Paakyat na ako sa pangalawang building nang harangin ako ng mga minions ni unggoy, ugh ano nanaman ba ang ginawa ko?!

" Hi Maria Samantha Anthill Deocampo " Sabi ni Herald minion actually classmates ko ang mga to eh pati na yung unggoy na yun ang lucky ko diba? -_-
" Excuse me Herald ah? may klase pa kasi no baka kasi ma late tayo no? alam mo naman si Ms. Hernandez ang first period natin, matandang hukluban yun eh ayaw ko mapagalitan kaya kung may sasabihin ka wag muna ngayon ipagmamaya mo na lang ok? " Sinasabi ko yan habang paakyat na sana sa hagdan ng biglang sumulpot si unggoy. Whut da?! Tiningnan ko lang siya at siya naman poker tapos nag smirk huhulaan ko lang kung anong ginawa ko nanaman. Isip isip isip ~ ugh wala talaga.

" Wag ka nang pumasok kasi---" Ahhh humahakbang siya papunta saken habang nakangise. Actually ang awkward tapos lumalapit na siya ayan na. Di ko mawari kung anong nasa isip niya pero kung ano man yan di ko talaga to uurungan, lalaban ako no.

Tinulak ko siya gamit ang dalawa kong kamay with force pa yan ah.

" Diretsuhin mo nga ako Heath may galit o kinamumuhian mo ba ako o baka rin naman wala ka lang talagang trip at ako pa ang nakikita mo sa araw-araw na libong-libo na estudyante dito sa Paragon ha? " Ilang minuto lang kaming nagtitigan na para bang pinapatay na namin ang isa't-isa at sasagot din siya sa wakas.
" Gusto mo talagang malaman? itanong mo sa sarili mo kung bakit, halimbawa na lang ng ginawa mo kahapon sa gym diba? " Ano bang sinasabi ng lalakeng to? Di ko siya ma gets, unggoy nga alam na.
" See ni hindi mo nga natandaan. Halata naman kasi diyan sa sarili mo at napaka slow mo pa sabihin mo nga abnormal ka no? o di kaya alien? hmmm baka naman monster ka. " Honestly ang sarap niya pong ihampas sa pader na katabi niya. Pero no kalma lang Maryang kaya mo yan. Inhale ... Exhale ... Hooo ! ok.
" Yiiiiieeh ~ tadhana sila oh" - Si Herald minion
" Oo nga ang cute niyo tingnan " - Carlo minion at nag deathglare lang si unggoy sa kanilang dalawa.
" Alam mo Heath sabihan mo na ako ng kahit anong gusto mo o awayin at pagtripan mo man ako, wala akong pake to be honest di ko talaga alam yang mga sinasabi mo na tungkol sa gym, I mean oo nasa gym ako kahapon eh ano naman sayo diba marami namang pumupunta sa gym right? at isa pa wala akong ginawa sayo kahapon sa natatandaan ko mister at eto ah last na to naiinis na ako sayong unggoy ka wag mong hintayin na mawala tong pasensya ko sayo dahil konting konti na lang talaga, konting konti na lang Raphael Heather Mateo III " Pagkatapos ng mahaba kong speech ay umalis na ako dahil bongga na bonggang late na ako, kainis. 15 minutes late sana naman good mood si ma'am neto.

Pagkaharap ko sa pinto ay kumatok ako at binuksan ni ma'am ang pinto, tinaasan niya ako ng kilay at sinarahan ulit ng malakas na malakas at narinig ko pa ang doorknob na locked, Ghad. I'm doomed. That freaking asshole and his minions. Nawala na yung energy ko na pumasok sa school mag-absent muna kaya ako? Ngayon lang naman eh.

Palabas na sana ako ng gate ng tawagin ako ni Sir Alfred ang pinaka batang prof sa Paragon, Actually fresh graduate siya at ang gwapo may dimples pa ang swerte ng girlfriend neto ni sir hehehe ok enough.
" Miss Deocampo where are you going? " Patay sabi na eh.
" Uhhh masama po kasi ang pakiramdam ko sir kaya uuwi na lang muna po ako" Sana naman maniwala ka sir *cross finger* " Awe kawawa ka naman pala , So bago ka umuwi may pag uusapan muna tayo sandali lang naman to kaya ok lang ba? sa faculty na lang tayo mag-usap. Sandali lang to at pwede ka na agad umuwi sa inyo at magpahinga". ay HAHAHA ang kyot mag smile ni sir kita pati yung dimples hala ! ano nanaman kaya to?

He Hates MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon