Chapter 12-Not now

154 4 2
                                    

Kiera's POV

Nagsimula na kong magtrabaho sa Misty bhlu. Wala naman akong magagawa kundi mahpakatatag eh. May pasok nanaman bukas. Magkikita kami alam ko yun. Alas seis na ngayon kaya nandito na ko sa bar. Hanggang 10 pm lang trabaho ko dito. Umadvance na rin ako para kahit pano may pera.

"Hi! Bago ka dito di ba?" Sabi nung isa pang singer slash dancer slash waitress.

"Ah oo. Kiera Ramirez pangalan ko. Nice to meet you"

"Nice to meet you too girl. Tara kanta na tayo."

"Wala bang practice?"

Natawa siya. "Wala. Ano bang piece alam mo."

"I am the best"

"Kanta ng 2ne1? Ok alam ko rin yun. Kantahin mo sasayawin namin nina Faye, Jazz at Deinne. Ako nga pala si Kyle"

"Oo kanta ng 2ne1. Sige kakanta na ko."

Umakyat na ko. Lagtugtog nang music nagulat ako nung kinnta ko na. Ang galing ko daw. Mahirap din daw kantahin yun lalo na't sumasayaw pa ko nang konti. At sino ba naman mag-aakalang swertihin pa ko. May mga nagbigay kasi nang tip. Bukod dun marami pa kong kinanta tulad ng I swear(Sistar), Gotta be you at lonely(2ne1). Pagdating ko kela Jane nagpahinga na ko agad.

***

Umaga nanaman. Should I say may pasok nanaman? Di ko nalang papansinin si Scott. Kinakabahan? Oo kinakabahan ako. Excited? Mejo kasi makikita ko na sila Mel at malalaman ko kung okay na si Scott. Ang hirap pala talaga pumasok sa isang relasyon noh? Ang daming problema. 16 palang ako pero feeling ko 50 years na ko. Stress nang life ko.

Bumaba na ko't naabutan kong nagbebreakfast na si Jane.

"Kain na Kiera!" Aya niya.

"Hindi na sa school nalang"

"Girl sabayan mo na ko"

"Yung daddy mo nasan ba?"

"Walang pake sakin yun tsaka baka nasa bahay sa probinsya yun. Please sabayan mo na ko."

"Nakakahiya na masyadk tsaka ano ba may pake sa'yo yung daddy mo for sure."

"Di mo kasi siya tatay tsaka mas nakakahiya kung di ka sasabay kasi wala na nga kong kasabay dito."

"Sige sasabayan na nga kita."

Kumuha na rin ako nang pagkain. Kahit nakakahiya sige nalang.

"Ready ka na ba?" Biglang tanong no Jane.

"Ready saan?" Kahit alam ko yung tinutukoy niya nagkunyakunyari akong di ko alam.

"Kay... Scott."

"Oo naman. Wala na kaming problema."

"Okay. Sabi mo eh!"

Natahimik kaming dalawa hanggang pagkatapos kumain. Imaya niya kong sa sasakyan na sumabay papasok pero tinanggihan ko na. Sobra sobra na yung naitulong niya eh.

Halos sabay lang rin kaming nakarating dito sa school. Pagpasok namin sa room andun na si Scott.

"Kiera ako na magpasok nang gamit mo sa loob. Punta ka na sa likod nang school. Sunod ako." Sabi ni Jane. Sobrang bait niya talaga.

The Youngmaster Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon