(PLAY THE VIDEO GUYS PARA FEEL NIYO YUNG STORY. Kumapta!)
May magbestfriend, si Dustin at Angel. Sa lahat ng bagay nakasuporta si Angel kay Dustin. Ganun naman yung bestfriend diba? Bata palang, pangarap na ni Dustin na maging isang sikat na singer. Ginawa lahat ni Angel para matulungan si Dustin na makamit yung mga pangarap niya. Hanggang sa makamit niya na ito. Then one day, nakaupo sila sa isang bench pero parang tila may bumabagabag kay Dustin.
Angel: DUSTIIIN? Okay ka lang? Gusto mo kape? Bumili ako ^-^
Dustin: *sigh*
Angel: *tapik kay Dustin* Uy? Okay ka lang?
Dustin: Angel. Gusto ko talaga siya.
Angel: Si Sophy. I knew it.
She smiled sadly.
Dustin: Sa tingin mo may pag-asa ako?
Angel: Oo naman.
Dustin: Talaga?
Angel: Oo naman! Sa pogi mong yan!
Dustin: Salamat best.
Niligawan na nga ni Dustin si Sophy. Hanggang sa maging sila, nakasuporta si Angel nung una palang. One time hindi na nagustuhan ni Sophy yung pagsasama ni Angel at Dustin. Nagsimula na itong magselos. Hiniling niya kay Dustin na layuan si Angel. Mahal ni Dustin si Angel pero mas mahal niya si Sophy. Ayaw man niya, pero gusto ng mahal niya gagawin niya. Mahirap man sakanya gagawin niya.
Angel: Dustin!!
Dustin: Layuan mo na ako.
He coldly said.
Angel: Bakit? May nagawa ba akong mali?
Dustin: Nakakasakal ka kasi. Parati nalang kitang kasama.
Tumalikod si Dustin sabay ang pagtulo ng luha niya. Lingid sa kaalaman ni Dustin ang suporta na binibigay ni Angel sakanya, sa pagtitinda ng tickets nya sa concert, hanggang sa paghahandle ng mga fanclubs niya.
Angel: Ganun ba? Sige wag kang magalala. Yan ba talaga yung gusto mo? Yung layuan kita? Sige. Basta tandaan mo. Andito lang ako.
Hindi na sila nagpapansinan simula noon. Nagpapadala si Angel ng box of cupcakes everyday sa condo ni Dustin pero si Sophy ang unang nakakakita. Binibigay niya ito kay Dustin na parang ito ang may gawa. One time sa school napadaan si dustin sa locker area, nakita niya si Angel na nakasando. Agad niya itong hinawakan sa braso.
Dustin: ANO TO?
Sabay tingin sa malaking pasa na nasa braso nito.
Angel: Dustin! Ikaw pala. Ay eto? Wala lang ito. Tumama lang sa poste.
Dustin: BAKIT DI KA NAGIINGAT?!
Angel smiled. He still cares.
Angel: Ano ka ba! Ang OA nito! Ang layo kaya sa bituka!
Dustin: Angel.
Angel: Bakit? ^-^
Dustin: Wala.
He walks away. Lumipas ang araw, hindi pinapansin ni Dustin si Angel. Ilang beses sinusubukan ni Angel na pansinin siya. May mali ba? May mali ba siyang ginawa at naging ganun si Dustin sakanya? Napabalikwas sa pagkakahiga si Angel ng may kumatok sa kwarto niya.Angel: Bukas po.
Umupo siya ng maayos at inayos ang sarili niya.
Mom ni Angel: Angel? Pwede ba tayong magusap anak?
Angel smiled. Umupo ang mama niya sa kama niya then caressed her back.
Mom ni Angel: Wala ka ba talagang balak sabihin kay Dustin anak?
Angel: Ma.
Mom ni Angel: Anak kahit di na yang feelings mo para sakanya, pero yang sakit mo. I guess he needs to know.
Angel: Ginagawa ko lahat ma para sumaya siya. Para ko siyang maiwang malungkot.
Humagulhol sa iyak si Angel.
Angel: Ma? Bakit ako? Ma. Ang sakit ma. Ma mahal ko siya. Gusto ko gawin lahat para sumaya siya. Pero bakit ganto ma? Gumawa ako ng paraan para magkagirlfriend siya pero ang sakit ma pag nakikita ko sila. Naiinggit ako. Nasasaktan ako.
Niyakap siya ng kanyang ina.
Nakita rin ni Angel si Sophy at si Renz na magkayakap nakita niya rin na nakita ni Dustin yung nangyayari. Nasasaktan siya para dito. Hinabol niya si Dustin at hinawakan sa braso.
Angel: Dustin..
Dustin: Bitaw.
Bumitaw si Angel kay Dustin.
Angel: Masakit ba?
Niyakap ni Angel si Dustin sa likod.
Sophy: DUSTIN! ANO TO?!
Agad bumitaw si Angel kay Dustin. Nagulat silang pareho sa sumigaw na si Sophy. Lumapit si Sophy kay Angel at sinampal ito.
Sophy: ANG LANDI MO RIN NOH?! ANG KAPAL NG MUKHA MONG YAKAPIN YUNG BOYFRIEND KO!
Dustin.. Ipagtanggol mo ako.. Please.. Nasa isip ni Angel. Pero nakatayo lang si Dustin at gulat sa pangyayari. Hinawakan niya si Sophy sa braso.
Dustin: Bakit ikaw? *he gritted his teeth* anong ginagawa niyo ni Renz kanina?
*PAK*
Sophy: So pinagtatanggol mo tong babaeng to?! Kababata ko si Renz! Ngayon ko lang ulit siya nakita! So wala kang tiwala saakin? Ha Dustin! Wala?!
Sophy walked away. Hahabulin sana siya ni Dustin pero hinawakan ni Angel ito sa kamay. Inalis ni Dustin yung pagkakahawak ni Angel.
Dustin: please. Wag ka nang makialam. Wag ka nang makialam saamin.
Hinabol ni Dustin si Sophy. Lingid sa kaalaman niya ang pagkahilo ni Angel. Kumapit si Angel sa isang bakal at pinilit lumakad.
'Bakit Dustin? Galit ka ba? Bestfriends tayo diba? Walang iwanan diba? Ang sakit Dustin.. Ang sakit'
Angel kept on walking but suddenly everything went black.
---*
Dustin: Sophy sandali.
Sophy: Tama na Dustin. Ayoko na.
Dustin: B--bakit?
Sophy: Kasi mahal ko si Renz.
Bumitaw si Dustin kay Sophy then watched her back as she walks away. The pain he felt. Pero hindi yung sakit na break na sila. Nagflashback sakanya lahat yung ngiti ni Angel pati na rin yung masasakit na salita na binigay niya dito. One thing he assures, mahal niya si Sophy but he cant let go Angel. Tumunog yung phone niya.
Dustin: Hello tita?
Tumawag yung mama ni Angel.
Mom ni Angel: Dustin may tumawag saakin si Angel pinunta sa hospital! Anong nangyari sa anak ko?!
Dustin: ANO PONG HOSPITAL?!
Mom ni Angel: *crying* Yung anak ko..
Dustin: Tita ano pong nangyari?!!
Mom ni Angel: May sakit siya iho. Leukemia. Stage 3. Nasa st. Lukes daw siya ngayon. Ayaw niyang ipasabi sayo pero natatakot ako. Natatakot ako na dahilan ng pagkahospital niya yung sakit niya. Natatakot ako iho.
Nabitawan ni Dustin yung celphone niya sabay ang pagtulo ng luha niya. Tumakbo siya sa kotse niya at minadali ang pagmamaneho. Maraming bumusina sakanya at kamuntik nang mabunggo pero wala siyang pakialam. Tanging nasa isip niya ay ang matagal niya na palang mahal. Na ngayon niya lang napansin na mahal niya, si Angel. Hanggang sa narating niya na yung hospital.
