Una

18 0 0
                                    

Heto nanaman ako online sa wattpad. Bakit nga ba ako online?

Magbabasa ba ako?

Magsusulat ba ako?

Ano nga ba ang ginagawa ko sa tuwing magbubukas ng wattpad?

Alam ko na magbabasa ako, pero tungkol saan?

Fiction kaya?

Horror? Thriller? Suspense? o Mystery?

Fantasy kaya para maiba.

Ano nga ba ang magandang basahin?

Love story? Tragic o hindi.

Comedy para nakaka-good vibes.

Drama na lang, gusto kong maiyak.

Hindi ko alam kahit ano na lang basta ako ay magagalak.

Gaano nga ba kahalaga ang kategorya na ating babasahin?

Paano ba nakakaapekto ang binabasa natin?

Bakit ba gusto natin magbasa?

May nakukuha ba tayo sa pagbabasa?

Kung meron, ano kaya iyon?

Mabuti pang makapagbukas ng facebook.

Log-in muna, magtatanong ako anong magandang basahin.

Sa aking pagtatanong, heto ang kanilang sagot.

Karamihan sa kanila tungkol sa mga gangster story.

Meron naman tungkol sa mga nerd.

May fantasy din, tipong may magic.

May SPG, romance kumbaga.

Love story na mala-disney princesses.

May action, patayan kung saan dadanak ng dugo.

Vampire at warewolf meron din.

Marami pang iba, ngunit wala pa rin akong mapili.

Ang ilan naman sa kanila yung mga author/writer ang nilagay.

Sa dami ng kanilang suhestiyon hindi ako mapalay.

Kung anong aking uunahin.

Saka na nga lang ako magbabasa.

Scroll, scroll na lamang

Pero teka, teka

May napansin lamang ako.

Bakit ang ibang mambabasa ay ganoon na kung makapagbigay ng opinyon?

Ang ilan ay maganda at nakakataba ng puso.

May mga salita ring ikakahaba ng nguso.

Mga ilang salita na makakaapekto sa manunulat.

Maaring ikagalak o ika-beast mode.

Sabagay nauunawaan ko ang ilan sa mambabasa.

Istoryang jejemon

Istoryang puro grammatical errors.

Istoryang may typo graphical errors.

May mga istorya ring pinagsama-sama lahat.

All in one kumbaga.

Ngunit kahit ganoon sana ay bigyan natin sila ng respeto.

Hinay--hinay lamang sa pagkokomento.

Baka sa susunod na ikaw ang may kwento.

Ikaw ang mapagdiskitahan ng mga loko.

Mabilis magbasa, mahirap magsulat.

Oo tunay ngang mahirap magsulat.

Pero mahirap din magbasa kung malabo

o kulang ang mga paglalarawan sa nasabing kwento

Mahirap paniwalaan ang kwentong barbero.

Pero karamihan sa mga kwento ay may babaero.

Hindi ko rin alam kung ano itong aking ginawa

Tila nagustuhan ko lang magtipa

Dahil wala akong magawa

Mambabasa o manunulat ka man

tayo ay pantay-pantay 

Saan nga ba nag-uumpisa ang isang manunulat?

Sa ideyang kanyang naisip,

Sariling karanasan o naranasan ng malapit sa kanya

Hindi natin alam kung saan nag umpisa

Kung hindi natin babasahin.

Ano nga ba ang kailangan para maging manunulat?

May malawak bang imahinasyon?

Magaling sa Ingles at Filipino?

May sukatan nga ba?

Sa bawat kwentong aking nababasa

Iba-iba man sila may pagkakatulad lahat

Saan o ano ano?

Lahat ng kwento ay kailangan gamitan ng imahinasyon.

Lahat nang naisulat ginawan ng ideya at nag umpisa sa paglalarawan

Magkaiba man ang naging kilos may pagkakatulad pa rin.

Kapag nagbasa ka gumagana rin ang utak base sa nakasulat.

Sa iyong pagsusulat nag umpisa rin sa pagbabasa ng nakasaad.

Kung iyong susumahin pareho lamang sila.

Mambabasa man o manunulat.

Kaya sana sa tuwing ikaw ay magsusulat

Basahin ulit ang iyong sinaad

Nang lubos na maintindihan ang iyong sulat

At ikaw mambabasa matuto kang magbigay respeto

Hindi dahil sa mahirap magsulat

Kundi lahat tayo ay may karapatang irespeto.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Hindi ko alam kung anong kategorya ito, wala lang akong magawa sa oras na ito.

Sana ay mamulat ang lahat.

Salamat inyong ipagbigay paumahin kung hindi pumasa sa inyo

Malugod kong tatanggapin ang inyong mga komento.

Hindi ito tula.. Usapang ewan lang toh ^_^



SulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon