Radio station (One shot Horror story- COMPLETED)

2.4K 20 0
                                    

“Good morning! Ako nga pala si Mary Rose Madasig at isang malaking karangalan sa akin ang mapabilalang sa  mga writer ng DZMT radio station,makakaasa po kayo na ibibigay ko ang aking buong panahon at talento para mas mapaunlad pa ang estasyon na ito.”

“Maraming salamat Mary Rose, at umaasa kaming maging maganda ang pagsasama natin ditto! Guys, since na baguhan itong si Mary Rose pakialalayan lang siya, you may now go to your assigned seat!”

ani ng manager ng estasyon na si Ms.Gallardo sa kanyang mga emplyado.

Pagkatapos ng meeting ay bumaba na sa ground floor ang mga emplyado ng istasyon, maliban kay Mary Rose na nanatili sa 2nd floor habang tinitingnang mabuti ang bawat sulok ng istasyon.

Unang araw niya kasi ito sa trabaho matapos niyang maipasa ang exams at interview.

Malawak ang DZMT,

mayroon itong dalawang palapag ang 2nd floor kung saan naroon ang managers office, ang kanilang conference room,

gayundin ang drama room. Isa kasing AM station

ang DZMT kung saan ang kanilang mga programa ay nahahati sa drama at public affairs, habang nasa ground floor naman ng istasyon ang kanilang technical department,

kasama ang anchors' booth,

kung saan nagsasalita ang mga anchors o announcers, at ang technical booth kung saan naroon ang mga technician habang minomonitor ang mga equipments ng station.

Bukod sa mga ito nasa groundfloor din ang newsroom ng istasyon .

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Mary Rose sa araw na iyon,

matapos ifamiliarize ang kabuuan ng estasyon ay tinungo niya na ang newsroom kung saan siya magsusulat ng mga balita bilang isang news writer.

“Mary Rose, halika, tignan mo itong ginagawa ko,” ani ni Orkids isa sa mga news writer na makakasama niya sa istasyon.

Agad naman siyang lumapit sa tabi ni Orkids at tinitignan ang ginagawa nito sa computer.

“Naku mukhang kaya ko naman!” ani Mary Rose.

“Mabuti naman kung ganoon, mas maganda kung madali kang matuto, kasi dito sa estasyon tig-iisang news writer lang ang nakaduty.”

“Anong ibig mong sabihin,?” tila naguguluhang tanong ni Mary Rose

“Ganito kasi iyon, dito sa Dzmt kahit naka off air na tayo ay nakaduty pa rin ang newswritter,meaning tayo lang ang matitira ditto sa estayon.”

“Ano daw?, hindi ko pa rin naiintindihan!”

“Ganito yon Mary Rose, halimbawa ako ang duty ko, 8:00am -500 pm, pagdating ng 5pm uuwi na ako iisa naman ang papalapit sa akin .duty niya 5:00 pm hanggang 11pm, hahalili na naman sa kanya ang isa pang newswritter ng 11pm-hanggang 6:00am.”

Radio station (One shot Horror story- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon