Chapter 2

189 1 1
                                    

Chapter 2

Natatarantang binuksan niya ang pinto.

Ngunit nanlumo siya nang maalalang nai-padlock nga pala niya iyon.

Prantikong nangapa siya sa sahig sa pagbabaka-sakali na naroon lang ang susi.

Palakas nang palakas ang mga hagikgik tanda na palapit na ang mga ito sa kanya.

“Diyos ko, ano ba itong nasuotan namin?” naiiyak na sambit niya habang patuloy sa pangangapa ng susi.

Pumitlag ang puso niya nang may makapa sa sahig.

Nang itaas niya iyon ay nakita niyang isang susi iyon!

Akmang isusuot na niya iyon sa padlock nang maramdaman niya ang hapdi sa kanyang likod kasunod ang pagbigat niyon.

Nang kapain niya iyon ay napahiyaw siya.

May tiyanak nang nakasampa sa likod niya! Pilit na iwinagwag niya iyon.

Muli siyang napahiyaw sa matinding sakit nang ibaon niyon ang matutulis na kuko sa likod niya.

Hanggang sa maramdaman niyang isa-isa nang nagsipaglundagan sa kanya ang mga tiyanak.

Bawat isa ay ibinabaon ang mga kuko sa balat niya na tila nagsisigurong hindi niya maiwawagwag ang mga ito.

Tumulo ang dugo mula sa iba’t ibang parte ng katawan niya hanggang sa madulas siya sa sarili niyang dugo.

“DITO tayo!” sabi ni Vanessa sa mga kaibigan.

Sila na lang nina Mia at Beng ang magkakasama.

Napahiwalay na sa kanila sina Jet at Trina.

Hindi nila alam kung ano na ang nangyari sa mga ito.

Hindi niya alam kung buhay pa ang mga ito.

Sa mga sandaling iyon ay alam na nilang hindi ordinaryong horror house ang napasukan nila.

Dahil ang nilalang na nananakot doon ay hindi naka-costume lang.

Totoo ang mga ito at pumapatay.

Nang magkahiwa-hiwalay sila ay napunta silang tatlo sa itaas ng kastilyo.

Nang sa tingin niya ay wala nang humahabol sa kanila,

pumunta sila sa may terasa upang silipin kung nasaang parte ang dalawa pa nilang kaibigan nang mapatda sila sa nakita.

Mula sa dingding ay lumalabas ang mga nakaitim na kasuotan na tila si Kamatayan na tulad ng humabol sa kanila kanina.

Sa sahig naman ay nagsusulputan ang maiitim na nilalang na tulad ng mga tiyanak.

Nagsipaglundagan ang mga iyon sa balikat ng mga Kamatayan at luminga-linga sa paligid na lila naghahanap din.

Nang makalagpas ang mga ito ay rnaingat silang bumaba. Lumiko sila sa kasalungat na direksiyon na pinuntahan ng mga nakaitim na nilalang.

Nang makaliko sa direksiyong itinuro niya ay patuloy silang naglakad.

Kailangan na nilang makita ang labasan bago pa sila makita ng mga humahabol sa kanila.

Hiling niya na sana ay makasalubong nila sina Jet at Trina.

“Vanessa, ‘di ba, doon tayo nanggaling kanina? Baka nandoon ang dalawa,” sabi ni Beng

at itinuro ang direksiyong sinasabi nito.

“Sige, puntahan natin. Pero alisto kayo, ha? Hindi tayo dapat magkahiwa-hiwalay,” aniya sa dalawa.

Horror House (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon