Sabi nila pag INLOVE daw heaven ung pakiramdam...
laging inspired... laging masaya... puno ng buhay... puno ng surprises...
siguro nga totoo un, kase naramdaman ko na din un... ang mainlove...
mainlove sa isang taong hindi ko inaasahan...
sa isang taong ibinuhos ko lahat lahat...
ang lalaking kumuha ng mga ngiti ko...
ang minahal kong nagiwan ng malaking marka sa puso ko...
isang nilalang na nananatiling buhay sa isipan at alaala ko...
dahilan kung bakit sa bawat araw na lumilipas nananatili akong puno ng lungkot...
lungkot hindi dahil sa nawala siya...
kundi dahil alam kong hindi na siya makakabalik pah...
napanood ko sa isang palabas...
"kapag nakarating ka na sa dead end, dapat alam mo na ang daan pa balik"
tama un kung tutuusin...
ang masakit lang...
sabay kayong naglakad, sabay kayong nakarating sa dulo...
ngunit sa pagbalik mo...
mag-isa ka nalang...
ang mundong binuo nyo ng magkasama.. ang mga alaalang pinagsamahan nyo...
ngayon ay magisa mong ginugunita... ang mundo nyo na magisa mong binubuo dahil pinabayaan ka nya...
ang puso mong magisa mong binubuo... dahil sa kagagawan nya...
ang buhay mong pilit mong inayos kahit hindi mo alam kung panu pa ba sisimulan...
dahil halos lahat binigay mo na.. ngunit hindi sumapat...
na wala ng natira sayo upang magsimula muling bumangon...
na wala kang makapitan dahil lahat ng tao sa buhay mo unti unti mong iniwan para lang sa kanya...
pero kahit sobra na ung sakit... sobra na ung hirap...
halos puro lungkot at pagdaramdam ang nararanasan mo ngayon....
at kahit dinidikta sayo ng isip mo na TAMA NA! MAGALIT KA!
patuloy pa rin ang puso mo sa pagmamahal sa kanya...
hindi mo magawang magalit... hindi mo magawang itigil na mahalin siya...
kahit alam mong... INIWAN KA NA NYA...
